Chapter 30

10 1 1
                                    

💍 Chapter Thirty 💍

ALAM NI SYDNEY NA HINDI NAGING maganda ang kinalabasan ng family meeting nila dahil sa ginawang pagtutol ng kanyang Ate Leigh at Kuya Andrew na siya ang maghahandle sa paghire ng mga bagong empleyado ng kanilang publishing house.

Kaya naman inaasahan na ni Sydney na kakausapin siya ng masinsinan ng kanyang kapatid hinggil rito. Pero laking-gulat niya dahil taliwas sa kanyang iniisip ang naging kilos nito. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin.

"A-Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong niya rito.

"Namiss lang kasi kita!" Katwiran nito, "Alam naman nating dalawa na kahit magkasama tayo sa bahay, hindi tayo nag-uusap. Namimiss ko lang talaga kasi iyong mga panahon na tayong dalawa ang laging magkasama at nagkakampihan."

Hindi na nakakibo si Sydney dahil maski siya ay may parte ng kanyang pagkatao na sobra rin niyang namimiss ang kanyang ate. Ang lalo lang talaga ng pinagbago nito simula nang maging sila ni Cobi.

"Ano ba ang nangyayari sa ating dalawa? Hindi naman tayo ganito dati diba?" Tanong ng kanyang ate sa kanya, "Sa totoo lang, ilang beses na kitang gustong kausapin pero napanghihinaan ako ng loob dahil alam ko sa sarili ko na may kasalanan ako sa'yo. Iyon ay nagkagusto ako kay Cobi."

"Ate, hindi naman kita masisisi kung nahulog man ang loob mo sa kanya dahil naging close kayong dalawa. Alam mo rin naman na ilang beses ko ring tinangkang kausapin ka, pero ikaw mismo ang umiiwas sa akin," may hinanakit niyang turan rito.

"Sorry! Sorry talaga!" Sa muling pagkakataon ay niyakap siya ng mahigpit nito, "Magsimula tayong muli, Sydney! Alisin na natin ang samaan ng loob natin sa isa't isa! Nakita ko rin na mahal ninyo ni Cobi ang isa't isa. At dapat pa nga magpasalamat ako dahil kapatid ko ang babaeng napili niyang pakasalan, hindi ang ibang babae."

"Ate, kapag nagtanong ba ako ng personal na bagay? Sasagutin mo ako ng katotoohanan?" May paki-usap niyang tinitigan ang kanyang kapatid.

"Kung kaya kong sagutin," ngumiti ito.

"Alam mo na ang tungkol sa tunay na pagkatao ng asawa mo?" Seryosong tanong niya rito.

"Oo," diretsong tugon nito saka napabuntong-hininga, "Pati ang tungkol sa secret organization at sa inyong dalawa ni Cobi."

"Sorry," tanging nasabi niya.

"Alam kong kasalanan ko sa muntikan nang pagkalugi ng publishing house ni Papa. Pinagkatiwala niya sa akin ang negosyong ito pero nabigo siya. Humingi ako ng tulong kay Andrew dahil alam kong mayaman siya. Pero nilagay ko lang ang sarili ko sa sitwasyon na ikakapahamak nating lahat," nanlulumong napaupo ang kanyang Ate Leigh, "Gulong-gulo ang isip ko 'nun, Sydney. Hindi ko alam kung paano ko isasalba sa pagkalugi ang publishing house ni Papa."

Nagawa nang alunin ni Sydney ang likuran ng kanyang kapatid nang magsimula na iton umiyak.

"Alam ko ang patakaran sa organization kaya huwag mo nang itanong kung..."

"Ate! Umatras ka na! Ako na lang sasalo s'yo!" Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid, at mariin itong tinitigan.

"Ako naman ang magtatanong sa'yo? Minsan ba pumasok sa isip mo na nagsisisi ka kung bakit naging secret agent ng mga Infantes?" Mariin na rin siyang tinitigan nito.

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon