Prologue

62 4 2
                                    

💍 PROLOGUE 💍

EIGHT YEARS EARLIER...

"Ate..."

Kasalukuyang hinahanap ni Sydney ang kanyang Ate Leigh sa mga sandaling iyon dahil may importante sana siyang itatanong rito tungkol sa kanyang homework. Sa kanyang paghahanap nakarating na siya sa silid-aklatan ng kanilang bahay.

Madilim ang buong paligid, kaya naman sinubukan niyang kapain ang switch ng ilaw. Pero habang hinahanap niya ito ay may kung anong bagay ang biglang na lang bumangga sa kanya. Dahil sa pagkabigla ay nawalan siya ng balanse. Kaya bumagsak siya sa sahig. Pero hindi niya na nakuhang magreact dahil maramdaman niyang may dumagan sa kanya at may dumikit sa kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya dahil nakilala niya ang taong humalik sa kanya.

Si Cobi.

Nagulat rin ang binata, at dali-dali itong bumangon.

"Sorry! Sorry!" Sunud-sunod na sabi nito habang panay ang yuko.

Dali-dali na ring bumangon si Sydney saka patakbo siyang umalis sa lugar iyon. Halos hindi siya mapakali sa mga sandaling iyon dahil sa tanang buhay niya ngayon lang siya nahalikan ng isang lalaki sa mismong labi pa niya. Kasalukuyan siyang nasa hardin ng mga sandaling iyon nang puntahan naman siya ng kanyang Ate Leigh.

"Hoy, Sydney! Ano 'yung sinasabi ni Cobi na accidentally daw niya akong nahalikan?" Tanong sa kanya ni Ate Leigh pero bigla itong natigilan nang mapansin nitong umiiyak siya, "Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Ate Leigh!" Tawag niya rito sabay ang pagyakap.

"Bakit ka umiiyak? Tell me, what happened?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng kapatid niya.

Nagawa na niyang ikwento sa kanyang Ate Leigh ang totoong nangyari. Noong una ay nagulat ito pero ilang saglit pa ay tawa na ang naging reaction nito.

"First kiss mo siya!" Manghang sabi pa ni Ate Leigh sa kanya.

Lalo siyang napaiyak dahil ang totoo si Yuki naman talaga ang gusto niya. Si Yuki ang gusto niyang maging first kiss niya.

"Please, ate! Huwag mong sasabihin ang totoo sa kanya! Maski ako nagulat sa nangyari! Please, ate!" Pagsusumamo niya ito.

"Your secrets are safe!" Sabi nito at umakto itong zinipper ang sarili nitong bibig, "Hayaan mo, isesekreto ko ang tungkol rito. Pero may itatanong lang ako sa'yo."

"Ano 'yun, Ate?"

"May gusto ka ba kay Cobi?" Tanong nito.

"Wala ate! Si Yuki ang gusto ko!" Pag-amin niya.

"Si Yuki? Naku, malabong magkagusto iyon sa'yo! Sa sungit ng lalaking iyon, baka tumandang binata iyon! Saka feeling ko sasaktan ka lang 'nun!" Babala nito.

Hindi na nakakibo si Sydney.

"Ikaw ba may gusto ka ba kay Cobi?" Tanong na niya rito.

"Wala noh! We're just friends! May iba akong gusto! Iyong anak na lalaki ng ka-bussiness partner ni Papa! If I'm not mistaken, Andrew ang name niya!" Tugon nito.

"I know him! Diba, umattend siya noong last birthday party mo?" Pagkompirma niya.

"Yup!" Kinilig na sabi nito, "Hayaan ah, sinabi ko na sa'yo kung sino ang crush ko. Huwag mo rin sasabihin kahit kanino, ah?"

"Yes, ate! Promise!" Nagawang itaas ni Sydney ang kanyang kanang kamay na tanda na nangangako siya sa kanyang kapatid.

Ang sekretong iyon ang pinanghawakan ni Sydney sa kanyang Ate Leigh. At pilit niyang sinasaksak sa kanyang isipan na si Yuki naman talaga ang gusto niya. Kaya nga sa sobrang pagkagusto niya rito ay nagawa pa nga niyang itong sundan sa pag-uwi.

Halos malula siya noon sa taas ng gate ng pamamahay ng mga Infantes. Ibang-iba sa bahay na kinikwento sa kanila ni Cobi.

Hindi na rin niya maiwasan ang kabahan nang mapansin niya ang mga armadong kalalakihan na nagbabantay sa gate. Kaya dali-dali siyang nagtago.

"Hindi naman siguro ako nagkakamali ng pinuntahan, diba? Pero wala namang ibang daan rito kungdi ito lang kaya imposibleng--" hindi na natapos pa ni Sydney ang kanyang sasabihin nang may malamig na bagay ang dumikit sa bandang leeg niya. Sinubukan niyang lingunin iyon pero laking-gulat niya nang makita niya ang wirdong babaeng nakasuot lagi ng itim na kapa. Kung hindi siya nagkakamali, ito si Mayo na kaklase ni Yuki sa Music Class.

Automatiko namang sumungaw ang ngiti sa kanyang mga labi nang makilala ito. Hindi niya akalain na makikita niya ang babaing ito sa lugar na ito.

"Sinusundan mo rin ba si Yuki?" Tanong niya rito.

Napakunot ang noo nito pero ilang saglit pa ay lalo nitong nilapit ang hawak nitong espada sa kanyang leeg, "Ano'ng sinabi mo? Sinusundan mo si Yuki?"

"A-Ano kasi.. pwede bang ibaba mo muna iyang espada mo!" Pakiusap niya rito, "Nakakatakot eh, baka matusok mo ako n'yan!"

Pero hindi siya pinakinggan nito. Pagkaraan ay may bigla itong kinausap sa wrist watch nito.

"May nakapasok na outsider! I repeat, may nakapasok na outsider!" Anito.

"T-Teka, sino'ng oitsider? Ako? Nagkakamali ka! Kilala kita!"

"Hindi kita kilala!" Diin nito saka may pinindot ito sa wrist watch nito dahilan para tumunog ang alarm sa buong paligid.

"Nagkakamali ka! Hindi ako outsider! Magkaschoolmate tayo! Alam kong kaklase mo si Yuki Infantes!" Sinusubukan niyang magpakilala rito, "K-Kaklase ni Cobi ang ate ko! Believe me, kilala ako ni Cobi Infantes!"

Pero kahit anong paliwanag ang gawin niya ay hindi na siya nagawang pakinggan nito. May ilan na ring mga armadong lalaki ang dumating, at sabay-sabay siyang tinutukan ng baril ng mga ito.

"M-Maniwala kayo! Kilala ako ni Cobi! Kaklase niya ang ate Leigh ko!" Patuloy niyang sabi habang kinakaladkad siya ng mga ito.

Habang papasok sila sa malawak na bakuran ng mga Infantes ay hindi maiwasan ni Sydney ang mamangha sa laki nito. Tapos may mga nakikita pa siyang mga teenager na nagja-jogging. Parang secret school ang lugar na iyon.

"Sabihin mo, sino ka?"

Isang magandang babae ang lumapit sa kanya. Maganda ito pero halatang may lungkot sa mga mata.

"Ako po si Sydney Perez, kapatid po ako ni Leigh Perez na kaklase ni Cobi!"

Napakunot ang noo ng naturang babae, "Ano'ng ginagawa mo sa lugar na ito?" Tanong nito sa kanya.

"Ang totoo po niyan..." Aktong magsasalita pa sana siya nang namataan niya si Cobi kasama ang dalawa pa nitong kapatid na sina Yuki at Jinuel, "Cobi!"

Nadinig naman iyon ng binata kaya napalingon ito. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang makita siya.

"Sydney?!"

"Do you know her?" Tanong ni Jinuel.

"What the... Akala ko natakasan ko siya!" Inis na sabi naman ni Yuki.

Halos mangislap ang mga mata ni Sydney nang makita niya si Cobi. Pero lalo siyang natuwa nang makita niya si Yuki.

💍💍💍💍💍💍💍

💍💍💍💍💍💍💍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon