💍 Chapter Twenty-Seven 💍
MATINDING LIWANAG ANG SIYANG naging dahilan para magising si Sydney sa malalim na pagkakatulog. Doon na lang niya napagtanto sa kanyang sarili na kasalukuyan siyang nakaupo sa pasenger's seat ng sasakyan ni Cobi. Patungo sila ngayon sa Nueva Ecija . At dahil sa haba ng biyahe kaya hindi niya naiwasan ang makatulog."Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Cobi.
"Oo," tumango naman siya, "Medyo napagod lang ako sa byahe."
"Malapit na tayo," anito saka hinakan nito ang kamay niya kung saan suot pa rin ang engagement ring at wedding ring nila.
Saka na rin siya napatingin sa salamin ng sasakyan kung saan nakita niya ang repleksyon ni Gina sa likod.
Matapos kasi nilang magtungo sa Switzerland ay dumiretso sila camp para italaga si Gina bilang pansamantalang Assistant Agent niya habang hindi pa nila nahahanap si Camille.
Sa pagkakataong ito, hinayaan siya ni Cobi na siya mismo ang mamili ng kanyang Assistant Agent. At dahil sa pinakitang galing at pakikisama ni Gina sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na piliin ito.
"Bakit ga'nun?" Napakunot ang noo ni Sydney nang makita niyang isang armadong lalaki ang nagbukas ng kanilang gate. Pagkaraan ay nagpalinga-linga ang paningin niya sa labas ng bintana habang papasok ang kanilang sasakyan sa bakuran nila.
Naroroon pa rin ang mga ilang tauhan ni Andrew.
Ang inaasahan nila ay mawawala na ang mga ito after ng kasal nila ni Cobi. Pero sadyang matibay ang pagmumukha ng kanyang bayaw, talagang hindi pa rin nito inaalis ang mga dumi nito sa kanilang bahay. Maski ang kanyang asawa ay nagulat dahil parang wala namang nagbago. Para pa ngang lalong dumami ang bantay keysa noon.
"Grabe, talagang ang tibay ng mukha ng bayaw ko," may pagkainis na turan ni Sydney, "Akala ko after ng kasal natin aalis na sila ni Ate Leigh?"
"Iyon din ang inaasahan ko. Pero nagkamali tayo!" Seryosong turan ni Cobi saka na ito bumababa ng sasakyan.
Sumunod na siya. Ganoon rin si Gina na kasama nila na naka-uniform na parang caregiver. Pinagmukha talaga nila itong probinsyana. Tapos nasa labas lang ang ibang agent nila, at lihim nagmamatyag
Pagbaba nila ng sasakyan ay masayang sinalubong na sila ni Yaya Mila.
"Yah!" Niyakap naman niya ito ng mahigpit na animo'y kay tagal nilang hindi nagkita.
"Kamusta ang honeymoon?" May halong kilig na tanong nito.
"Okay lang naman, Yah! May pasalubong ako sa inyo!" Aniya saka siya napatingin kay Gina, "Yah, siya pala si Gina. Kinuhang kasambahay ni Cobi sa amin."
"Ayyy, bakit kumuha pa kayo ng isang kasambahay! Kaya ko naman kayong pagsilbihang lahat!" Anito.
"Talaga ba, Yah? Eh sa daming tauhan ni Kuya Andrew na nandito kulang na lang, magpacater tayo araw-araw eh!" Saway niya rito, "Makakatulong mo si Gina lalo na sa pagluluto."
"May magagawa pa nga ba ako?" Pagpayag na nito sa kanya, "Hala, pumasok na kayo sa loob. At hinihintay na nila kayo sa living area. Ihahanda ko na rin ang pananghalian."
"Sumunod ka sa kanya, Gina," utos ni Cobi sa agent nito.
"Opo," tugon nito saka sumunod sa matandang babae.
Pumasok na sila Sydney at Cobi sa loob ng bahay. Dumiretso sila sa living area kung saan naghihintay ang kanilang magulang. Naroroon rin si Ate Leigh at ang asawa nitong si Kuya Andrew. Pero hindi pa sila nakakapasok sa loob ng living area nang mapansin na nila ang Wedding Picture nilang nakasabit sa dingding katabi ang wedding picture ng kanilang magulang, at wedding picture nila Ate Leigh at ng asawa nito.
"Surprise!" Tuwang salubong sa kanila ng Mama niya.
"Ma?!" Gulat niya habang nakatingala siya sa naturang wedding picture nila ni Cobi. Napatingin siya sa kanyang larawan kung saan kitang-kita roon ang tunay na kulay ng kanyang engagement ring.
"Iyan ang wedding gift namin ni Andrew sa inyong dalawa ni Cobi!" Ani Ate Leigh.
Nag-alalang napatingin si Sydney sa nananahimik niyang asawa. Kita-kita rin ang gulat sa mukha nito dahil sa nakita.
"Ma, wala ba kaming ibang wedding picture? Bakit iyan ang napili ninyo?" May pagkareklamong tanong ni Sydney sa kanyang Mama.
"B-Bakit? Maganda naman ah!" Gulat na reaksyon ng Mama nila.
"Oo nga, sis!" Segunda ni Leigh, "Saka si Andrew mismo ang namili nyan!"
Napatingin si Sydney sa kanyang bayaw habang katabi nito ang Papa nila. At hindi niya maiwasang makita ang pag-arko ng isang sulok ng labi ni Andrew. Na siya namang kinakunot ng noo niya.
"Maganda! Thank you, Ate Leigh!" Tanging komento ni Cobi na parang may konting diin sa pagbigkas nitong Ate.
Mukhang napansin iyon ng babae dahil napairap ito. Pagkaraan ay nakangiti itong lumapit kay Sydney, at hinawakan nito ang kaliwang kamay ng kapatid.
Bahagyang nagulat si Sydney sa ginawang iyon ng kanyang kapatid.
"Sa totoo lang ngayon ko lang nakita ng malapitan ang engagement ring ninyo! Kung hindi ko pa nakita ang wedding picture ninyo hindi ko mapapansin na kulay purple pala ito. Ano'ng bato 'to? Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong kulay ng diamond!" May pagkamanghang turan ni Leigh habang pinagmamasdan nito ang naturang singsing.
Nagawa naman iyong bawiin ni Sydney. Saka siya napatingin kay Cobi.
"Limited Edition iyan ng isang jewelry shop sa Los Angeles City. Iilan lang ang mayroon ng ganyang diamond," turan ni Cobi saka hinawakan nito ang kamay ni Sydney.
"Well," napakibit-balikat si Ate Leigh.
"Okay tama na ang usapin sa singsing na iyan!" Awat na ng kanilang Papa, "Kompleto na tayong lahat kaya kumain na tayo!"
"Opo," sabay na tugon na magkapatid.
Sumunod na sila sa kanilang magulang patungo sa dining area. Kung saan naabutan nila roon si Yaya Mila at Gina na naghahain na sa hapagkainan.
💍💍💍💍💍💍💍
AUTHOR'S NOTE:
Thank you Jklover2004 sa pag-add ng CODENAME: Snow White (Book 1) sa reading list mo. Sana magustuhan po ninyo 💜
Happy Reading!
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...