💍 Chapter Seventeen 💍
NAPAHAWAK SI SYDNEY sa kanyang dibdib. Dinig na dinig kasi niya ang pag-uusap ng kanyang Ate Leigh at ni Cobi. Alam naman niyang umaarte lang si Cobi sa harap ng kanyang Ate Leigh. Pero bakit may epekto sa kanyang ang mga sinasabi nito?"K-Kung sakali bang pinagtapat ko ang nararamdaman ko sa'yo bago ako kinasal? Posible bang may magbago sa ating dalawa?" Tanong pa rin ng kanyang Ate Leigh.
"Wala na...." Tugon ni Cobi, "...dahil kahit ano pa itanong mo, si Sydney pa rin ang sagot ko."
Napalunok si Sydney. Wala na siyang narinig na anumang sinabi ng kanyang Ate Leigh. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng awa sa kanyang kapatid. Naging malinaw na rin sa kanya na may lihim itong pagtingin kay Cobi. Kung ganoon bakit pumayag ito sa kasunduan? Bakit nagawa nitong magpakasal kay Andrew kung si Cobi naman talaga ang gusto nito?
"Excuse me," pagpapaalam na talaga ni Cobi.
"N-Nice, boss! Kapani-paniwala ang mga sagot mo!" Puri pa ni Sydney nang marinig niya sa mini-earphone ang paglalakad ni Cobi, "Ang galing mo talagang umarte!"
"Hindi iyon, arte. Totoo ang lahat ng sinabi ko," Seryosong tugon ni Cobi sa kabilang linya.
"Ha?" Natigilan siya, at lalo pa niyang narinig ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Halos wala rin siyang mahalungkat na anumang salita na isasagot sa mga sinabi nito. Napa-angat na lang siya ng tingin nang makita na niya sa kanyang harapan si Cobi. At saka siya napalunok dahil nakita niya ang pagkaseryoso ng mukha nito.
Humakbang papapapit sa kanya si Cobi.
"A-Ano kasi..." Natatarantang tumayo na rin si Sydney. Aktong iiwasan na sana niya ito nang bigla siya nitong pinigilan. Kinakabahang tinignan niya ito sa mata.
"Gusto kita! Iyon talaga ang dahilan ko kaya nag-alok ako ng kasal sa Papa mo!" Seryosong saad nito.
"H-Hindi ka naman nagpa-prank lang diba?" May pagdududang tanong niya rito.
"Kahit hindi involved rito ang negosyo ng Papa mo, matagal ko na talagang planong kunin ka kay Yuki. Pero hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya," pag-amin nito saka nito hinahawakan ang kanyang batok.
Halos magtayuan mga balahibo ni Sydney sa kanyang katawan nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa palad ni Cobi.
Aktong magsasalita pa sana siya nang bigla na lang siya nitong siniil ng halik.
Nanlaki ang mga mata ni Sydney sa gulat. Pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras sa pagitan nila. Kung tutuusin pwede niyang itulak si Cobi palayo sa kanya, at putulin ang halik na namamagitan sa kanila. Pero wala siyang lakas para gawin iyon. Nagawa pa nga niyang pumikit, at tumugon. Hindi naman ito ang first kiss nilang dalawa ni Cobi, pero ito ang unang beses na makaramdam siya ng ganito. Para siyang nasa alapaap sa mga sandaling iyon. At wala siyang pakealam kung may nanunuod man sa kanila sa CCTV o makita man sila ngayon ng kanyang magulang. Never na pumasok sa kanyang isipan na magtatapat ng damdamin para sa kanya si Cobi. Ang buong akala niya, ang lahat nang nagyayaring ito ay dahil lang sa mission.
"Siguro naman sapat na sagot na iyon para sabihing seryoso ako sa sinasabi ako!" Halos pabulong na turan sa kanya ni Cobi habang mariing siyang tinititigan nito sa kanyang mga mata.
Napalunok si Sydney saka siya umiwas ng tingin rito. Eksakto naman na dumating ang kanyang magulang kaya umarte siyang normal sa harapan ng mga ito.
"Pasensya na kayong dalawa, may pinag-usapan pa kasi kami ng Mama ninyo," paliwanag sa kanila ng kanyang Papa.
"Pumapayag na kami sa gusto mo, Cobi..." Ngumiti naman ni Mrs. Helen at nagawa rin nitong hawakan ang kamay ni Sydney, "...At malaki rin ang tiwala namin sa'yo na hindi mo papabayaan ang bunso namin."
"Makakaasa po kayo," magalang nasabi ni Cobi.
"Nasaan po sila Ate Leigh at Kuya Andrew?" Tanong ni Sydney.
"Sumama kasi ang pakiramdam ng Ate mo. Kaya umakyat na sila ni Andrew sa kuwarto nila," tugon ng kanyang Papa.
"Paano po, kailangan ko na rin pong umalis," pagpapaalam na ni Cobi, "Maraming salamat po sa pag-imbita."
"Thank you rin, ijo!" Turan ng Ginang.
"Sydney, ikaw na ang bahalang maghatid sa kanya sa labas," utos naman ng kanyang Papa.
"S-Sige po," pagtalima naman niya.
"Mauna na po ako," magalang muling pagpapaalam ni Cobi sa mag-asawa. Nagawa na nitong hawakan ang kamay ni Sydney patungo sa garahe kung saan nakapark ang sasakyan nito.
"Gusto sana kitang isama pauwi, pero naisip ko na dito ka na lang muna para may rason ako para bumalik-balik rito," bulong sa kanya ni Cobi habang naglalakad.
"Bakit ka nga pala nagmamadali? Ang usapan, sa next year pa ang kasal natin, ah?" Sita niya sa binata.
"Hindi mo ba napapansin? Halos isang buwan palang silang mag-asawa pero kung umasta ang bayaw mo, parang siya na ang may-ari ng bahay ninyo? Tinalo pa yung main camp ko sa dami ng nagbabantay rito. Baka kung matatagalan pa, tuluyan nang mawalan ng karapatan ang Papa mo, hindi lang dito sa bahay ninyo kungdi pati sa kompanya niya!"
"Sa basement," aniya, "Alam ko may CCTV kami doon pero nagtataka ako dahil walang signal doon ang CCTV!"
Humarap si Cobi sa kanya, at umarte itong inayos ang hibla ng buhok niya. Talagang pinapakita nila sa bawat sulok ng CCTV kung gaano sila ka-sweet ni Cobi sa isa't kahit ang totoo iba naman ang pinag-uusapan nila.
"Malakas ang pakiramdam kong may tinatago sila sa likod ng bahay," pagpapatuloy ni Sydney, "Lalo na iniba na rin nila ang kuwarto kung saan naroroon ang monitor ng mga CCTV."
"Camille," biglang tawag ni Cobi sa agent nitong nasa kabilang linya.
"Boss," sagot naman nito.
Napakagat ng ibang labi si Sydney. Doon lang din kasi niya naalala ang tungkol kay Camille. Posible rin palang naririnig at napapanuod nito ang lahat ng mga nangyayari.
"Kaya mo bang puntahan ang guest room? Nasa third floor iyon sa bandang kaliwa," turan ni Cobi, "I'll give you fifteen minutes. Tignan mo kung may mga nakakabit na CCTV roon."
Napakunot ang noo ni Sydney nang marinig niya ang sinabing iyon ni Cobi.
"Huwag mong sabihin, balak mong matulog rito ngayong gabi?" Hinalang tanong ni Sydney sa binata.
Nakangiting tumango si Cobi at nagawa pa nitong hawakan ang kanyang pisngi, "Hindi rin ako mapapanatag kung alam kong posibleng nasa panganib ang girlfriend ko!"
"Kaya na naman namin ni Camille na ihandle ang--" hindi na natapos pa ni Sydney ang kanyang sasabihin dahil ginawa na naman ni Cobi ang teknik nito para patahimikin siya. Ang paglalagay ng hintuturo nito sa bibig niya. Pero inis lang niyang hinawi ang kamay nito, "--Lagi mo na lang ginagawa iyan!"
"Epektib kasi!" Tumawa ito.
💍💍💍💍💍💍💍
Author's Note:
Thank you po abcdqueenl sa pag-add ng CodeName: Snow White sa reading list mo. Sana magustuhan mo. Happy Reading!!!
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...