Chapter 10

23 4 1
                                    

💍 Chapter Ten 💍

SA MGA LUMIPAS NA ARAW, aaminin ni Sydney ay nasa stage pa rin siya ng adjustment. Kahit sinabi sa kanya ni Cobi na wala naman talaga itong binago sa pamamalakad ni Lady Lyra noon ay hindi pa rin niya maiwasan ang manibago. Lalo na hindi na si Yuki ang humahawak sa kanya. Ibang-iba ang paraan ni Cobi sa pagti-train sa mga agent nito. Dumadagdag pa ang mga bagong dating na agent ni Norman. Pakiramdam niya, back to zero siya ngayon dahil pati ang ibang agent ni Cobi ay kailangan niyang pakisamahan.

Mabuti na nga lang nakita pa niya ang dati niyang roommate sa Main Camp na si Melody. Halos sabay rin sila nitong pumasok sa organization. Nakilala rin niya ang dalawang agent na sila Peter at Gina na kapwa mga dating agent ni Norman na ngayon ay nasa kanilang panig na.

Sa katunayan nga niyan, mas madalas pa nga niyang kasama ang mga ito keysa sa mismong assistant niyang si Camille.

Sa paglipas rin ng mga araw, hindi pa rin niya matimpla ang ugali ng kanyang assistant. Pakiramdam nga niya, siya pa itong nakikisama kay Camille. Ilang beses na niyang isinangguni iyon kay Cobi pero binabalewala lang ito ang mga hinaing niya.

"For me? Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ng assistant mo," komento ni Cobi nang kausapin niya ito sa opisina hinggil kay Camille.

"Oo, matino siya kapag andyan ka! Pero kapag wala ka, para na siyang bulang bigla na lang naglalaho sa tabi ko. Noong minsan tinanong ko siya kung saan siya galing, binara pa naman ako! Sabi pa naman, ano'ng karapatan kong pagsabihan siya eh halos magkasing-level lang daw kami as Agent!" Pagsusumbong niya rito.

"Alam mo na naman pala ang dahilan kung bakit ganoon siya sa'yo!" Turan ni Cobi, "Kung ako sa'yo pagtutuunan ko na lang ng pansin ang pagtitrain, at pag-iimbestiga sa bayaw mong hilaw!"

Napakuyom ang kamao ni Sydney. Aktong magsasalita pa sana siya nang mapansin niyang bihis na bihis ito, "Sandali, saan ka pupunta?"

"Sa main Camp," maikling tugon nito, "May mahalaga kaming pag-uusap ni Ate about doon sa last mission ko sa LA. Sandali, bakit mo tinatanong?"

"Wala lang!" Umiwas siya ng tingin rito.

Natawa naman ni Cobi saka ito lumapit sa kanya, "Bakit mamimiss mo ako?"

"Hindi noh!" Umiwas siya ng tingin rito pero nagulat na lang siya nang hawakan ni Cobi ang kaliwang kamay niya. Tinignan nito kung suot ba niya ang engagement ring nila.

"Buti suot mo!" Napangiti ito, "Huwag mong subukang hubarin iyang singsing na iyan kahit wala ako kung--"

"I know! I know! Paulit-ulit ka na lang! Para kang sirang pirated CD! Halos araw-araw mo na lang sinasabi ang tungkol sa bagay na iyan! Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano bang mayroon sa singsing na ito bakit parang gusto mo laging nakikita!" Reklamo ni Sydney.

"Aalis na ako!" Pagpapaalam na lang nito bigla na sadyang nilihis ang usapan tungkol sa singsing, "Gagabihin ako ng uwi, kaya mauna ka nang kumain!"

"Ewan ko sa'yo," inis niyang tinalikuran ito. At kahit hindi pa siya nito binibigyan ng pahintulot ay lumabas na siya ng opisina nito. Nagawa pa nga niyang pagbagsakan ito ng pintuan.

Dumiretso siya sa kanyang Training Room. Mag-isa na naman siyang magtitrain roon at minsan si Cobi mismo ang nagtuturo sa kanya. Gusto sana niyang kasama ang ibang agent pero itong si Cobi wala sa lugar ang pagiging over-protective sa kanya na hindi naman nito ginagawa dati. Kulang na nga lang ay ikulong na siya nito sa loob ng pamamahay nito.

Pero tulad ng binilin sa kanya ni Cobi, halos binuhos niya kanyang oras at atensyon sa pagti-train niya. Ayaw pa rin niyang magpabaya sa kanyang tungkulin, at umaasa siya na balang-araw ay matatauhan rin si Cobi na ibalik siya sa kampo ni Yuki.

Namimiss na niya si Miss Mayo. Kahit minsan naiirita siya sa kasungitan nito at kawirduhan may pinagsamahan pa rin naman silang dalawa. Namimiss na niya ang pagiging Assistant Agent nito. Sabi pa naman niya, handa niyang alagaan ang magiging anak nito pagdating ng araw. Pero kumbaga sa isang kwento hindi mawawala ang isang asungot. At si Cobi iyon! Asungot ito sa buhay niya! Nananahimik siya, tapos bigla-bigla namang magpo-propose ng kasal?

"Haaaaaiiixxxxtt!" Inis na sinabunutan ni Sydney ang kanyang sarili. Pero bigla siyang natigilan nang maramdaman niya ang pagkulo ng kanyang sikmura, "Sandali, ano'ng oras na ba?" Tanong niya sa kanyang sarili sabay ang tingin sa kanyang wrist watch. At hindi niya maiwasan ang magulat nang malaman niyang alas-otso na pala ng gabi.

Pero wala pa rin si Cobi.

"Sabi naman niya pwede na akong kumain kahit wala siya!" Sabi niya saka na siya lumabas sa kanyang training room. At hindi na siya nagtaka pa nang wala na naman ang assistant niya.

Napangiti siya.

Kahit papaano ay masaya siyang wala siyang kasama. Walang nagbabantay sa kanya. Kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.

Dumiretso siya sa labas ng bahay. Pagkaraan ay lumanghap siya ng sariwang hangin sa paligid.

"Hay, napakapayapa ng buong paligid!" Nakangiting sabi lang niya. Pero bigla siyang natigilan nang makaramdam siya ng kakaiba banda sa kanyang likuran.

Hinanda niya ang kanyang katana. At aktong bubunutin na niya iyon nang lumitaw sa kanyang harapan na bulto.

"Saan kayo pupunta, Miss Sydney?"

Para naman nakahinga ng maluwag si Sydney nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.

Si Peter kasama sina Melody at Gina.

"Kayo lang pala!" Aniya saka niya inayos ang sarili, "Akala ko may nakapasok na kalaban sa teritoryo!"

"Gabi na po ah!" Magalang na sabi ni Gina saka ito napatingin sa likuran na parang may hinahanap, "Nasaan po ang assistant ninyo?"

"Ewan!" Napakibit-balikat siya.

"Hala!" gulat ni Melody.

"Hayaan mo siya kung nasaan man siya naroroon! Mas sanay akong mag-isa, at walang agent na bumubuntot sa likod ko!" Katwiran niya.

"Saan po kayo pupupunta dapat?" Tanong naman ni Peter.

"Gusto ko sanang maghapunan sa cafeteria kasama ang ibang agent!" Nakangiting tugon niya, "Malungkot kasi kapag mag-isa lang kumakain."

"Sige po, pero alam po ba ito ni Sir Cobi?" Nag-aalalang tanong naman ni Melody.

"Hayyyy.... Pati pa naman ba sa pagkain ko sa cafeteria dapat alam niya?" Reklamo niya, "Pare-parehas lang naman tayong level as agent kaya dapat lang din na doon ako kumain. Saka minsan lang ito! Wala naman sigurong masama!"

💍💍💍💍💍💍💍


AUTHOR'S NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AUTHOR'S NOTE:

Thank you marie120218 sa pagfollow sa akin. Pati na rin sa mga readers ko na nahhihintay ng mga updates ko! Pipilitin ko pong everyday po mag-aupdate... Thank you po ❤️

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon