Chapter 4

26 3 1
                                    

💍 Chapter Four 💍

NAGSIMULA NA ANG WEDDING Ceremony. Naging maayos naman ang mga sunod na nangyari. Pero nang mag-announce ng 'You may kiss the Bride' ang pari ay napansin ni Sydney ang pagtayo ni Cobi sa upuan ng mga abay na lalaki. At lumabas na ito sa simbahan.

Nang matapos na ang Wedding ceremony ay hindi na nakita pa ni Sydney si Cobi.

"Hala, saan naman naman ako makikisabay papuntang reception?" Nag-aalalang tanong niya sa kanyang sarili. Muli siyang nagpalinga-linga sa paligid, at doon nakita ang kanyang Mama. Aktong lalapit na sana siya sa mga ito nang biglang may humawak sa kanyang braso. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Cobi.

"Let's go," aya nito.

"S-Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap?" Tanong niya rito.

Napakunot ang noo nito.

"Po?" Habol niya dahil kahit balik-baliktarin mas mataas na agent ito kaysa sa kanya na hamak Assistant Agent lang.

"D'yan lang," maikling tugon nito, "Let's go!"

"Wait, magpapaalam ako kina Papa..." Sabi niya.

"No need, alam na rin naman nila!" Pigil ulit sa kanya ni Cobi.

Kahit puno ng pagtataka ay nagawa nang sumunod ni Sydney sa binata patungo sa parking lot kung saan naroroon ang sasakyan nito.

Habang nasa biyahe ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Cobi. Kaya hindi na nakatiis pa si Sydney, "Boss, are you okay?" Tanong niya.

"Yes, I'm okay!" Tugon nito pero hindi naman nito magawang tumingin sa kanya.

"Kanina ko pa napapansin, ang pula ng mga mata mo," sita ulit niya rito.

"Ah, ito ba?" Lalo pang umiwas ng tingin sa kanya si Cobi, "Napungin lang ako kanina. Kaya parang ang kati-kati niya!"

Hindi na kumibo si Sydney dahil ramdam naman niya na hindi nagsasabi ng totoo ang kausap niya.

"Ahhhh!" Napaunat siyang bigla na siyang dahilan para mapasulyap sa kanya si Cobi, "Nagugutom na po ako!"

"Marami namang pagkain sa reception area. Doon ka bumawi," sabi lang nito.

"Doon!" Parang batang tinuro ni Sydney ang isang sikat na fast food chain, "Tara kain po tayo doon! Namiss ko nang kumain doon!"

"Ganyan ba talaga kahigpit si Yuki sa mga agent niya? At hindi mo magawang makakain sa ganyan?" Tanong sa kanya ni Cobi.

"Alam mo kasi nagiging demanding si Miss Mayo ngayon dahil sa paglilihi niya. Kaya halos hindi ako nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw! Tapos dumagdag pa ang biglang pagtaas ng ranggo ni Sir Yuki kaya tambak kami ng mga gawin ngayong mga agent niya! Kasi naman, rank fourteen lang siya! Tapos sa isang iglap lang, biglang nag-rank three! Mas mataas pa tuloy siya kina Boss Jinuel at Lady Lyra! Saka--" saglit na napahinto sa pagsasalita si Sydney nang mapansin na naman niya ang pakakakunot ng noo ni Cobi. Ilang saglit pa ay tinikom na niya ang kanyang bibig dahil doon niya narealize na umiral na naman pala ang kadaldalan niya.

"Next time na lang kita, ililibre! Ngayon kailangan pa rin nating umattend sa reception. Hindi mo pa nga nakaka-usap ang Ate Leigh mo, simula kanina diba?" Sabi nito.

"Tama ka," pagsang-ayon niya, "Hindi ko pa siya nababati ng personal!"

Matipid namang ngumiti si Cobi sa kanya.

Ilang saglit lang ay narating na nila ang reception area. Isa iyong private resort na pagmamay-ari ng pamilya nila Andrew. Hindi talaga akalain ni Sydney na ganito kayaman ang napangasawa ng kanyang Ate Leigh.

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon