Chapter 22

23 4 1
                                    

💍 Chapter Twenty-Two 💍

NAKITA NI SYDNEY ANG GULAT sa mukha ng kanyang magulang nang makita ng mga ito na hindi ang bridal car ang gamit niya. Bago ang kanilang kasal ay nagawa pa siyang kausaping muna ng mga ito sa loob ng van.

"Ano'ng nangyari? Bakit hindi iyong bridal car ang gamit mo?" Nagtatakang tanong ng kanyang Papa.

"Nasiraan po kasi," pagsisinungaling niya sa mga ito.

"Salbahe kang bata ka!" Anang kanyang Mama, at nagawa pa siya nitong hampasin sa kanyang braso, "Bakit hindi mo sinabi sa amin na may mga government official at celebrity pala kayong bisita?"

"Bakit sa akin kayo nagagalit? Eh, mga bisita iyon ni Cobi!" Reklamo niya at bahagya niyang hinimas ang kanyang braso na pinalo nito.

"H-Hindi ko kasi akalain na malalaking tao pala ang mga principal sponsors ninyo!" Katwiran ng kanyang Mama, "Hindi ako nakapaghanda! Alam mo bang halos hindi ako makapagsalita nang isa-isa silang dumating!"

"Bakit may mga Government Official din namang bisita noon sila Ate Leigh noong kasal nila ah? Dapat nasanay na kayo!" Biro naman niya rito.

"Oo nga. Pero hindi naman ganitong kabigat ang mga bisita! Buong Senado ba ang ginawa ninyong ninong at ninang?" Nanlalaki ang mga mata ng Mama niya, "Palibasa kasi biglaan ang naging kasal ninyo ni Cobi kaya 'ni invitation card, wala!"

"Tama na iyan!" Sa wakas nagsalita na rin ang Papa ni Sydney, "Mag-uumpisa na ceremony! Mamaya mo na kausapin iyang anak mo."

Nagpakawala ng marahas na hininga ang Mama ni Sydney. Pagkaraan ay bumababa na rin ito ng van.

Ilang saglit pa ay binigyan na siya ng hudyat ng Wedding Coordinator na bumaba ng sasakyan. Tumayo siya sa tapat ng pintuang nakasara. Naririnig na rin niya ang magandang musikang umaalingawngaw sa loob ng simbahan. Pagkaraan ay ang unti-unti nang bumukas ang pintuan.

Nakatalukbong siya ng belong may maliliit na burda ng bulaklak. Pero nakita pa rin ni Sydney ang nakangiting mukha ni Cobi na naghihintay na malapit sa altar. Alam niyang maraming tao sa paligid pero wala siyang ibang nakikita sa mga sandaling iyon kungdi ang guwapong Groom niya.

Binigyan na siya ng hudyat ng Wedding Coordinator na pumasok sa loob kaya naman dahan-dahan na niyang inihakbang ang kanyang paa.

Nasa gitna pa ng aisle ang kanyang mga magulang na siyang maghahatid sa kanya patungong altar.

"You are so beautiful, Sweetie!" Nakangiting puri sa kanya ng Mama niya.

"Mga magagandang babae sa buhay ko!" Sabi naman ng kanyang Papa.

Hinawakan na ng kanyang mga magulang ang magkabilang braso niya. At magkasabay silang nagtungo sa altar kung saan naghihintay si Cobi sa kanya.

Sa bawat hakbang ni Sydney ay nakakaramdam rin siya ng kaba. Halos hindi rin maalis ang paningin niya kay Cobi hanggang sa tuluyan na silang nagkalapit sa isa't isa.

Sa pagkakataong iyon ay para namang tumigil ang oras para kay Sydney nang akayin na siya ni Cobi patungo sa pinakagitna ng altar. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdb. Kahit kaylan kasi never pumasok sa kanyang isipan na hahantong silang dalawa ni Cobi sa ganitong sitwasyon. Iba talaga kapag tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para kanilang dalawa.

Nagsimula na ang seremonya. Halos hindi na nga namalayan ni Sydney ang paglipas ng oras. Nagulat na lang siya nang sabihin ng pare ang mga katagang....

"You may now kiss your Bride Mr. Infantes!!"

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon