Celebrant
─────⊱🥀⊰─────
Kianna's Point Of View
Papunta na kami sa restaurant kung saan gaganapin ang kaarawan ng pinsan ko.
Nagpapawis ang kamay ko sa kaba.
Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Kamangha-mangha ang kagandahan ng paligid at kitang-kita kung gaano kamoderno ang mga naglalakihang gusali na nakatayo rito.
Naagaw ng atensyon ko ang tatlong lalaki na kasing tangkad ni Vince. Naglalakad sila habang nagtatawanan.
Naka jacket silang tatlo pero hindi magkakatulad ang kulay. Mas lalo akong napalapit sa bintana ng sasakyan ng makitang pamilyar ang mukha nung naka asul na dyaket.
Parang nakita ko na siya pero hindi ako sigurado kung saan. Pamilyar ang mukha eh. Teka...
Siya 'yong nagturo sa akin kung na saan 'yong registrar office!
Napatitig ako sa suot nilang dyaket. Gusto ko rin ng gano'n. Mahilig ako sa mga ganyan. Sa tingin ko nga ay mamahaling brand pa iyon.
"Ma'am Lolita andito na po tayo" sabi ng driver kay lola.
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang nasa tapat na kami ng isang mamahaling restaurant.
Pagkapasok namin sa restaurant ay agad kaming binati ng guard at mga staff at tinuro ang daan sa isang floor kung saan nakareserve lang para sa pamilyang Garcia ang venue. Agad na bumungad sa amin ang napakakintab na sahig.
Pagkatapat sa isang pinto ay hinawakan ako ni lola sa aking braso at mahinang hinimas ito. Hinila niya ako papasok sa loob ng malaking dilaw na pinto papasok ng silid.
Rinig na rinig ang ingay ng musika sa loob ng venue at kitang-kita ko ang kasiyahang nagaganap sa loob. Ang iilan ay tumatawa, nakikipagkuwentuhan at ang karamihan ay sumasayaw.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang lumapit si lola sa mga tita ko at nakipagkamustahan.
Nagpawis ang kamay ko sa kaba at nararamdaman ko na rin ang nginig sa katawan ko ng tapunan nila ako ng tingin at kinilatis.
"Siya na ba iyon? Si Emrys Kianna?" tanong ng isa kong tita.
"Oo, siya na nga iyon" ipinagmalaki pa ako ni lola sa kanila.
Tumango ang mga tita ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok tuloy ako at pinagsaklop ang aking mga daliri.
Nakakatakot ang mga tinging ibinibigay nila. Para silang nanlalait sa mga tingin na ibinibigay nila sa'kin. Kulang na lang pati kaluluwa ko husgahan nila.
Masaya akong binati ng iba samantalang masungit naman ang pakikitungo sa akin ng iba.
Taray ng mga momshie!
"Tara na Kina. Doon daw tayo sa lamesang iyon" sabi ni lola. Tumango ako na parang bata na sumusunod sa kanyang ina.
Ramdam ko ang mga tingin ng pamilyang Garcia sa amin habang kami ay naglalakad. Nakahawak sa braso ko si lola habang papalapit kami sa lamesang bilog na iyon.
"Don't mind their stares. You're so beautiful that they can't resist taking their eyes off you." Bulong ni lolita sa'kin.
Tumango ako at agad na pinaghila ng upuan si lola at gano'n din ang ginawa ko para sa sarili ko.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na ito. Napakalawak at napakalaki.
Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa pamilyang Garcia. Napakayaman nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/367490845-288-k590798.jpg)
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mistero / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...