💍 Chapter Fifteen 💍
HINDI ALAM NI SYDNEY kung bakit bigla niyang naramdaman ang pagkabog ng kanyang dibdib nang matanaw niya sa garahe ang papasok na sasakyan ni Cobi. Halos kahapon lang naman silang hindi nagkita pero bakit nakakaramdam siya ng pananabik na makita ito ngayon?
Para pa ngang gustong tumalon ng puso niya nang makita niyang bumababa si Cobi sa sasakyan nito. At aaminin niyang may kaguwapuhan naman talagang taglay si Cobi. At para pa ngang mas guwapo pa itong tignan sa paningin niya dahil sa suot itong black polo shirt na pinatungan na rin ng black suit. Napaka-elegante nitong tignan, at negosyanteng negosyante ang dating. Walang kabakas-bakas ng pagiging halimaw nito.
"Ang guwapo yata ngayon ni Cobi," pabulong na sita ng kanyang Ate Leigh.
"Ganyan talaga ang inlove!" Nakangiting turan naman ng Mama niya sabay ang sulyap nito kay Sydney, "Maski nga itong si Sydney, blooming!"
"Mama naman!" saway ni Sydney.
Tulad ng dati, mag-isa lang na dumating si Cobi. Hindi nito kasama ang dalawang assistant agent nitong sila Harley at Ian. Pero alam naman niyang nakamasid lang ang mga ito sa tabi-tabi.
"I'm glad you came, ijo!" Tuwang salubong ng kanyang Papa kay Cobi.
"Syempre naman po, hindi ko matatanggihan ang mga future biyenan ko!" Magalang na tugon ni Cobi, at nagawa nitong magmano sa mga magulang ni Sydney.
"I'm so happy to see you again, my Bestfriend!" Tuwang salubong na rin ni Ate Leigh sa binata at bumeso pa ito sa isa't isa.
"It's nice to see you again, Bro!" Segunda naman ni Kuya Andrew, at nakuha pa nito makipagshakehands.
"Yah, it's nice to see you again!" Malaman na turan naman ni Cobi. Mariin lang nitong makipagtitigan kay Andrew.
Sa paningin ng iba ay normal lang ang titigan na iyon ng dalawang lalaki, pero hindi kay Sydney. Alam niyang may ibig sabihin ng mga tingin na binabato ng dalawa.
"Cobi..." Nagawa nang lapitan ni Sydney ang binata, at nagawa niyang hawakan ang kamay nito. Ginawa niya ang bagay na iyon para malihis ang tingin sa kanya ng binata. Kung nakakamatay lang kasi ang titignan ng mga ito sa isa't isa, baka isa sa mga ito na humandusay na sa sahig.
"Buti nakarating ka. Nagulat na lang ako ng sabihin ni Mama na inimbitahan ka niya!" Paglilihis niya sa usapan, "Sana nag-effort na rin pala akong magluto!"
"Gusto rin kasi kitang supresahin!" Nakangiting turan naman ni Cobi.
"Hay, napakagandang pagmasdan!" Tuwang reaction ng padre de familia, "Iba pala ang pakiramdam kapag nakikita mong kompleto ang pamilya mo!"
"Tama ka," pagsang-ayon ng kanyang Mama, "Baka hindi magtagal, baka magka-apo na rin tayo!"
"Oo, tama ka!" Tumangu-tango Mr. Matteo.
"O, tara na! Nakaready na ang hapunan natin!" Aya na ng Mrs. Helen saka ito nagpalinga-linga sa paligid, "Oo nga pala, Sydney! Nasaan si Miss Camille?"
"Medyo sumama kasi ang pakiramdam niya kaya natutulog siya ngayon sa kuwarto. Humihingi nga po siya ng pasensya dahil hindi siya makakasabay sa hapunan. Pero huwag po kayong mag-alala, nagpahatid na po ako ng pagkain niya kay Yaya Mila," mahabang paliwanag ni Sydney habang patungo na sila sa kanilang dining area.
Totoong pinahatid na niya ng pagkain kay Yaya Mila si Camille. Pero hindi naman talaga masama ang pakiramdam nito. Sa katunayan, palihim din itong nagmamatyag sa kanila sa pamamagitan ng mga CCTV.
Pagkaupo ni Sydney sa hapagkain ay pasimple niyang pinadalhan ng text message si Cobi.
"Mag-iingat ka sa mga kilos at sasabihin mo. Hindi lang si Camille ang nagbabantay sa atin ngayon."
Nang matapos niyang maipadala ang text message na iyon ay nakita niyang dinampot ni Cobi ang cellphone nito sa loob ng suit nito. Nabasa na nito ang text message niya dahil nakita niya ang pagkakakunot ng noo nito.
Pagkaraan ay tinago na nito ang cellphone, "Pasensya na po, may nagtext lang pong kliyente!" Paliwanag nito dahil napatingin rito ang kanyang Papa.
Pero nang mapatingin si Sydney sa kanyang Ate Leigh, napansin na naman niya ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya, "Bakit?" Tanong niya.
"Nothing..." Nakangiting umiling naman ito pero muli itong natigilan dahil nakita nitong hinawakan ni Cobi ang kamay ni Sydney.
Ibang-iba si Cobi ng gabing iyon. Para talagang pinapakita nito sa kanyang magulang na talagang gustong-gusto siya nito. Maski nga sa pagsasandok ng pagkain para sa kanya, ito ang gumagawa.
"Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nagtatakang bulong niya rito, "Hindi mo naman kailangan--"
"Dahil ito ang gusto ko! Minsan na nga lang tayo magkita, tapos ganyan ka pa!" Katwiran ni Cobi.
"Luh!" Gulat niya.
"Kaylan pa kayong naging close sa isa't isa?" Biglang sita ni Ate Leigh sa kanya, "Ang natatandaan ko, para kayong aso't pusa kung mag-bangayan!"
"Sa totoo lang hanggang ngayon pa rin naman ganoon kami," tugon ni Cobi, "Ang pagiging mataray, at pagiging palabanan ni Sdyney ang talagang nagustuhan ko sa kanya."
"Naku, nakakatuwang marinig iyan, ijo!" Kinikilig na turan ng kanyang Mama.
"So, tuloy na tuloy ang kasal ninyong dalawa?" Si Andrew naman ang nagtanong.
"Yup," tumango si Cobi, "Pinag-iisipan pa nga namin kung pwede na rin sa next week na gawin!"
Para namang nasamid si Sydney nang marinig niya ang sinabing iyon ni Cobi.
"Diba ang usapan, sa next year pa?" Gulat ni Leigh.
"Oo nga, ijo..." Segunda ni Mrs Helen, "...Diba ang sabi, malas ang sukop na kasal?"
"Hindi po ako naniniwala sa pamahiin, Ma. Mas malas kong maituturing ang unti-unti pagkalubog ng negosyo ko." Malaman na sabi ni Cobi sabay sulyap nito sa padre de familia, "Kaya hanggang may alam akong paraan para maisalba sa pagkalugi nito, gagawin ko."
Hindi na kumibo ang lahat.
"Meaning alam mo na ang tungkol sa pagkalugi ng kompanya?" Tanong ni Ate Leigh kay Sydney.
Tumango siya.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?" Tanong pa rin ng kanyang Ate Leigh.
"Sinabi sa akin ni Cobi ang totoo," tugon niya.
"At papayag ka sa kasunduan?" Tanong ni Ate Leigh.
"Tulad ng dahilan mo kaya pumayag ako," malaman din niyang tugon sa kanyang Ate Leigh.
Hindi na kumibo si Ate Leigh niya. Pero napansin ni Sydney ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kutsara. Hindi niya alam pero bakit pakiramdam niya parang hindi nagugustuhan ng kanyang Ate Leigh ang naging desisyon niya. Akala ba niya, okay lang rito dahil naging kasabwat ito ng kanilang magulang at ni Cobi sa nangyaring marriage proposal noong mismong kasal nito?
💍💍💍💍💍💍💍
AUTHOR'S NOTE:Thank you po, Araefoiho sa pagvote ng CodeName: Snow White ko.. sana nagustuhan po ninyo. 😘 Happy reading!!!
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
AçãoSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...