💍 Chapter Fourteen 💍
"MAGANDANG ARAW PO, ako po si Camille Velasco. Kaibigan po ako ni Sydney!"
Gulat na napatingin si Sydney kay Camille nang marinig niya kung gaano ito kagalang na magpakilala sa kanyang magulang. At isa pa niyang kinagulat, sinabi nitong magkaibigan sila!
"Omo! Kaibigan mo nga ba talaga ang anak namin, Miss Camille?" Mangha at gulat na reaksyon ng Mama niya, "Hindi ko naimagine 'ni minsan na may kaibigang isang sikat na model ang anak ko!"
"Minsan na po kasing nailigtas ni Sydney ang buhay ko noong may isa akong stalker na nagbanta sa buhay ko. Kaya simula noon, si Sydney na rin po ang kinukuha kong personal Bodyguard ko kapag may mga event akong pupuntahan. At simula din po 'nun, naging matalik po kaming magkaibigan!" Magiliw na paliwanag ni Camille na parang totoong-totoo ang kinikwento nito, "Diba, Bestie?" Baling pa sa kanya nito.
"Bestie?" Gulat niya rito pero palihim lang siyang siniko nito, "Humanda ka sa akin mamaya!" Inis niyang bulong rito.
"Alam n'yo, itong sugat niya..." Nakuha pang hatakin ni Camille ang braso niya, "Galing po iyan sa pagtatanggol niya sa akin!"
"Talaga?" Manghang-manghang komento naman ng kanyang Ate Leigh.
"Sobrang tapang po talaga ni Sydney-- I mean, ni Bestie! Ilang beses na niya akong nililigtas sa panganib. Kaya naman po, noong nagpaalam siyang uuwi rito nagprisinta akong sumama para makilala ang pamilya niya! Hindi po kasi panatag ang kalooban ko kapag wala si Bestie sa tabi ko!" Dagdag pa nito.
"Kung gaanon pala..." Aktong magsasalita pa sana ang Papa niya nang magsalita ulit si Camille.
"Doon rin po ako sa kuwarto ni Sydney! Okay lang po ba?" Magalang na tanong ni Camille at nakuha pa nitong kumapit sa braso niya na siyang labis niyang kinagulat.
"W-Walang kaso iyon!" Tuwa ng Papa niya, "Mukha ngang close na close kayong dalawa."
Napilitan namang tumango ni Sydney. Gusto niyang paniwalain ang kanyang magulang na talagang close silang dalawa ni Camille. Hindi lang niya akalain na hindi lang pala magaling sa pagmomodelo ang assistant niya, pati rin pala sa pag-arte.
"Sandali, nasaan pala si Kuya Andrew?" Paglihis ni Sydney sa usapan.
"Pumasok sa trabaho niya," ang kanyang Ate Leigh ang sumagot.
"Ahhh..." Nagpatangu-tango na lang si Syndey.
"Alam kong napagod ka sa biyahe, Miss Camille!" Anang mama niya saka siya sinenyasan, "Sydney, umakyat na muna kayong dalawa kuwarto ninyo para magkapahinga ang bisita mo! Ipapatawag ko na lang kayong dalawa kapag kakain na!"
Wala na ring choice si Sydney kungdi ang sumunod sa sinabi ng kanyang Mama. Kahit gusto sana niyang sa guest room tumuloy si Camille ay talagang pinilit nitong samahan siya.
Nasa tapat na sila ng kuwarto nang sensyasan siya ni Camille, "Wait lang," anito saka na ito naunang pumasok.
Napakunot ang noo ni Sydney habang pinagmamasdan niya ang kanyang assistant na abala sa pag-check ng paligid. Ilang saglit pa ay sinenyasan na siya nitong pumasok.
"Ano'ng ginawa mo?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Chinecheck ko lang kung pati sa loob ng kuwarto mo may CCTV?" Pabulong na tugon nito saka nito sinara ang pintuan. Pagkaraan ay dumiretso ito sa bintana at sumilip roon.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...