"But you do believe that, right?" sabi niya sa 'kin ulit.
"I guess." sabi ko sa kanya. "I don't believe too much in accidents. I'd rather believe in destiny." dagdag ko.
"Finally. Some validation!" sabi niya kaya natawa kaming dalawa.
Nagdrive lang siya papunta dun sa parking and it took us a while para makahanap ng slot. When we finally found one, maingat siyang nagpark and inantay ko lang na huminto siya bago ko alisin yung seatbelt ko. Bumaba na rin agad ako and kinuha ko na yung mga gamit ko.
"Oh, do you need help with your stuff?" sabi ko sa kanya as we got down from the car habang nilalabas niya yung mga damit niya.
"Parang ikaw pa nga may kailangan ng tulong eh." sabi niya sa 'kin habang natatawa siya tapos tinuro niya yung mga kamay kong occupied nung kape na binili ko and the camera bag loosely dangling from my shoulders.
"I can manage." sabi ko sa kanya as we boarded the elevator.
When we got off on the same floor, somehow, na-confirm na naming dalawa na we are headed towards the same photoshoot. Swerte na nga lang din talaga.
Pinagbukas niya ako ng pinto and we went inside. Wala pang tao dun sa studio bukod kela Jhoanna na nagmamadaling sinalubong kaming dalawa.
"Ate Aiah!" sabi ni Jho. "Oh my gosh. I was worried sick."
"Jho, ang OA."
"Totoo naman! Buti naayos na kotse mo?" sabi niya.
"Actually hindi pa. Pero swerte lang din na papunta dito si..." I stopped midsentence cause I realized na hindi ko nakuha yung pangalan niya.
"Colet." sabi niya tapos kumaway lang din siya kay Jho.
"Wait, ikaw yung drummer ng Red Convention di ba?" sabi ni Jho.
"Uh, yes. Pero hindi na yun yung name namin since more of pop na yung pineperform namin. Yung group name na namin is Lakanbini."
"Sorry, lakanbini? Hindi ba lakambini?"
"Tama yung lakanbini with an n. Kasi di ba yung lakambini, muse. Tapos yung lakan, parang chief ganyan. So lakanbini, kasi ibig sabihin , babaeng pinuno. Just a small play on words." paliwanag ni Colet.
Natawa ako kasi parang sobrang mindblown si Tintin kaya nakatingin lang siya kay Colet.
"Buti pala nagkita kayong dalawa." sabi ni Jho tapos tinuro niya ako.
"Funny nga eh, nalaman na lang namin na pareho pala kami ng pupuntahan ni..." sabi ni Colet and she stopped too.
"Aiah." sagot ko sa kanya.
"Ni Aiah when we're literally in front of the building." sabi ni Colet.
"Nice. Anyway, uhm, sige, siguro let me help you with some of your things na lang. Then antayin lang natin groupmates mo." sabi ni Jho.
"Sure."
Ngumiti lang si Jho and tinulungan na niya si Colet dun sa mga dala niyang gamit.
We both left Colet sitting in the corner habang inaantay niya yung groupmates niya samantalang tinulungan ko naman sila Jho na magset-up na.
"So, how'd you meet her?" sabi ni Jho as she was smiling at me. Yung mga ngiting ganyan ni Jho, alam ko na may naiisip na naman siyang kalokohan.
"Relax. She just offered to help. Eh tumawag siya ng friend niya na mechanic kaso mamayang gabi pa daw, so she offered to drive me instead."
"Sus. Mga galawan mo Q ah. I told you itatawag kita ng mechanic ayaw mo. Yun pala naman —" sabi ni Jho.
"Hoy. It's not like that. Nahihiya nga akong sumabay sa kanya eh. But I just didn't want you to worry about me anymore. Alam ko naman na busy ka for this shoot." sabi ko sa kanya.
Tiningnan ako ni Jho at alam kong hindi pa rin siya convinced kaya tinulungan ko na lang din siyang mag-ayos nung mga gagamitin namin. Maya maya naramdaman ko na may tao sa likod ko at nakita kong andun si Colet.
"Can I help?" sabi niya tapos tiningnan ako ni Jho.
"Hindi na. Baka pawisan ka." sabi ko sa kanya. Okay, that was poorly worded. Nakita ko naman na natatawa si Jho dun sa gilid.
"I mean..."
"Don't worry, gets ko naman." sabi ni Colet tapos ngumiti siya. "Mahilig din ako sa photography eh. Nasabi ko ba?" sabi niya tapos kinuha niya yung phone niya and pinakita niya yung sample shots niya. In fairness naman talaga, magaling nga rin siya magpicture. Tinawag ko si Jho para makita rin niya.
We were browsing Colet's photos and sharing to her some of the shots we have done before, nung bumukas yung pinto and we all turned around instinctively.
And the moment I turned around to see kung sino yung nandun, biglang nagtama yung mata namin.