Chapter 12

22 4 3
                                    

💍 Chapter Twelve 💍


"ANO BA, MELODY? Ano ba talaga ang nangyari?" inis ni Cobi sa agent niya.

"Ganito na nga po, narinig ni Miss Sydney 'yung mga sinabi ni Camille sa alepores niya. Basta ang papanget ng mga sinabi niya about kay Miss Sydney!" kwento ni Melody with action pa, "Tinutukan ni Miss Sydney ng katana niya si Camile, saka hinamon ng laban. Kung sino daw ang matalo, aalis ng camp na 'to! Hayun nga pinagpupustahan ng lahat kung sino sa dalawa ang mananalo sa kanila. Tapos---"

"Nasaan sila?" tanong na niya.

"Sa training field po, Boss!" tugon nito.

Pagkasabing iyon ni Melody ay dali-dali nang tumakbo si Cobi patungo sa nasabing lugar kasunod sila Lady Lyra, Arjhay at Melody.

Umaambon na ng mga sandaling iyon pero wala siyang pakealam. Kailangan niyang maabutan ang dalawa.

Malayo palang sila naturang lugar ay narinig na niya ang malalakas na sigawan ng kanyang mga agent.

"Sa Berde o sa Tsokolate!"

Sumisimbolo sa kulay nila ni Yuki. Iyan rin ang naririnig nilang sigawan ng lahat, sensyales na pinagpupustahan ang dalawang dalaga. Dahil doon, patakbo na silang lumapit sa mga ito.

"Ano'ng kaguluhan ito?" pag-agaw ng atensyon ni Cobi sa mga agent niya.

Bigla namang nagsitahimik ang lahat. Napahinto ang mga ito, at may takot sa mga matang tumingin sa kanya.

"Si-Si Lady Lyra!" Gulat ng lahat, at parang nataranta ang ilan nang makita ang pinakanamumuno sa kanila.

"Boss, hinamon niya ako ng laban!" si Camille ang sumagot.

Napatingin si Cobi kay Sydney. Napakunot pa ang noo niya nang makita niyang nagdurugo na ang balikat nito.

"Sydney!" sigaw ni Arjhay, at umakto itong lalapitan ang dalaga.

"Huwag! Huwag kayong lalapit, Sir Arjhay!" awat ni Sydney. "Masyado na niya akong minamaliit! At dahil assistant agent ko siya, alam kong may karapatang akong parusahan siya!" pasinghal na sagot ni Sydney sabay ang pagturo nito sa kinaroroon ni Camille gamit ang katana nito.

Napahinto si Arjhay at tumingin ito kay Cobi na parang humihingi ng tulong para para pigilan ang mga ito.

"Hayaan n'yo sila!" Sabi lang ni Lady Lyra, "Titignan ko kung kararapat-dapat bang si Sydney ang pinagkatiwalaan mo sa Purple Stone!"

Lihim na napakuyom ang kamao ni Cobi. Malaki ang tiwala niya sa kakayahan ni Sydney. Pero hindi pa rin mawawala sa kanya ang pag-alala para sa dalaga lalo na duguan na ito. Oo, ilang beses nang nireport ni Sydney sa kanya ang tungkol sa inaasal ng assistant agent nito. Pero hindi siya naniniwala dahil taliwas ang nakikita niya rito. Pero marami na ang nakarinig ng pagmamaliit ni Camille kay Sydney. At hindi na lang niya basta agent si Sydney, kungdi fiancee na niya ito.

"Masyado na akong napupuno sa'yo! Kung ganyan ang ugali mo, hindi ka karapatan-dapat na maging assistant ko!" galit na galit na sigaw ni Sydney saka ito sumugod.

Mabilis namang dumipensa si Camille.

"I like that girl!" Nakangising turan ng Ate Lyra niya.

Pero hindi alam ni Cobi kung sino ang tinutukoy nito, kung si Sydney ba o si Camille. Isa sa mga dahilan niya kaya si Camille ang napili niyang maging assistant agent ni Sydney ay dahil sa kakayahan nito. Ito ang pinakamagaling sa female agent niya. Pero tama ba ang ginawa niyang pagpili? Nagagawa rin ba niyang imonitor ng maayos ang kanyang mga agent kapag hindi siya nakatingin?

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon