Chapter 25

24 4 1
                                    

💍 Chapter Twenty-Five 💍


NAKITA NI SYDNEY na susugurin siya ni Andrew kaya naman mabilis niyang pindutin ang kanyang belt kung saan naglabas ito ng isang matalim na balisong. Ang gadget na iyon ang wedding gift sa kanya ni Mayo. Matagal na niyang ni-request ito bago pa siya lumipat ng department ni Cobi.

Kaagad naman niyang tinapat ang talim ng kanyang balisong sa leeg ng bayaw niya na siyang dahilan para mapahinto ito.

"Sige, alam mo naman siguro na kabilang ako sa grupo ni Snow White. At alam mong may lason ang talim ng balisong na hawak ko?" Pagbabanta niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Mag-iingat ka, bayaw!" Nakangising banta niya rito, "Kumpara sa ating dalawa, ako ang mas may pakinabang sa'yo! Dahil sa oras na patayin kita, mapapasa akin ang ranggo mo!"

"Bago mangyari iyon, ako muna ang papatay sa asawa mo!" Banta pa nito pero nakuha na nitong talikuran niya.

"Hindi mangyayari iyon!" Aniya at aktong magsasalita pa sana siya nang dumating ang Ate Leigh niya. Kaya mabilis rin niyang tinago ang kanyang sandata sa likuran niya.

"What happened?" Pinasalin-salin ang tingin nito sa kanilang dalawa.

"Nothing!" Inis na tugon ni Andrew sabay ang talikod sa kanila.

Napakunot naman ang noo ni Ate Leigh niya, at inis na rin siyang tinalikuran.

"Ate, pwede ba tayong mag-usap?" Habol niya dahil matagal na niyang gustong makausap ito.

"For what? Sydney?" Inis rin nitong tanong sa kanya.

"Ano kasi..." Siya naman ang natigilan dahil dumating si Cobi. Humahangos itong nilapitan siya, "...Ano'ng nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya sa asawa.

"Ikaw ano'ng nangyari sa'yo?" Balik na tanong ni Cobi sa kanya saka siya nito tinignan mula ulo hanggang paa.

Hindi alam ni Sydney kung paano nalaman ni Cobi na may nangyari sa kanya? Nakita ba nito sa CCTV ng hotel?

Inis na siyang hinila ng kanyang asawa pabalik sa kanilang kuwarto. Dahil sa labis na pag-aalala nito sa kanya, ni hindi na nga nito pinansin si Ate Leigh na naroroon pa. Pagpasok nila sa loob ng kuwarto ay tinignan nito ang kanyang kamay, braso, binti, likuran, pero nang mapadako ito sa kanyang leeg ay napahinto at napakunot ang noo nito.

"Ang Ate Leigh mo ba ang may gawa nito?" Nanlalaki ang mga mata ni Cobi nang hawakan nito ang namumula niyang pisngi.

"H-Hindi," umiling siya, "H-Hindi naman kami physical-lan kung mag-away ni Ate."

"Sino ang may gawa n'yan? Tumunog 'yung singsing ko kaya alam kong may nangyari sa'yo!" Tugon nito.

"Singsing?" Gulat niya saka siya napatingin sa dalawang singsing sa kanyang daliri.

"Hindi iyan basta-bastang wedding ring lang. Ganyan din ang wedding ring nila Kuya Jinuel at Ate Ella. Iyan ang regalo ni Ate Lyra sa atin. Si Arjhay ang gumawa niyan! Para alam natin kung may nangyayaring hindi maganda sa isa't isa!" Paliwanag nito.

"Wow, Hi-tech!" Manghang komento niya.

"Ano bang nangyari?" Tanong nito.

"Alam na ni Kuya Andrew kung sino ako," pag-amin niya na siyang kinagulat ni Cobi. Doon na rin niya naikwento ang totoong nangyari sa kanila ng kanyang bayaw, "Hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong dumating si Ate Leigh. Hindi ako sigurado kung narinig ba niya kami ni Kuya Andrew, kaya gusto ko siyang makausap."

"Hayaan mo na lang muna siya," payo nito saka napatingin ito sa kanyang leeg. At muli itong napakunot ang noo, "Sinakal ka ng Andrew na iyon? Bumababa ang oxygen mo kaya nagbigay ng signal ang singsing."

"Saan ka ba kasi galing?" May pagkakahalong inis na tanong niya rito.

"Urgent meeting kay Harley at Ian," tugon nito, "About kay Camile."

"May nangyari ba kay Camille? Diba sabi mo, ligtas na siya?" Umusbong ang pag-aalala niya para sa kanyang Assistant Agent.

"Nawawala siya," tugon ni Cobi.

"Nawawala? Paano'ng nawawala?" Naguguluhang tanong niya sa kanyang asawa.

"Nakita sa CCTV ng Hospital na may hindi kilalang lalaki ang dumalaw sa kanya kagabi, at inilabas siya ng hospital," tugon muli ni Cobi.

"Sino?" Napa-isip rin si Sydney kung sino ba ang lalaki ang pwedeng gumawa ng ganoon kay Camille, "Ang grupo nila Kuya Andrew. Nakilala nila si Camille dahil siya ang pinagpanggap mong ako kahapon."

"Iyon nga rin ang iniisip ko. Kaya inutos ko kina Harley at Ian na imbestigahan ang mga lupaing pagmamay-ari ni Andrew. Baka doon niya tinatago si Camille," ani Cobi, "Wala pa rin pagbabago sa unang po pinagplanuhan. Gusto ko ikaw ang tumapos sa bayaw mo para iligtas ang kapatid at pamilya mo. At para na rin sa ranggo."

Hindi na nagsalita si Sydney. Hindi kasi lubos-maisip na maghahabol siya ng ranggo. Pero ngayon asawa na siya ni Cobi, kailangan may katibayan siyang karapat-dapat siya sa posisyong binigay nito sa kanya.

"Maghanda ka," utos sa kanya ni Cobi, "Ngayon ding araw, lilipad tayo patungo sa Switzerland."

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Honeymoon natin syempre!" Natatawang sabi nito.

"Nagawa mo pang isipin niyang sa kabila ng pagkawala ng isa sa mga agent mo?" Saway niya sa asawa.

"Kilala ko si Camille! Alam kong malakas siya, at alam akong babalik siya sa atin ng ligtas!" Tugon nito Cobi.

"Sana nga..." Malungkot niyang turan.

Kahit lagi silang nag-aaway ni Camille, may pinagsamahan pa naman silang dalawa.

💍💍💍💍💍💍💍

AUTHOR'S NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AUTHOR'S NOTE:

thank you ZansheyessBarde sa pagfollow. Sana magustuhan mo ang mga story ko. 🥰

Happy Reading!

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon