💍 Chapter Thirteen 💍
"BUTI HINDI MALALIM ANG SUGAT mo, Miss Sydney!"Hindi kumibo si Sydney sa sinabing iyon ng isang agent na nabibilang sa medical team. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang pagdaloy ng gamot na pinahid nito sa mismong sugat niya kaya hindi niya naiwasan ang mapangiwi.
"Ang galing n'yo po kanina!" Puri nito.
Matipid lang niyang nginitian ito. Kahit naman kasi nanalo siya sa laban nila ni Camille, wala pa rin naman nagbago. Kung tutuusin tama ang sinabi ni Camille, bakit sa daming-daming pwedeng pakasalan ni Cobi ay siya pa itong napili nito? Tanggap pa nga niyang sinabihan siya ni Camille na isip-bata. Pero bakit nung sinabi nitong low level agent lang siya, para siyang nanliit bigla?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang magpaalam na ang agent na naglinis ng sugat niya. Pagkaalis ng mga ito ay saka naman dumating si Lady Lyra.
"Pwede ba kitang makausap, Agent Cinderella?" Paghingi ng pahintulot nito.
"Sige po," pagpayag naman niya saka niya ito inalukan na mauupuan.
Sa totoo lang may kalakihan ang kuwartong binigay sa kanya ni Cobi. At may sarili siyang palikuran. Sa lahat ng agent nito, sila lang dalawa ni Cobi ang nakatira sa malaking bahay nito. Kung tutusin, prinsesang-prinsesa kung tratuhin siya ng binata. Hindi niya nararanasan ang ganitong tratement noong sa department palang siya ni Yuki.
"Tungkol saan po ang pag-uusapan natin, Lady Lyra?" Nagtataka man ay magalang pa rin ang pagtanong ni Sydney sa kanilang pinakapinuno.
Nagawang kunin ni Lady Lyra ang kaliwang kamay niya, at tinitigan nito ang engagement ring niya.
"Ang galing mo kanina! Hindi na ako nagtataka pa kung bakit ikaw ang pinagkatiwalaan ni Cobi sa Purple Stone," nakangiting sabi nito.
"Purple Stone po?" Nagtatakang tanong niya.
"Pagkaingatan mo ang singsing mong ito! At kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag mong hahayaang mawala ito sa'yo," tugon ni Lady Lyra.
Napatingin na rin si Sydney sa kanyang singsing. Aaminin niyang maganda ang kulay violet na bato sa kanyang singsing. Bihira lang siyang makakita ng ganitong kulay ng isang dyamante.
"Wala ka naman bang ibang masamang nararamdaman sa katawan mo kapag suot mo ito?" May halong pag-aalalang tanong ni Lady Lyra.
Nakakunot ang noo niyang umiling, "Maganda po ang singsing, aaminin ko po iyon. Pero nagtataka lang po ako minsan sa kinikilos ni Cobi sa tuwing hindi niya nakikitang suot ko ang singsing na ito."
"Ahhh.... Hindi pa pala niya sinabi ang totoo," nagpatangu-tango ito, "Ang batong kasing iyan ang naging mission ni Cobi sa Los Angeles. Maliit lang iyang batong iyan pero sa oras na ma-activate ito, kaya nitong magpasabog ng tatlo hanggang limang gusali sa isang iglap lang."
"Po?!" Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa gulat, "Kung ganoon, bomba po pala itong nasa daliri ko?"
"Sa ngayon, orginaryong bato lang yan! Pero sa oras mapasakamay iyan ng mga masasamang taong posibleng mapahamak ang Pilipinas," paliwanag ni Lady Lyra, "Pinag-aaralan pa iyan nila Arjhay at Cobi kung papaano iyan sisirain. Walang nakakaalam kung nasaan ang batong iyan kungdi tayu-tayo lang. Maski si Ella at Mayo, walang alam dyan. Sa ngayon, gusto kong ikaw muna ang magtago niyan. Wala kasing manghihinala na nasa'yo iyan."
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...