Toxophilites
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
Nakasimangot akong naglalakad kasama si Class President VI.
Naiinis ako sa kanya. Mabilis ko siyang tinulak kanina dahil hindi ko matagalan ang sobrang lapit niyang presensya sa'kin kanina.
Marahil dahil isa siyang Ilarial at isa akong Garcia.
Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako at pinagtaasan ko siya ng isang kilay.
"Ano nanamang problema mo?" Irita kong tanong sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Nainis siguro siya sa tono ng pananalita ko sa kanya.
"Watch your tone." Malamig niyang sambit.
Inirapan ko siya nang inalis na niya ng tuluyan ang nakamamatay niyang tingin sa'kin.
Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng pants niya nang mapansing tumutunog ito.
Pasimple kong sinilip kung sino ang tumatawag sa kanya.
Si Azriel...
"Stay here. I need to answer a call." Bilin ni Zyko bago ako iwan dito sa gitna ng open area.
Irita ko siyang nilingon. Nakatapat na sa tenga niya ang cellphone at kausap si Azriel sa kabilang linya.
Napairap ulit ako.
Hindi ko talaga maiwasang hindi magsungit lalo na kapag gutom ako.
Oo! Gutom ako!
Sino ba naman ang hindi magugutom, eh recess time nga. Dapat nasa cafeteria ako kasama sina Rae at kumakain ng mapayapa pero heto ako ngayon, kasama ang presidente ng section VI at nadadamay sa hindi niya pagkain ng rece--
Napalingon ako sa gusali kung saan abot hanggang dito sa pwesto ko ang halimuyak ng napaghalong amoy ng mga pagkain.
Parang may sariling utak ang mga paa ko at kusa na lamang akong dinala ng mga ito sa loob ng gusali.
Kumikislap ang mga mata ko ng makita ang napakaraming pagkain na tinintinda rito. Mukhang panibagong cafeteria ulit ang nasa loob ng gusaling ito ah! Napakarami namang kainan dito sa Xaston University. Ang sarap tuloy manirahan na lang dito.
Lumapit ako sa bilihan ng mga pagkain.
Bumili ako ng burger at waffle. Bumili rin ako ng dalawang bote ng tubig. Isa sa'kin at isa ulit para sa'kin este kay class president VI.
Nakakahiya naman kung ako lang ang kumakain sa'ming dalawa kaya binilhan ko na siya.
Lalabas na sana ako sa gusali kaso pagkatalikod ko, natigilan ako sa taong nakatayo ilang dipa ang layo sa'kin.
Shit.
Nakangisi sa'kin ang lalaking nakabangga ko noong nagpa enroll ako dito sa X.U. Siya 'yong lalaking nagpalipad ng palaso sa banner.
Dapat talaga nakinig na lang ako kay Zyko kanina at hindi hinayaan ang gutom ko na mamahala sa'kin...
Napalunok ako at mahigpit na napahawak sa mga binili kong pagkain nang tumayo siya sa kinauupuan niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin.
May kutob na akong lalapitan niya ako at wala siyang pakialam kung may makakita pa sa gagawin niya sa'kin.
Gusto ko pang mabuhay...
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Misteri / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...