💍 Chapter Eighteen 💍
NANG MAKUMPIRMA nilang walang mga CCTV sa guest room ay isinagawa na ni Cobi ang plano nito.
"Seryoso ka sa gagawin mo?" May pag-aalalang tanong ni Sydney sa binata. Hindi naman siya nagawang sagutin nito, pero nakita niyang may pinutol itong isang kable sa sasakyan nito para hindi umandar.
Tuluyan nang hindi gumana ang sasakyan ni Cobi.
Kaagad namang sinabi ni Syndey sa kanyang mga magulang ang nangyari kaya nagtungo ang mga ito sa garahe kasama ang mag-asawang Andrew at Leigh.
"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Andrew.
"Ayaw gumana ng sasakyan ni Cobi," si Sydney ang sumagot.
"Wait, tatawagan ko na lang po ang isa sa mga kapatid ko. Magpapasundo na lang po ako," ani Cobi at umarte siyang ida-dial ang number ng isa mga kapatid niya.
"I think, bukas na lang. Masyado nang gabi, delikado kung ba-byahe pa ang kapatid mo sa Manila papunta rito sa Nueva Icija. Dito ka na lang magpalipas ng gabi, ijo!" Mungkahi ng Mama ni Sydney.
"Nakakahiya naman po," pagtanggi pa kunwari ni Cobi.
"Naku, ngayon ka pa nahiya! Samantalang noon ka pa naman na nakikitulog rito noong magkaklase pa kayo ni Leigh," katwiran ng Ginang na siya namang totoo.
"Ma, hindi lang naman si Cobi ang natulog noon rito! May mga kasama siya noon. Saka ikakasal na sila ni Sydney, hindi magandang tignan kung dito siya matutulog ngayon!" Pagtutol ni Leigh.
"Tama po siya," segunda ni Cobi.
"Iyon na nga, ikakasal na rin naman sila Sydney kaya okay lang!" Diin ng Ginang, "Dito ka na matulog. Bukas mo na lang tawagan ang kapatid mo para sunduin ka."
"Tama ang Mama n'yo," segunda naman ni Mr. Matteo, "Mas delikado kung babyahe sila ng ganitong dis oras na ng gabi. Basta ipangako mo, Cobi. Doon ka lang sa guest room!"
"Opo," nahihiyang tumango naman si Cobi.
"Sige, matulog na kayo!" Utos ng padre de familia at minsan pa nitong tinapik ang balikat ni Cobi.
Tumalima na ang lahat.
"Miss Camille, isumbong mo sa akin kung tumakas itong si Syndey!" Bilin pa ng Mama ni Sydney kay Camille.
"Opo, Mrs. Perez!" Magalang naman tugon ni Camille.
"Mama naman!" Nahihiyang saway ni Sydney sa kanyang ina. Nagawa pa kasi nitong iparinig iyon kay Cobi.
Pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto. Patuloy pa ring nakamonitor ang dalawang dalaga laptop kung saan nakikita nila sa CCTV na kinakausap ni Andrew ang isa sa mga tauhan nito. Bakas na bakas sa mukha ng lalaki ang pagka-inis habang panay ang pagsitsit nito ng sigarilyo. Nakita pa nga nilang binatukan nito ang tauhan na kausap.
"Mukhang badtrip siya dahil dito matutulog si Boss ngayon!" natatawang komento ni Camille.
Hindi sumagot si Sydney dahil wala naman sa monitor ang atensyon niya. Kungdi kay Cobi. Alam kasi niya ang tunay na dahilan nito kaya gusto nitong matulog ngayong gabi sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
AksiSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...