💍 Chapter Two 💍
"YAHHHHH!!!" Malakas na sigaw ni Syney nang masilayan niya sa hindi kalayuan si Yaya Mila. Kahit malaki ang pinagbago ng itsura nito sa paglipas ng ilang taon ay kilalang-kilala pa rin niya ito. Papaano kasi, ito na ang halos nagpalaki sa kanya simula pa pagbata niya. At parang tunay na ina na rin ang turing niya rito.
"Ija!" Sigaw rin nito at masigla siyang nilapitan. Nakuha pa nga nitong hawakan ang dalawang kamay niya. At bakas na bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan na makita siya.
Umuwi si Sydney ngayon sa Nueva Ecija para dumalo sa kasal ng kanyang Ate Leigh at ng fiance nitong si Andrew. Halos isang taon rin ang naging relasyon ng dalawa bago nagpasya ang mga itong magpakasal. Isang negosyante ang angkan na pinanggalingan ng magulang ni Andrew kaya naman kaagad itong nagustuhan ng kanilang magulang, at hindi na tumutol sa pagpapakasal ni Ate Leigh.
"Ang ganda-ganda mo ngayon, Ija!" Puri ni Yaya Mila sa kanya habang hinahaplos-haplos pa nito ang kanyang mukha.
"Yaya naman, hanggang ngayon ba binobola mo pa rin ako?" Nakangiting saway niya rito.
"At kaylan naman kita binola, aber?" Napamewang si Yaya Mila, "Ikaw talaga! Maganda ka naman talaga, ayaw mo lang maniwala sa akin!"
"Madami akong pasalubong sa'yo, Yah!" Sabi na lang ni Sydney.
"Aixxxt! Kahit walang pasalubong, okay lang? Basta masaya akong ligtas kang nakauwi rito!" Nakangiting lambing nito sa kanya.
"Ahhh....Natouch naman ako, Yah!" Sabi na lang niya.
"Halika na, pumasok ka na sa loob! At hinihintay ka na nila!" Aya na ni Yaya Mila sa kanya.
Sumunod naman si Sydney sa matanda.
Halos limang taon na rin siyang lihim na nanirahan sa main camp. Wala pa ring pinagbago ang bahay nila. Ganoon pa rin ang itsura nito kahit matagal siyang nawala.
"Mabuti naman dumating na ang pulis kong anak!" Salubong sa kanya ng Mama niya at dali-dali rin siya nitong niyakap, "Naku, ah! Kung hindi pa pala ikakasal ang Ate Leigh mo, hindi mo maiisipang umuwi rito!"
"Sorry, Ma! Alam mo naman ang naging sitwasyon diba?" Tugon niya sabay ang paglinga-linga niya sa kanyang paligid, "Where's Papa? Galit pa rin ba siya sa akin?"
Nagpakawala ng marahas ng hininga ang kanyang Mama, "Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa mo? Bakit ba kasi umalis ka ng hindi mo sa amin sinasabi ang plano mong pagluwas ng Manila? Sobra siyang nag-alala!"
"Alam ko naman po kasi na hindi siya papayag sa gusto ko," malungkot niyang katwiran, "Umuwi na rin ako para makausap siya about sa consequences na sinabi niya last two years."
"Papayag ka na sa kagustuhan ng Papa mong magtrabaho ka sa kompanya natin?" Bumakas ang excitement sa mukha ng kanyang Mama.
"No, Ma. Kakausapin ko siya, at kukumbinsihin. I don't care kung sinasabi ni Papa na mapanganib ang trabaho ko. Dito kasi ako masaya," turan niya sabay ang iwas ng tingin sa ina. Ayaw sana niyang magsinungaling sa kanyang magulang tungkol sa tunay niyang trabaho, pero kailangan. Alam niyang magiging mapanganib sa kanilang lahat kung malalaman ng mga ito ang tungkol sa pagiging secret agent niya.
At isa pa, ang Papa kasi niya...
Muling nagpakawala ng marahas na hininga ang kanyang Mama, "Okay, sige..." Pagsuko nito, "...Ramdam ko naman ang kagustuhan mo talagang maglingkod sa bayan. I hope, maintindahan ng Papa mo ang side mo."
Hindi na kumibo si Sydney, at sumunod na lang siya sa kanyang Mama sa silid kung saan naroroon ang kanyang Papa.
"Come in."
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
AcciónSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...