Chapter 16

26 4 0
                                    

💍 Chapter Sixteen 💍

NANG MATAPOS KUMAIN ay dumiretso silang sa hardin para magpahangin at magkape. Pero habang abala ang iba sa kani-kanilang usapan ay may kung anong maliit na bagay ang dinikit ni Cobi sa likod ng tenga ni Sydney.

"A-Ano'ng dinikit mo sa tenga ko?" Tanong ni Sydney rito, at aktong kukunin na muli niya iyon nang pigilan siya ni Cobi.

"Mini-earphone lang iyan," bulong ni Cobi sa kanya, "Si Arjhay ang gumawa. Para sa mga ganitong sitwasyon! Hindi na iyan mahahalata lalo na mahaba ang buhok mo."

Nagawa pang hagurin ni Cobi ang mahabang buhok ni Sydney.

"O, tama na muna ang lambingan!" Nakangiting sita ni Mrs. Helen sabay ang abot nito ng isang tasang kape para sa kanilang dalawa ni Cobi.

"Halika ka muna rito, ijo..." Ani Mr. Matteo, "...May idi-discuss lang akong sa inyo ni Adrew in private."

"Sige po," pagpayag ni Cobi saka na ito tumindig, "Maiwan ko muna po kayo!" Magalang napagpapaalam pa nito sa Ginang. At bago ito pumasok sa loob ng bahay ay palihim itong sumenyas kay Sydney.

Nakuha naman iyon ni Sydney kaya umarte siyang natural sa harapan ng kanyang Mama kahit ang totoo ay nagsisimula na rin niyang naririnig ang sinasabi ng kanyang Papa sa pamamagitan ng mini-earphone. At naririnig niyang tungkol sa kanilang negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Hay... Mga lalaki talaga!" Reklamong turan ng kanyang Mama, "Pwede naman nila dito pag-usapan, bakit kailangan pang pumasok sila ulit sa loob."

"Mama, alam n'yo po ba ang tungkol sa pagkalugi ng kompanya natin?" Seryosong tanong niya rito.

"Oo," tumango ito sabay ang paghigop ng kape nito, "Ang isang bagay na nagustuhan ko sa Papa ninyo, never niya akong pinaglihiman. Kaya noong sinabi niya ang alok na kasal ni Andrew sa Ate Leigh, sa totoo lang nagdalawang-isip ako. Ilang beses ko ring pinakiusapan ang Ate mo na kung ang dahilan lang niya para isalba ang kompanya natin, huwag na niyang ituloy. Pero talagang buo na ang pasya ng Ate Leigh mo. Nalaman kong may gusto pala siya kay Andrew noon. At hindi naman siguro mag-aalok ng kasal si Andrew kung hindi naman niya gusto ang Ate Leigh mo, diba?"

Tumango na lang siya.

"Gusto ko sana si Cobi sa Ate Leigh mo, pero ano naman ang magagawa ko kung ikaw ang gusto ni Cobi?" Dagdag pa ng kanyang Mama na siyang kinasamid ni Sydney, "Bakit hindi ba totoo? Nakita ko nga kung gaano siya kasweet sa'yo sa kanina, eh!"

Hindi na siya kumibo dahil narinig din niyang binanggit ni Cobi ang pangalan niya sa mini-earphone. Talagang pinaninindigan ni Cobi ang kagustuhan nitong maikasal na sila sa next week.

"Maiwan na muna kita!" Pagpapaalam ng Mama niya.

Bumalik ang atensyon niya sa kanyang Mama.

"May iuutos lang ako saglit kay Yaya Mila," anito.

Tumango naman siya.

Ang buong akala ni Sydney ay malaya na niyang maririnig ang pinag-uusapan ng mga kalalakihan sa kabilang linya. Pero ilang saglit pa ay dumating naman ang kanyang Ate Leigh, at tumabi sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nito.

"Tungkol saan?" Tanong niya rito.

"Talaga bang magpapakasal ka kay Cobi?" Paninigurong tanong nito.

"Diba sinabi ko na iyan kanina?" Balik na tanong niya rito.

"Nagulat lang kasi ako," pag-amin nito, "A-Akala ko ba si Yuki ang gusto mo? Bakit bigla-biglang nagbago ang isip mo?"

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon