💍 Chapter Nineteen 💍
MAHILIG SA MGA LIBRO ANG ama ni Sydney kaya nga publishing house ang kompanyang tinatag nito. Marami na ring manunulat ang napasikat ng kanilang kompanya kaya naman malaki ang panghihinayang ng kanyang Papa kung sakaling magsara ito.
Halos nakahinga na ng maluwag si Sydney nang narating na nila Cobi ang Library. Doon ay may lihim na hagdanang patungong third floor kung saan naroroon ang mga guest room.
Maski ang Kuya Andrew niya ay hindi alam sa lagusang ito dahil tanging sila lang pamilya ang nakakaalam. Maliban na lang kung sinabi na ito ng kanyang Ate Leigh sa asawa nito.
"Walang CCTV rito," aniya habang hawak niya ang kamay ni Cobi, "Pag-akyat natin, iyon na ang hallway patungong guest room."
Paglabas nila sa isang lihim na lagusan ay mabilis silang nagtago dahil alam ni Sydney na may CCTV na sa lugar na iyon.
Naisipan ni Cobi na batuhin ng balisong ang naturang CCTV na naroroon para malihis ang anggolo ng kinukunan nito. Pagkaraan ay dahan-dahan na silang dumaan sa hallway.
Halos mabunutan ng tiknik sa lalamunan si Sydney nang magawa na nilang makapasok ulit sa loob ng Guest Room. Kapwa pa nga sila napaupo ni Cobi sa sahig habang nakasandal sila sa pintuan.
"Grabe, ang tindi ng bahay ninyo! Ang daming CCTV!" reklamo ni Cobi, "Daig pa ang museum sa sobrang higpit!"
"Nakita mo ba kung ano ang nasa basement?" Tanong niya rito.
"Mga alahas! Hindi ko alam kung saan galing ang mga iyon. Pero malakas ang kutob ko na hindi basta-bastang alahas ang mga iyon!" Sabi ni Cobi, "Mukhang may illegal ngang ginagawa ang bayaw mo."
"Kung maaga ko lang nalaman ang tungkol sa Andrew na iyon sana gumawa na ako ng paraan para hindi natuloy ang kasal nila!" Inis ni Sydney saka na siya tumayo.
"Paano ka ngayon babalik sa kuwarto mo?" Tanong ni Cobi saka na rin ito tumayo, at sumilip sa bintana, "I'm sure mahihirapan ka nang makabalik dahil nagkalat ngayon ang mga tauhan ni Andrew sa labas."
Nakisilip na rin si Sydney. At tama nga, nagkalat sa paligid ang mga tauhan ng bayaw niya. Pero nang mapatingin siya kay Cobi ay nahuli niyang nakatingin ito sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya rito.
"Wala!" Tugon nito sabay ang iwas ng tingin sa kanya. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nito, "Why?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Boss, nasaan na po kayo?" Tanong ni Camille, "Si Miss Sydney kasi lumabas ng kuwarto niya."
"Kasama ko na siya ngayon," tugon ni Cobi, "Nakabalik na kami sa guest room."
"Mabuti naman! Nagkakagulo kasi ang mga tauhan ni Andrew. Tapos umakyat rito si Mrs. Perez para alamin kung andito si Miss Sydney. Buti na lang mabilis akong naka-isip ng alibay at gumagawa ako ng imahen ni Miss Sydney sa kama niya na parang magmukhang natutulog siya. Hindi na rin naman nangulit pa si Mrs. Perez," mahabang paliwanag nito.
"O-okay lang kami rito. H-Hindi ko pa alam kung paano siya makakabalik diyan. Papahupain muna namin ang tensyon sa labas," tugon ni Cobi.
"Sige po..."
Tinapos na ni Cobi ang pakikipag-usap nito kay Camille.
Lumipas na ang halos isang oras ay hindi na mapakali si Sydney. Paikot-ikot siya sa loob ng kuwarto. Ilang beses na rin niyang pinakiramdaman ang buong paligid. Pero sadyang mas lalong pinagbuti ng mga tauhan ni Andrew ang pagbabantay sa buong paligid.
"Maupo ka nga, nahihilo ako sa'yo!" Sita na ni Cobi, "Kumalma ka lang d'yan!"
"Sinong hindi kakalma? Hindi ko magawang makabalik sa kuwarto ko! Kapag ako nahuli pa rito ni Papa, mas malalagot ako!" Kinakabahan niyang sabi nito.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...