💍 Chapter Twenty-three 💍
SAMANTALA, DAHIL SA NANGYARI naging laman ng social media ang tungkol sa pamamaril sa sikat na modelo na si Camille. Ayon sa kumakalat na balita, isang hindi kilalang lalaki umano ang namaril sa dalaga dahilan para itakbo ito sa hospital, isang stalker ang may sala. Iyon na rin ang pinalabas ng kampo ni Cobi para takpan ang katotoohanan.
Sa gitna ng labanan, natamaan ng bala si Camile malapit sa dibdib nito. Ang buong akala ng mga agent na kasama nito ay hindi na ito aabot sa hospital. Pero mapalad itong nakaligtas.
Ulila na si Camile. Isa siya noon sa mga talent na naligtas ni Lady Ella noong misyon sa isang Talent Agency. Kilala na niya ang Infantes Brothers bilang mga batang negosyante. At pinilit talaga niyang makapasok sa Talent Agency ng mga Infantes na sila Cobi at Yuki ang humahawak.
Nahirapan siyang makapasok sa naturang talent agency ng nga ito. At doon niya natuklasan na hindi pala ito ordinaryong agency lang na inaakala niya. Dahil ang lahat ng empleyado roon ay mga secret agent.
Hindi siya pinilit ng magkakapatid na pumasok sa secret organization. Kusa siya sumali dahil wala na rin naman siyang mapupuntahan.
Aaminin niyang nalove-at-first-sight siya kay Cobi. Nahumaling siya sa magandang ngiti nito.
At dahil sa kagustuhan niyang maging isang modelo, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya sa kanyang training. Mag-isang taon palang siya sa department ni Cobi pero siya na kaagad ang naging top one sa mga female agent nito.
Minsan na rin niyang akitin si Cobi pero nabigo siya.
Hindi na lingid sa kaalaman ni Cobi ang pagtingin niya rito. Kaya labis siyang nasaktan nang i-aanounce sa kanila ni Cobi na ikakasal na ito sa Assistant Agent ni Miss Mayo. Wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon, pero laking-gulat niya nang siya pa pala ang napiling maging Assistant Agent ng babaeng iyon.
Pakiramdam niya pinarusahan siya ni Cobi sa ginawa nito. Kaya ang sama ng loob na nararamdaman niya ay binato niya kay Sydney. Lalo na nang matuklasan kung anong klaseng babae ito.
Napaka-isip bata.
Pero aaminin niyang namangha siya kung anong kakayahang mayroon ito. Marahil dahil mas matagal na itong agent kaysa sa kanya. Nang matalo siya nito, ipinangako niya sa kanyang sarili na hihigitan niya husay nito sa pakikipaglaban.
Nang matapos ang laban nila ni Sydney, pinatawag siya noon ni Cobi sa opisina nito. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan kung saan pagbukas niya ng pintuan ay bigla siya nitong binato ng katana. Mabuti na lang ay mabilis siyang hinila ni Sir Arjhay.
Pero laking-gulat niya nang mabilis siyang sinakal ni Cobi, at malakas na sinandal sa dingding ng opisina nito. Dumaloy ang takot sa buo niyang pagkatao nang makita niya ang nanlilisik na mga mata nito. Malayung-malayo ang itsura nito. Parang hindi ito ang Cobi na nakilala niya. Parang may sampung masasamang espiritu ang sumanib rito.
"Kaya kitang pasikat at pataasin lagpas pa sa langit! Pero kayang-kaya rin kitang ibagsak at ilibing ng buhay sa lupa!" Nanggagalaiting turan ni Cobi sa kanya.
"S-Sir..." Daing niya dahil nararamdaman na niya ang paninikip ng kanyang lalamunan dahil sa pagkakasakal nito.
"Tama na 'yan," awat ni Arjhay at nagawa pa nitong hawakan ang braso ng kapatid.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...