💍 Chapter Nine 💍
HINDI NA ALAM NI SYDNEY KUNG ilang beses na siyang nagpaikot-ikot sa ibaba ng bahay ni Cobi dahil hinihintay niya ang paglabas ni Yuki. Ilang beses na ring kumulo ang tiyan niya sa gutom dahil hindi pa sila nag-aalmusal ni Camille. Hindi na nga rin maipinta ang mukha nito.
Ito rin kasi ang pagkakataon niya para makausap si Yuki. Alam niyang hindi ito papayag na ilipat siya sa ibang department lalo na siya lang ang pwedeng pagkatiwalaan nito sa pangangalaga kay Mayo.
At ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang makita na niya ang paglabas ni Yuki sa opisina ni Cobi. Abot hanggang tenga niya itong sinalubong.
"Babalik na po ba tayo sa camp n'yo?" Excited niyang tanong rito.
Natigilan naman si Yuki at napatingin ito kay Cobi.
"S-Sandali lang po, kukunin ko lang iyon ibang gamit ko!" Sabi niya at aktong tatalikuran na niya ang dalawang lalaki nang pigilan siya ni Yuki.
"Wait lang, Sydney!" Anito, "Ang totoo n'yan, hindi na kita isasama sa pag-uwi ko. Simula ngayon, under ka na sa department ni Cobi."
"Po?!" Gulat niya at saka siya napasulyap kay Cobi na nanahimik lang sa likod ng kapatid nito.
"Malapit na ang kasal ninyo ni Cobi diba? Dapat lang na lumipat ka na sa department niya," turan nito na siyang kinatahimik ni Sydney, "Pinasa ko na sa kanya ang kontrata mo sa organization. Ipapadala ko lang dito ang ibang gamit na naiwan mo sa camp ko."
"P-Pero..."
Hindi na nagawa pa ni Sydney ang magsalita dahil nagawa na siyang talikuran ni Yuki. Hatid-tanaw na lang niya ang lalaki hanggang sa sumakay na ito sa sarili nitong sasakyan. At umalis na sa teritoryo ni Cobi.
"Nagawa mo na ang three hundred fifty-two laps?" Tanong ni Cobi sa kanya nang tuluyang umalis na si Yuki.
Hindi niya kaagad itong nasagot dahil pakiramdam niya ay sasabog siya sa oras na magsalita siya.
"Ano ba Agent Cinderella? Tinatanong kita!" Singhal na ni Cobi, "Tandaan mo, under ka na ng department ko kaya kilalanin mo na ako bilang leader mo!"
"Oo na! Oo na!" Singhal na rin ni Sydney saka na siya inis na hinarap ito, "Nagawa ko na po ang three hundred fifty-two laps, Sir! Kung hindi ka naniniwala, tinungin mo ang assistant ko."
Natigilan si Cobi hindi dahil sa pabalang napagsagot niya kungdi dahil nakita nito ang pagluha niya.
Inis na pinunasan ni Sydney ang luhang hindi niya napigilang bumagsak. Tama nga ang sinabi sa kanya ng Ate Leigh niya, sasaktan lang siya ni Yuki. Ewan nga ba niya, ilang beses na nga siyang lihim na umiiyak kay Yuki bakit hindi pa rin niya magawang talikuran ito. Minsan iniisip niya, hindi na ito isang simpleng crush lang dahil halos walong taon na pala siyang nagpapakamartir rito.
"Halika..." Ani Cobi saka hinila si Sydney papasok ulit sa loob ng bahay nito.
"S-Sandali, saan mo ako dadalhin?" Gulat na tanong ni Sydney rito.
"Pwede mo na siyang iwan, Agent Violeta. Alam kong hindi ka pa kumakain," baling ni Cobi kay Camille.
"S-Sandali... Hindi pa rin ako kumakain!" Sabi ni Sydney.
"Ako rin," sabi nito, "Hinintay talaga kitang matapos sa pinagawa ko sa'yo dahil simula ngayon, ako na ang kasabay mo kapag kakain, hindi ang mga agent!"
"Luh!" Gulat niya.
"Tandaan mo, hindi ka lang basta agent ko! You are my fiancee!" Diin nito saka muli siya nitong hinila patungo sa dining area.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
AksiSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...