💍 Chapter One 💍
GAMIT ANG BINOCULAR, sinipat ni Cobi ang malawak na kalsada ng Los Angeles City. Nakita niya sa kanyang kinaroroonan ang pagpasok ng isang puting lumusine sa bakuran ng hotel na kinaroroonan niya.
Mula sa kanyang kinaroroonan ay nakita niya ang pagbaba ng target niya. Si William Bautista, isang businessman na nagbebenta ng mga mamahaling alahas.
"Finally, I found you!" Napangisi siya. Pagkaraan ay hinanda na niya ang kanyang sarili. Sinuot na niya ang kanyang facemask.
Gamit ang wimp wire, dahan-dahan siyang bumaba sa bawat palapag ng gusali. Wala siyang pakealam kung galing siya ng twentieth floor at nasa third floor naman ang target niya. Hindi rin hadlang ang lakas ng hangin ngayon para malula sa taas ng gusali. Kalmado at ligtas niyang narating pa rin ang kuwarto ng kanyang target.
Sa bintana siya dumaan.
Pagkaraan ay nilibot ng paningin niya ang buong paligid.
Tahimik.
Pero napansin niya ang ilang mamahaling bag na nasa sulok. At ilang saglit pa ay nakarinig siya ng mga konting kaluskos sa bandang banyo.
Dahan-dahan siyang nagtago. Nasilip niya na abala si William sa pag-iimpake. Para pa ngang nagmamadali ito.
Nang lumabas na ito ng banyo ay saka na umarko ang braso ni Cobi bilang pag-atake rito. At dahil sa kanyang ginawa, bumagsak ang lalaki sa sahig. Nahulog ang ilang gamit na bitbit nito. At dali-dali niya itong kiniwelyuhan.
"Where's the stone?" Tanong niya rito.
"What's stone are you talking about?" Padeny pa nitong tanong rin sa kanya.
"You know what I'm talking about! Where's the stone?" Hindi na nakapagpigil pa si Cobi, nagawa na niya itong bigyan ng suntok. Hindi lang isa, kungdi maraming beses pa!
"There!" Nanghihinang turo na nito na isang bag na itim na nasa ibabaw ng kama.
Dahil sa sinabi nito ay dali-dali na niya itong binitawan. Nagawa na rin niyang puntahan ang kama nito kung saan naroroon ang itim na bag. Pagkaraan ay hinalungkat niya ang laman nito. Pero habang abala siya kanyang ginawa ay bigla siya nitong sinugod ng hawak nitong katana.
Mabilis naman niya iyong naiwasan gamit ang bag na hawak niya. At doon nahulog ang ilang sachet na mga pinagbabawal na gamot. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita. Pero mabilis siyang dumampot ng bagay na ipangsasangga sa bawat paghataw ng sandata nito. Pati ang silya roon ay ginawa na niyang ipangdepensa.
Nasa kalagitnaan sila ng laban ng tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw lang ng lamesa.
Nagkatinginan pa silang dalawa ni William.
Pero sadyang mas mabilis si Cobi kaya siya ang unang nakadampot nito. Napagulong pa siya sa sahig nang tangkain nitong atakihin siya ng katana.
Mabilis na pinindot ni Cobi ang green button roon. Pagkaraan ay ang loud speaker!
"Boss nasa akin na ang mga purple stone!"
Napakunot ang noo ni Cobi sa kanyang narinig.
"Surprise!" Nakangising sabi ni William at umarko ang mga kamay nito. Handa na siya na nitong atakin. Pero mas inunahan niya ito. Mabilis niyang dinukot ang kanyang karambit knife, at mabilis din niyang ginilitan ang leeg nito.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Happy (Book 4)
ActionSi Cobi ang maituturing pinakamasayahing kapatid ni Lyra kaya naman binansagan siya ni Agustin sa Codename na Happy, hango sa pangalan ng isa sa mga Seven Dwarf ni Snow White. Masayahin. Maunawin. Pero taliwas ang codename nito sa tunay na kulay...