Pro-Co 1
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
Rinig na rinig ang ingay ng mga kaklase ko sa labas pa lang ng classroom."Ganyan ba kayo ka-ingay parati?" tanong ko.
"Hindi naman. Sakto lang" sagot ni Jaden sa tabi ko.
Pagkapasok namin sa loob, bumalik ulit 'yong makalat na classroom na nadatnan ko kanina.
Para silang mga hayop na nakatakas sa kulungan ng zoo.
May mga nagpapayabangan ng kanilang mga muscles.
Itinaas ng iba ang manggas ng polo uniform nila at nagpapakitaan ng muscles sa braso.
Ang ilan naman ay nagtanggal pa ng pang itaas na damit at nagpakitaan ng abs---mga anak ng tokwa.
Napasapo ako sa noo ko at napailing na lang nang sumabay na rin si Rae at Jaden sa kanila.
Mayroon namang nagwre-wrestling. Pinagpupustahan pa ng mga kaklase namin kung sino ang unang bibigay.
Ang lakas ng sigaw ng mga sumusuporta sa kanila tuwing malapit-lapit nang bumigay ang isa sa kanila. Kinakalampag pa nila ang mga silya na malapit sa kanila, pangsuspense kuno.
Wala pa akong nakita ni-isa sa kanila na nakasuot ng coat ng unibersidad.
Napapailing na lang ako habang nakakrus ang mga braso kong pinapanood ang mga pinaggagagawa nila.
Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng classroom pero imbis na mapagmasdan ko ang lawak at ganda ng mga pader ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang tingin namin ni Zyko.
Napalunok ako at tarantang napaupo sa pinili kong upuan. Malapit sa bintana ang upuang pinili ko kaya ramdam na ramdam ko ngayon ang hanging tumatama sa mukha ko.
Hindi na natuloy ang balak naming maglibot sa kabuuan ng Xaston University dahil kay Zyko.
Pinabalik na niya kami agad dito sa classroom kahit hindi pa naman time.
Kung hindi lang ako kinulit-kulit nina Rae at Jaden, paniguradong tulala pa rin ako hanggang ngayon.
"Emrys okay lang 'yan." natatawang sambit ni Rae nang makalapit siya sa kinauupuan ko. Umupo siya sa bakanteng upuan sa gilid ko.
"Ha?" takang tanong ko.
"Normal lang 'yong naging reaksyon mo na natakot kay Zyko kanina. Kahit din kami noong bago pa lang kami rito. Natakot din kami sa kanya." sabi ni Rae. Lumapit siya sa'kin at may binulong "Pero mabait siya. Strikto lang talaga" sambit niya.
Tinanguan ko na lang siya.
Sige, sabi mo eh.
Naghila naman ng bakanteng upuan si Jaden at inilagay ito sa harapan ko. Naupo siya pabaliktad sa upuan at ipinatong niya ang baba niya sa sandalan ng upuan habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.
"Tignan mo. Si Zyko palang nakakaharap mo pero natakot ka na agad... Paano pa kaya kung 'yong presidente na ng unibersidad na ito ang makaharap mo." sambit ni Jaden.
Napa-isip ako.
Hindi naman ako natakot kay Zyko kanina. Kinabahan lang ako kasi sobrang lapit niya sa'kin kanina.
Magsasalita na sana ako ng may pumasok na guro sa loob ng silid.
Pulang-pula ang kulay ng labi niya. May suot siyang kulay itim na salamin at mukhang wala siya sa mood ngayon dahil hindi siya nakangiti. Masasabi kong tila magkasing-edad lang sila ni Lolita.
![](https://img.wattpad.com/cover/367490845-288-k590798.jpg)
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mystery / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...