Taekwondo
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
"HAAAA!" Puma-ikot ang lalaking may kulay itim na belt. Itinaas niya ang kanyang kanang paa at mabilis na sumipa.
Napakabilis ng pangyayari. Bumagsak sa sahig ang kanyang kalaban matapos niyang tadyakan ang kanyang ulo. Rinig na rinig ang tunog na nalikha ng pagsalpukan ng paa ng lalaking nanipa at ng head guard ng kalaban nito.
"Nice kick, Seok!" Puri ng lalaking nasa gilid ng lalaking nanipa. Marahil ay isa siya sa kaibigan ni Seok, ang lalaking may kulay itim na belt. Tinapik pa niya ang balikat nito.
"Ssi-bal. You're not playing fairly." Hinihingal na sambit ng lalaking nasipa sa ulo. Kitang-kita ang pagtulo ng tagaktak niyang pawis sa kanyang noo nang tanggalin niya ang headguard na suot. "I've been battling for almost an hour against the two of you." Tinuro niya ang dalawang lalaki na nasa gilid ni Seok. Hanggang sa huminto ang hintuturo niya kay Seok na kaharap niya. "And you begin kicking me even before the countdown reaches three." Nakakunot ang noo niya, tila naguguluhan sa nangyari.
"Rules are rules, bastard." Galit na sambit ni Seok nang marinig ang sinabi ng lalaking kalaban niya.
"You're the one who's not following the ru---"
Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat nang suntukin ni Seok ang lalaking kalaban niya. Mabilis na napahiga sa sahig ang kalaban ni Seok dahil sa lakas ng suntok na natanggap niya, at marahil ay dahil din sa pagod at hilo na naramdaman niya nang sipain siya sa ulo kanina ni Seok.
"You just can't accept the fact that you lost! Loser!" Bulalas ni Seok. Matapos marinig ang puna ni Seok ay nagsipagtawanan naman ang mga kaibigan niya.
"How immature." Rinig kong bulong ng katabi ko habang nakakrus ang mga brasong nanonood kina Seok.
Sinabi mo pa.
"You are the loser. You can't even fight me fairly." Balik na sambit ng lalaking sinuntok ni Seok. Kalmado pa rin siya kahit na may dugo na ang gilid ng kanyang labi, marahil ay dahil sa suntok na natanggap niya.
Nagulat ako ng walang sabi-sabing sinuntok ni Seok ang kalaban niya. Ang mas ikinagulat ko ay ang pagdagan ni Seok sa lalaki. Walang tigil niyang pinag-uulanan ng suntok ang lalaking nasa ilalim niya. Nakaharang naman ang dalawang braso ng lalaki sa kanyang mukha at tinatanggap lahat ng malalakas na suntok ni Seok na nasa ibabaw niya.
May lumapit na dalawang lalaki sa kanilang dalawa. Akala ko pa naman ay aawatin nila si Seok, ngunit hinawakan nila ang dalawang braso ng kalaban ni Seok at inilayo sa kanyang mukha para wala na siyang pangharang pa at nang masuntok ni Seok ang mukha ng lalaki.
Mabilis na nagsigawan sa tagumpay at saya ang panig ni Seok. Naging dahilan iyon upang mas maging agresibo si Seok sa ginagawa habang ang ilan sa mga kasamahan nila ay sumisigaw na itigil na ang ginagawa sa lalaki.
Damn. Hindi ko kinakayang panoorin ang ginagawa nila...
Sa aking pag-aalala, kusang gumalaw ang mga paa ko para pumunta sa kinaroroonan nina Seok subalit hinawakan ni Zyko ang kaliwang braso ko upang pigilan ako sa balak kong tumulong.
Irita kong nilingon si Zyko. Napataas naman ang isang kilay niya nang makita ang reaksyon ko.
"What? Are you going to intervene in their fight? What will happen to you, then? You are putting yourself at risk." Sabi ni Zyko.
![](https://img.wattpad.com/cover/367490845-288-k590798.jpg)
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mistério / SuspenseUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...