Chapter 21

28 4 2
                                    

💍 Chapter Twenty-One 💍

DUMATING NA ANG ARAW NG KASAL. Aaminin ni Sydney na kinakabahan siya. Noong nakaraang buwan lang, tinanong pa niya ang kanyang sarili kung ano ang pakiramdam na ikinasal. Ganito pala, kabado siya dahil ilang oras na lang ay official na siyang misis ni Cobi. Karugtong na ng kanyang pangalan ang apilyedong Infantes.

Hindi man ganoon kasikat sa publiko ang mga Infantes pero nabibilang naman ito sa pinakamamataas na tao sa kanilang secret organization. Ang isa sa mga kinakaba niya, alam niyang may ilang mga nasa high rank ang dadalo sa kasal nila.

Kahit naman biglaan ang pagpapakasal nila ay nagawa pa ring sundin ni Cobi ang kahilingan ang mga magulang ni Sydney. Ikakasal sila ni Cobi sa simbahan kung saan ikinasal ang Ate Leigh at Kuya Andrew niya.

Pakiramdam ni Sydney ay matagal na ring pinaghandaan ni Cobi ang selebrasyong ito dahil plansyadong-plansyado na ang lahat pati ang wedding gown na suot niya. Sukat na sukat sa kanya.

Hindi maiwasan ni Sydney ang mamangha nang makita niya ang sariling repleksyon sa salamin. Halos hindi niya nakilala ang kanyang sarili dahil si Gina ang naging make-up artist niya.

"Ang ganda po ninyo, Miss Sydney-- Ay, Lady Syndey na pala!" Kinikilig na sabi ni  Melody.

Si Gina at Melody ang inatasan ni Cobi na pansamantalang maging assistant niya dahil may ibang misyong na gagawin si Camile.

Kasalukuyan silang nasa hotel malapit sa simbahan. Simula pa kahapon ay hindi pa niya nakikita si Cobi, pero napakaraming bagay ang binilin nito sa kanya. At mga planong gagawin ngayong araw.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating naman si Harley kasama si Camille. At halos nanlaki ang mga mata nila Gina at Melody nang makitang nakasuot ding wedding gown si Camille. Halos magkatulad ang desensyo ng wedding gown na suot nila. Pati ang ayos ng buhok nila. Kung titignan para na silang magkakambal, iyon nga lang mas matangkad si Camille sa kanya.

"Oras na po, Lady Sydney!" Sabi ni Harley.

"Alam ko na ang gagawin," tumango siya saka siya tumingin kay Camille. Siya na rin mismo ang nagtaklob ng belo sa mukha nito, "Mag-iingat ka, Violeta! Pangako mong maglalaban pa tayo ulit, ah!" Bilin nito.

"Opo, Lady Sydney! Promise!" Ngumiti ito sa kanya.

Gumanti na rin siya ng ngiti ito. Sa ilang araw nilang magkasama sa bahay, tanging si Camille lang ang katu-katulong niya sa pag-iimbestiga sa kanyang Bayaw kaya naman kahit papaano ay nagkakasundo na rin sila. Iyon nga lang, paminsan-minsan ay umiiral pa rin ang kasungitan nito sa kanya. Pero kahit ganoon, nakakabisado na rin niya ang ugali nito.

Pinihit na ni Sydney ang doorknob ng isang pintuan kung saan nakakonekta ang isang kuwartong inupahan ni Cobi para sa kanya. Dito muna sila pansamantala nila Gina at Melody hanggang hindi sila pinupuntahan ni Sir Lando, ang kanang kamay ni Lady Lyra.

Plano nilang lansihin ang mga secret agent ni Andrew. At si Camille ang magpapanggap na siya. Ito ang sasakay sa mismong bridal car niya. Kasama sila Agent Harley, Agent Ian at Agent Peter.

Si Sir Lando ang maghahatid sa kanya, kasama ang dalawa pang agent ni Cobi. Pati na rin sila Gina at Melody na magpapanggap na mga kaibigan niyang kinuha niya bilang mga abay niya. May mga agent na rin silang lihim na namamatayag sa mga rota na dadaanan ng sasakyan nila.

Alam kasi nilang gagawa ng paraan ang kampo ni Andrew para hindi matuloy ang kasal nila ni Cobi. Dahil para rito, malaking banta ang kasal nila ni Cobi para sa illegal na plano nito.

Halos kalahating oras din ang hinintay nila sa silid na iyon nang dumating naman si Sir Lando kasama ang dalawang agent ni Cobi. Ilalayan siya ng mga itong makalabas ng kuwarto dahil hindi basta-basta ang suot niyang gown. Ewan nga ba niya kay Cobi, bakit masyadong nitong pinabongga ang Wedding Gown niya kung may ganitong plano palang magaganap.

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon