Chapter 20

21 4 2
                                    

💍 Chapter Twenty 💍

UNTI-UNTI NANG IDINILAT ni Sydney ang kanyang mata. At hindi niya maiwasan ang magulat nang bumungad sa kanyang paningin ang mukha ni Cobi. Kasalukuyan na itong nakatitig sa kanyang mukha. Wala siyang alam kung gaano na siya katagal na tinitigan nito pero hindi maitatanggi na may kakaibang kasiyahan ang nararamdaman niya ngayon.

"Good Morning, My Cinderella!" Nakangiting bati ni Cobi sa kanya, at nagawa siya nitong yakapin.

Doon na lang ding napagtanto ni Sydney na kapwa wala rin silang suot na damit kaya ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Pati ang init na nagmumula sa pagkakayakap ni Cobi sa kanya. Nagawa pa nga nitong halikan ang noo niya. Pagkaraan ay sa kanyang mga labi.

Pakiramdam ni Sydney ay muling nagising ang mga paru-paro sa kalooban niya na nagbibigay sa kanyang ng kakaibang init. Nagawa niyang tumugon sa mga halik sa kanya ni Cobi.

Napahinto si Cobi sa ginagawa nito, at tumingin ito sa kanya, "Alam mo bang eight years ago, accidentally may nahalikan ako sa library ninyo," biglang sabi nito.

"B-Bakit mo sinasabi ang tungkol doon?" Nagtatakang tanong niya rito.

"Noong una kasi, akala ko si Leigh iyon pero maalala kong hindi naman pala ganoon kahaba ang buhok ni Leigh noong mga panahon iyon. Kahit may kutob na ako noon kung sino iyon, nagawa ko pa rin tanungin si Leigh para makasiguro," kwento nito, "Noong nagdesisyon naman akong tulungan ka para makapasok sa secret organization, pumayag ako hindi dahil natakot akong ipagkalat mo ang tungkol sa amin. Kungdi dahil gusto kong makita mo ang mundong ginagalawan ko. Pero nasaktan ako dahil si Yuki ang naging dahilan mo kaya ka sumali sa organization namin. Nasaktan ako ng piliin mo ang department ng kapa--"

Hindi na hinayaan ni Sydney na magsalita pa si Cobi. Siya na rin mismo ang sumiil ng halik ito para mahinto na rin ito sa pagsasalita.

"Kalimutan mo na ang nakaraan," bulong niya rito, "Mahalaga ikaw na ang kasama ko ngayon!"

Napangiti na si Cobi, at muli siya nitong siniil ng halik.

Sa muling pagkakataon ay pinagkaloob ni Sydney ang kanyang sarili sa binata nang umagang iyon.

Buo na ang pasya ni Sydney. Magpapakasal siya kay Cobi hindi dahil sa mission lang, kungdi dahil may mararamdaman siya rito. Maski siya ay hindi niya alam kung saan nagsimula dahil sa isang iglap lang ay parang biglang nagbago ang tingin niya rito. Masyado lang ba siya noon nabubulag sa labis niyang pagkahanga kay Yuki kaya hindi niya pinapansin si Cobi noon pa?

Halos sabay na rin sila ni Cobi na lumabas ng guest room nang umaga iyon para mag-almusal. Nagulat pa nga ang Ate Leigh niya nang makita sila.

"Don't tell me, d'yan ka natulog?" Tanong nito. At pinasalin-salin ang tingin nito kay Sydney at kay Cobi.

"Yes!" Si Cobi ang sumagot.

Napansin pa ni Sydney ang pagkakakunot ng noo ng kanyang Ate Leigh nang mapansin nitong hinawakan ni Cobi ang kamay niya. Magkahawak-kamay na rin sila nang magtungo sa hapagkainan para kumain.

Habang kumakain ay palihim na pinakikiramdaman ni Sydney ang kanyang pamilya. Doon na rin niya napansin na wala pala si Kuya Andrew.

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon