Chapter 14: First Day

197 24 1
                                    

First Day

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa narinig at nalaman ko. 

Kinusot ko ang mata ko at bumangon na sa kama. Napagdesisyunan kong pumasok na lamang ng maaga sa paaralan upang ilibang ang aking isipan.

Napakaraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Lalo na ang kaguluhang nagaganap sa loob ng subdibisyong ito. Hindi naman ganito dati...

Matapos maligo, at makapagpalit ng uniporme, lumabas agad ako sa kwarto. Pagkarating sa kusina, ibinaba ko ang bag at tumbler ko sa upuan at nanguha ng tinapay. Kinagatan ko ang tinapay at nagtungo sa ref upang kumuha ng tubig. 

Natigilan ako sa pagnguya nang makarinig ng tunog sa sala. 

Dahan-dahan akong lumingon sa sala. 

"Lolita?" tawag ko. 

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng walang nakuhang sagot.

Nakita kong nakabukas ang telebisyon at mukhang doon nanggagaling ang tunog na naririnig ko sa kusina kanina. Naglakad ako patungo sa couch at nakitang nakahiga si Lolita doon. 

Ang daming nagkalat na mga dyaryo sa mini table ng sala. Nakabukas ang lahat ng iyon at iisa lang ang ipinapakita.

Nangunot ang noo ko nang makitang pare-parehong balita tungkol sa subdibisyon namin ang nakalagay sa dyaryo. 

Kinuha ko ang isang dyaryo at binasa ang nakalagay doon.


Cryptic Subdivision, tuluyan na nga bang ipapasara ng gobyerno sa labis na krimeng nagaganap sa loob?


Cryptic Subdivision, dating kinagigiliwang puntahan ng mga turista, isa na ngayong kinakatakutang lugar ng mga tao.


Totoo kaya ang bali-balita na may halimaw na nakawala sa loob ng subdibisyong iyon?


Nakaparaming teorya ang pumapaloob sa krimeng nagaganap sa loob ng Cryptic Subdivision. Isa lang sa mga teorya na narinig ko ang nagpatunay sa mga hindi kanais-nais na pangyayari. Ang ibig sabihin ng Cryptic ay mysteryoso. Kung gayon, maaaring may tinatago nga ang subdibisyong ito. Ano ang tinatago ng mga tao sa loob ng subdibisyon? Totoo nga bang may halimaw na naninirahan sa loob? Ano ang tinatago niyo!


"Kianna?" 

Mabilis kong itinago sa likod ko ang dyaryong napulot ko sa mini table at binalingan ng tingin si Lolita na nakaupo na ngayon sa couch. Kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata upang gisingin ang sarili.

"L-lolita? G-gising na po pala kayo. Bakit dito po kayo sa sala natulog?" ngumiti ako sa kanya.

Tinitigan niya muna ako bago ngumiti at inayos ang buhok niyang humaharang sa kalahati ng mukha niya.

"Nakatulog ako, hindi ko namalayan. Kumain ka na ba ng pang-almusal mo? Halika at sabayan mo akong kumain." nakangiti niyang sabi. Ngumiti ako at tumango.

Tumayo si Lolita at naglakad na patungong kusina. Nakita ko pa ang pasimpleng pagsulyap ni Lolita sa mga dyaryo sa mini table bago tuluyang dumiretso sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya.

Kumuha siya ng pitsel ng tubig at nagbuhos ng kalahati sa tasang hawak niya. 

"Lolita, totoo po ba ang mga nakalagay dito?" tanong ko at ipinakita ang dyaryong hawak ko.

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now