Chapter 5

35 4 2
                                    

💍 Chapter Five 💍

"ANO ANG IBIG SABIHIN NITO, PA?" naguguluhang tanong ni Sydney sa kanyang Papa nang magkaroon siya ng pagkakataon na nakausap ito sa isang kuwarto.

"Sinabi sa akin ng Ate Leigh mo na gusto mo si Cobi kaya tinupad ko lang naman ang kagustuhan mo!" Tugon ng kanyang Papa.

"What?!" Gulat niya dahil wala siyang naalala na sinabi niya sa kanyang Ate Leigh na may gusto siya kay Cobi. Nagka-anmesia ba ang kapatid niya, at nakalimutan nito na si Yuki naman talaga ang gusto niya hindi si Cobi?

Nakarinig siya ng pagtikhim kaya naman napatingin siya kay Cobi na tahimik lang na nakatayo sa sulok. Ewan niya pero bigla niyang naramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.

"Iyon ang kondisyon na sinasabi ko sa'yo," turan ng kanyang Papa, "Kung gusto mong tanggapin ko ang pagiging pulis mo, kailangan mong pakasalan si Cobi."

Napakuyom ang kamao niya. Hanggang kailangan pahihimasukan ng kanyang Papa ang buhay niya? Pati pa naman ba ang lovelife niya, papakealamanan nito?

"I have to go," inis niyang tinalikuran ito.

"Sydney, Ija..." Nag-aalalang tawag sa kanya ng Mama niya.

"Alam kong nabigla ka sa nangyari kaya bibigyan kita ng time para mag-isip!" Pagpapatuloy ng kanyang Papa, "Pero sa ayaw mo o sa gusto, next year sa September 19 na mismo ang araw ng kasal ninyong dalawa!"

"May date na rin?!" Gulat niya sabay sulyap kay Cobi, "At alam mo ang tungkol sa kalokohang ito?"

"Kalokahan?" Napakunot ang noong tanong ng binata.

"Yah! Kalokahan!" Diin niya saka na siya tuluyang tinalikuran ang mga ito. Minsan pa niyang narinig na tinawag siya ng kanyang Mama pero hindi na niya ito pinansin pa. Masamang-masama ang loob niya sa mga ito. Pakiramdam niya ay napagkaisihan siya ng mga taong nasa paligid niya.

Lumabas siya ng resort kahit madilim na ang buong paligid. Sinubukan niyang magbook ng taxi pero may kahinaan ang internet sa lugar na iyon. Gusto na niyang ihagis ang kanyang cellphone sa inis niya, nakisabay pa kasi ito.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may pamilyar na itim na sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. Bumukas ang pintuan nito, at bumababa mula roon si Cobi.

"Mahirap nang makapagbook ng masasakyan sa ganitong lugar!" Anito, "Saka delikado sa babaeng katulad mo ang bumiyahe ng ganitong oras. Sumakay ka na, ihahatid na kita mismong camp ni Yuki."

"Delikado?" Bahagya siyang natawa sa tinuran nito, "Baka nakakalimutan mo kung ano ang trabaho ko, Mr. Happy!"

"Baka nakakalimutan mo rin kung sino ako?" Mapanghamon ding tanong nito sa kanya, "At alam kong alam mo rin na kayang-kaya kitang patayin ngayon sa kinatatayuan mo."

"Pinagbabantaan mo ba ako?" Matapang rin niyang tanong rito.

"Oo," diretsong tugon nito.

Mariin niyang tinitigan ang binata. Nakipaglabanan siya ng titigan rito pero sa huli ay siya naman ang unang umiwas ng tingin rito.

"Okay fine!" Pagsuko na niya.

"Good!" Ngumiti ito saka malapad na binuksan nito ang pintuan ng sasakyan.

Wala nang nagawa pa si Sydney kungdi ang sumakay sa backseat ng sasakyan nito kung saan naroroon na sa unahan ang dalawang agent nitong si Harley at Ian.

Sumakay na rin si Cobi ng sasakyan, na katabi niya sa upuan.

"Let's go!" Utos nito sa agent nito.

Tumalima naman si Harley. Pinausad na nito ang sasakyan.

"Magseat belt ka," biglang utos sa kanya ni Cobi at ito na rin mismo ang nag-abot ng seatbelt.

At dahil sa ginawa nito, hindi na naiwasan ni Sydney ang matigilan dahil halos ilang dipa lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Kung hindi siya nagkakamali, madalas niyang nakikita ang eksenang ito sa mga movie o teleserye. At hindi niya akalain na may epekto sa kanya ang ginawa nito. May kakaiba siyang naramdamang kaba na hindi niya mawari kung ano.

"Do you like it?" Nakangising tanong ni Cobi sa kanya.

Mabilis niyang tinulak palayo ang binata sa kanya. "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan ka-sweet sa akin dati, ah!" Sita niya rito at pilit niyang winawaksi ang init na biglang umusbong sa kalooban niya dahil sa pagkakalapit ng mukha nila.

"You are my fiancee, remember?" Mapang-asar nitong tinuro ang ring finger niya kung saan naroroon ang singsing na binigay nito kanina sa kanya.

Aktong tatanggalin na sana niya iyon sa kanyang daliri nang pigilan siya nito.

"Ah! Ah!" Umiling ito, "Sa tuwing makikita kong hindi mo suot ang engagement ring natin, papalitan ko petsa ng kasal natin. Kaya kung ayaw mong ikasal bukas, huwag mong subukang hubarin iyan!"

"Huh! Grabe ka!" React niya saka niya inis na inalis ang kamay nito sa kamay niya, "Narinig mo naman ang sinabi ni Papa kanina diba? Binigyan niya ako ng time para mag-isip! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi na ako umuwi! Never naman pumasok sa isip ko na magpakasal sa'yo, eh!"

"Then, bakit nag-yes ka kanina?" Tanong nito.

"I have no choice! Ayaw rin kita ipahiya sa harap ng maraming tao! At isa pa nabasa ko sa mga mata mo na parang inuutusan mo ako!" Pag-amin niya.

"Ganoon naman pala eh!" Nakangiting sabi nito.

"Under ako sa department ni Sir Yuki! Kung tutuusin, siya lang naman ay may karapatan na utusan ako!" Matapang niyang sabi rito. Pero dahil sa sinabi niyang iyon ay biglang lumapit muli ang mukha ni Cobi sa kanyang mukha. Nagawa pa nitong inangat ang isang kamay nito. Napapikit siya dahil ang buong akala niya ay sa mukha niya dadapo ang palad nito pero sa sandalan lang pala.

"Wala akong pakealam kung saang department ka man nabibilang! Kung tutuusin may karapatan akong parusahan ka kahit walang pahintulot ng kapatid ko! Nabibilang ako sa mga high rank! Samantalang ikaw, isa lang pipitsuging agent ni Yuki! 'Ni wala ka pa ngang ranggo!" Seryosong turan nito.

Hindi nakakibo si Sydney. Ewan niya pero nasaktan siya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay bigla siya nitong minaliit bilang isang agent. Gusto niya itong sampalin ngayon pero mas pinili na lang niyang ibaling ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan. At dahil sa kanyang ginawa, lumayo na sa kanya si Cobi.

Hindi na siya kumibo pa. Sa totoo lang nakaramdam siya ng takot sa binata. Taliwas ang codename nito sa tunay na kulay na pagkatao nito. Oo, masayahin ito. Sa Seven Dwarfs, ito ang madalas niyang naririnig na tumatawa. Pero maraming agent ang takot rito.

Seryoso si Cobi pagdating sa pagti-train ng mga agent nito. May pagka-perfectionist ito sa lahat ng bagay. Kaya sa lahat ng department ang department ni Cobi ang organisadong-organisado. Mabait at masayahin ito sa harap ng ibang tao, pero napakahalimaw naman ng ugali nito.

💍💍💍💍💍💍💍

💍💍💍💍💍💍💍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon