Chapter 4: Uniform

212 25 0
                                    

Uniform

─────⊱🥀⊰─────

Kianna's Point Of View

"Ang aga naman ng lakad mo ngayon apo" sambit ni lola.

"Lolita, babalik po ulit ako sa XU" sabi ko kay lola habang mabilisang nag-aayos ng gamit ko.

"Bakit? May naiwan ka ba kahapon? Hindi ba't magkasama pa kayo ni Sheena na nagpunta doon?"

"Opo... Eh nakalimutan ko pong bumili ng uniform" sabi ko.

"Gano'n ba? Teka lang. Tawagan ko lang si Sheena para samahan ka uli--"

Mabilis kong pinigilan si lola na abutin ang telepono. Baka malaman ni Lolita na nawawala ang cellphone ni Sheena.

"Lolita, kaya ko na po ang sarili ko. Tsaka nakakahiya na kay Sheena. Masyado na natin siyang iniistorbo" sabi ko na ikinatigil ni lola.

"Oo nga. Baka maka istorbo tayo. Sige, sa susunod na lang." sabi ni lola.

"Bye Lolita! Mauna na po ako!" paalam ko sabay kaway paalis.

Mabilis akong pumara ng taxi sa harapan ng bahay ni lola.

"Kuya sa Xaston University po" sabi ko na sinunod naman ng driver.

Pagkarating doon ay agad kong ibinigay ang bayad kay manong driver.

Mabilis akong nagpunta sa main building kung saan matatagpuan 'yong banner na itinuro sa akin ng masungit na lalaki na iyon.

Nandoon pa ang butas na gawa ng palaso ng lalaki kahapon. 

Umiling ako upang maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Mabilis kong hinanap ang pabilihan ng uniporme upang magawa ko pang hanapin ang cellphone ni Sheena.

"Asan ba dito ang pabilihan ng uniporme?" bulong ko habang nakatingin sa banner ngunit isang daliri ang nagpatigil sa akin.

Nakaturo ito mismo sa hinahanap kong lugar. Mabilis kong nilingon kung sino ang nagmamay-ari ng daliring iyon. Napa angat ako ng tingin sa lalaking nasa tabi ko. Poker face itong nakatingin sa banner habang ang isang kamay ay nakapamulsa sa itim nitong pants.

"Salamat" Pagpapasalamat ko at agad na tumalikod. 

Mabilis akong tumakbo kung saan ang itinuro niya sa banner. 

Bakit ba parati na lang lalaki ang nakakasalubong ko? Wala man lang bang babae rito?

Pagkarating ko sa loob ay sinalubong ako ng nagtitinda.

"Hello, hija! Bibili ka po ba ng uniform? Pasok po kayo." Magalang niya akong niyaya papasok sa silid na iyon, ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang bahagya niyang pagngisi nang yumuko siya sa'kin.

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil marami pa akong kailangang gawin dito sa unibersidad na ito.

Para akong pumasok sa isang panibagong lugar dahil sa loob ng tindahan na ito. Namangha ako nang makitang naka-ayos lahat ng mga uniporme rito at magmumukha talagang pabilihan ng mga branded na damit ang loob nito.

May mga maniquin na maayos na nakapostura sa bawat gilid ng tindahan. Mayroon ding mga spiral staircase sa magkabilang gilid ng espasyo. Isang napakalaking chandelier naman ang nakabitin sa gitna ng silid.

Nakahanger lahat ng mga sample uniforms at ang mga extra naman ay nakatupi at nakaplastik sa mga istante. Nakahanay sila ng maayos. Sa kaliwa ang uniporme na pambabae at sa kanan naman ang sa panlalaki. Nagtitinda rin pala sila ng mga sapatos dito at mukhang may tatak unibersidad pa ang mga iyon. 

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now