💍 Chapter Twenty-Four 💍
HALOS MADALING-ARAW NA RIN natapos ang pagdiriwang. Umuwi pa rin sa kani-kanilang camp ang mga kapatid ni Cobi. Pero naiwan sa hotel ang pamilya ni Sydney dahil sa Nueva Icija pa ang uwi ng mga ito. Nagpaserve naman si Cobi ng mga kuwarto para sa mga ito.
Dinig na dinig ni Sydney ang malakas na pagkabog ng dibdib niyang nang pumasok na sila ni Cobi sa kanilang kuwarto. Lalo nang mapansin niyang may nakakalat na petal ng mga rosas sa ibabaw ng kama. At may isang bote ng wine roon at dalawang wine glass.
Ilang saglit pa ay naramdaman niyang pagpalupot ng mga bisig ni Cobi sa kanyang beywang. Pagkaraan ay naramdam niya ang pagkakayakap nito sa kanya buhat sa kanyang likuran. Nagawa rin nitong halikan ang kanang balikat niya. Para pa nga siyang nakaramdam ng konting kuryente nang dumampi ang labi nito sa balat niya na siyang dahilan ng pagtaas ng mga balahibo niya sa katawan.
"Do you like it, Mrs. Infantes?" Bulong nito sa kanya.
Napalunok muna si Sydney saka siya tumango. Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang pag-unzipped ni Cobi sa likod ng kanyang wedding gown.
Pakiramdam ni Sydney ay ito ang first time nila. Hindi naman kasi niya akalain na ganito kasweet si Cobi. Lihim siyang nagpasalamat dahil siya ang napili nitong pakasalanan hindi kung sinong babae lang.
"I love you," bulong nito sa kanya bago siya masuyong hinalikan nito.
Hindi niya magawang sumagot dahil nadala narin siya sa mga halik nito sa kanya. Hindi nga niya namalayan na unti-unti na nitong nahubad ang mga saplot nila sa katawan. At nagawa na siyang hilahin nito loob ng banyo.
Hindi maintindihan ni Sydney ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Sabay ng pagdaloy ng tubig sa shower ang init na halik na namamagitan sa kanilang dalawa.
Mahigpit napakapit si Sydney sa braso ng kanyang asawa dahil pakiramdam niya ang bibigay ang tuhod niya dahil kakaibang haplos na pinaparanas nito sa kanya.
"Cobi..." mahinang sambit niya sa pangalan nito nang maramdaman niya sa lamig ng tiles sa kanyang likod. Kasunod niyon ang pag-iisa nilang dalawa.
Masuyong hinawi ni Cobi ang basang buhok ni Sydney. Pagkaraan ay masuyo nitong hinalikan ang leeg niya.
At halos bumaon ang kuko niya sa likod ng asawa nang maging lalo pang naging mainit at mapusok ang bawat pagkilos nito.
Ang buong akala niya matatapos na ang mainit na eksena sa pagitan nilang dalawa matapos nilang sabay na mag-shower. Hanggang makabalik sila sa kama ay walang sinayang na oras si Cobi na iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito. Parang sinusulit nito ang buong gabi na magkasama silang dalawa.
Kinabukasan, kung hindi pa nakapa ni Sydney na wala si Cobi sa kanyang tabi ay hindi pa sana siya magigising. Mabigat ang katawan niyang bumangon sa kama, at tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone.
Ten 'o clock na pala ng umaga.
Mapungay-pungay ang mga mata niyang napatingin sa bintana, at nakita niya sa likod ng kurtina ang sinag ng araw. Hinamas-himas niya ang kanyang braso maski ang hita niya. Para kasing ang sakit nito. Mas masakit kesa noong unang gabing may nangyari sa kanila ni Cobi. At dahil doon ay automatiko namang nagrewind sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila.
Nagbilang siya sa kanyang darili. At halos mag-init ang magkabila niyang pisngi nang hindi na niya maalala kung ilang beses na nilang narating ang North Pole.
Tama ang North Pole! Sa North Pole kung saan may dalawang dwarfs si Santa Claus na naglalaro ng fireworks kagabi.
Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi. Ang dami-dami kasing pwedeng ipang-describe niya sa nangyari bakit North Pole pa ang naisip niya?
Napatingin siya sa sahig dahil alam niyang nakakalat roon ang mga damit nila ni Cobi pero nagulat siya nang nakaligpit na ang mga ito. Pati ang mga sapatos nilang dalawa ay naka-ayos na.
Tumayo siya at nagtungo sa closet. At halos malula siya dahil pati ang ilang damit nila roon ay naka-organize na rin. Naisip niya, dati bang staff ng department store ang asawa niya? Pang mall ang ayos eh! Para tuloy nahiya siyang kumuha ng damit.
"Sandali, ilang araw ba kami rito? Bakit andami naming damit?" Tanong niya sa kanyang sarili, pagkaraan ay kumuha na siya ng damit niya. Dahan-dahan pa siyang kumuha roon.
Naligo muna siya bago niya naisipang tawagan ang cellphone ni Cobi.
"Nagkaroon lang ako ng urgent meeting. Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka. Bumababa ka rito, may pinareserve akong breakfast natin," anito sa kabilang linya.
"Sige, ibo-blower ko lang itong buhok ko. At baba na rin ako," aniya saka na niya tinapos ang pag-uusap nila.
Nakangiting pinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa. Halos ilang minuto lang din ay natuyo na ang kanyang buhok. Nakangiti na rin siyang lumabas ng kanilang kuwarto.
Nagtungo siya sa kaliwa pasilyo kung saan naroroon ang elevator. Pero bigla siyang nagulat nang may mga bisig ang biglang kumabig sa kanya, at nagawa pa siya nitong isandal sa pader.
"K-Kuya Andrew?!" Nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ito. Pero lalo siyang nagulat nang hawakan nito ang leeg niya. At nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan siya.
"H-Hindi ko alam kung alam mo kung anong klaseng tao ang pinakasalan mo!" Anito.
"A-Ano'ng sinasabi mo?" Gulat niya.
"Nakilala ng mga agent ko ang babaeng pinagpanggap mong ikaw sa bridal car. Siya si Camille a.k.a Violeta! Natuklasan kong agent siya ni Cobi! At alam mo kung ano pa ang natuklasan ko? Iisang mundo lang pala ang kinalalagyan nating dalawa!" Nanggigigil nitong turan sa kanya.
Napangiwi si Sydney dahil naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang leeg.
"Bilib ako sa'yo! Nagawa mong itago ang totoo sa mga magulang mo! Lalo na sa Ate Leigh mo! Ano kaya ang mararamdaman nila na ang Pulis nilang anak ay isa palang mamamatay-tao?" May halong pagbabantang turan nito.
"S-Sa oras na may gawin kang hindi maganda sa pamilya ko, o sa kapatid ko, hindi ako magdadalang-isip na patayin ka!" Pagbabanta rin niya. Kahit hirap na siyang makahinga ay nagawa pa niyang magsalita.
"Sisiguraduhin ko, bago iyon mangyari! Ikaw ang unang kong papatayin! Secret Agent Cinderella! 'Ni wala ka pa ngang ranggo! Low Rank Agent!" Manunuyang turan nito.
Para namang nagpintig ang dulo ng tenga ni Sydney sa kanyang narinig kaya naman nagawa na niyang sipain ang hinaharap nito. At dahil doon, nagawa na siyang bitawan ni Andrew.
Bumagsak si Sydney sa sahig habang panay ang pag-ubo ubo. Samantalang si Andrew naman ay namalipit sa sakit.
"Walang hiya ka!"
💍💍💍💍💍💍💍
AUTHOR'S NOTE:
Thank You, Amisha_Isabelle sa pagfollow sa akin. Sana magustuhan mo ang mga story.
Available din po ang mga story ko sa NOVELAH APP, Cashon, Finovel, Story On.
Pasensya na rin po, ginagabi ako ng update dahil may work po kasi ako. Then tuwing 7pm-9pm naman ay naglalive stream ako sa Tiktok. Kaya pagpasensyahan nyo na po mabagal ang update ko.
Happy Reading!!
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...