Chapter 23

59 2 0
                                    

Yanna's Pov

Kinaumagahan ay maaga akong gumising, nag-alarm ako ng 5 am.

Buti nga at nagising ako sa tunog ng alarm ng phone 'ko dahil kung hindi ay paniguradong late na naman ako.

Gusto 'ko lang talaga na maagang pumasok ngayon at bukod 'don, ayoko munang makita ang nanay 'ko ngayong umaga.

Alam 'ko kasi na sa ganitong oras ay tulog pa sila Tita at si Mommy.

Kinuha 'ko ang uniform 'ko at pumunta sa banyo para maligo.

Pagkatapos 'kong maligo ay saglit 'kong sinuklay ang buhok 'ko at bumaba.

Pagkababa 'ko ay tama nga ako ng hinala  dahil wala akong nadatnan na tao sa baba.

Pero nakakapagtaka lang na nakabukas ang ilaw sa kusina.

Naiwan 'ba nilang nakabukas ang ilaw kagabi?

Ipinagsawalang-bahala 'ko na lang 'yon dahil baka nga ganon lang ang nangyari.

Kumuha ako ng tatlong tinapay at isang saging para sa almusal 'ko.

Paupo na ako sa Dining Table namin nang may mapansin akong isang malaking paper bag.

Akala 'ko ay pagkain ang laman kaya kinuha 'ko ito at tinignan.

Pero nagkamali ako.

Bumungad sa akin ang napakaraming gamot. Nilabas 'ko ang mga ito sa paper bag para mas makita 'ko ng maayos.

Iba-iba ang pangalan ng mga gamot, kahit na basahin 'ko ang mga nakasulat ay hindi 'ko pa rin maintindihan kung para saan ang mga 'to.

Metoprolol, Atenolol, Atorvastatin, Simvastatin, Losartan; Ayan ang mga pangalan ng mga gamot.

Hindi 'ko magets. . Kanino at Anong klaseng gamot ang mga ito?

Kay Tita kaya 'to? Kay Ate? Kay Jaden? Sila lang naman ang mga nakakasama 'ko sa bahay.

" Oh? Papasok 'ka na? " May narinig akong boses mula sa likuran 'ko kaya nilingon 'ko ito, nakita 'ko si Mommy na nakatayo.

Nang makita niya ako ay mukhang nagulat siya, nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa akin at sa mga gamot na hawak 'ko.

Pagkatapos 'non ay dali-dali siyang lumapit sa akin at inagaw ang mga iyon mula sa kamay 'ko.

Pinanood 'ko siyang ilagay ang mga gamot sa paper bag.

Nagtaka ako sa inasta niya kaya nagtanong ako. " Sayo 'yan? "

" H-Hindi. " Umiwas siya ng tingin. " Sa kaibigan 'ko 'to, pinabili niya lang sa akin. "

Tahimik akong tumango ako at hindi na inisip pa 'yon.

Ang aga niya, ah?

Kinuha 'ko ang backpack 'ko at naglakad papunta sa pinto. " Aalis 'ka na? Maaga pa. "

Nawalan na ako ng gana.

Hindi 'ko pinansin ang sinabi niya at sa halip ay nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makalabas na ako ng bahay.

Napagtanto 'ko na sobrang aga 'ko pala. 8 pa ang pasok 'ko at 6:45 pa lang!

Saan naman ako magpapalipas ng oras niyan?!

Sa sobrang aga 'ko, pwedeng ako na nga ang magbukas ng school.

Since maaga pa naman, maglalakad na lang ako.

Napagdesisyunan 'ko na sa 7/11 na lang tumambay tutal malapit lang naman 'yon sa school.

Habang naglalakad ako sa eskinita papuntang 7/11 ay may nakita akong isang lalaking binubugbog ng tatlong kalalakihan sa gilid.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now