8

9.1K 255 26
                                    

When we were reviewing the shots nung nagbreak kami for a while, narealize ko na karamihan pala ng shot ko puro si Mikha. Feeling ko namula ako, lalo na when Jhoanna leaned over and checked my cam.

"Akala ko yung naka-white yung type. Di pala." bulong niya sa 'kin.

"Huy hindi. Naparami lang yung shots. Akala ko kasi blurred yung iba." lusot ko. "Pati may picture naman din ako ni Stacey at nung katabi niya."

"Si Gwen. Gwen pangalan niya. Pati hindi ba kita kaibigan? Ako pa ba uutuin mo ha Marquee?"

I rolled my eyes.

"Patingin nga ng mga shots mo." sabi ni Jho tapos kinuha niya yung camera ko. She was looking at it one-by-one tapos habang tinitingnan niya, ngumingiti siya.

"Akin na nga yang camera ko." sabi ko sa kanya sabay kinuha ko na from Jho after niyang i-check.

Paglingon namin nagulat pa ako na nasa likod ko pala si Mikha. She was smiling from ear-to-ear and I realized how stunningly beautiful she is with her eyeliner and her changed outfit. In fairness naman sa kanya, magaling siyang magdala ng damit.

"Pwede ko bang silipin yung shots?" sabi niya sa 'min.

"Sure." sabi ni Jho. "Check mo yang camera ni Ate Aiah. Marami-rami kang shots dyan." sabi ni Jho sabay umalis na siya sa tabi ko. I glared at her pero she just responded with a smile.

"So..." sabi ni Mikha.

"Anong so?" sabi ko sa kanya.

"May I?" sabi niya tapos tinuro niya yung camera ko.

Oo nga pala.

I gave her the cam and she looked at the shots. Hindi ko alam kung anong explanation ang ibibigay ko sa kanya kung bakit ang dami niyang pictures sa 'kin at halos puro siya yung kinuhanan ko. I mean, I don't even have an explanation for myself.

"Medyo marami nga akong shots dito ah." pang-aasar niya.  "Pwede bang..." sabi ni Mikha as she flicked through the photos.

"Pwede bang ano?" sabi ko sa kanya.

"May I have this picture?" sabi niya. I nodded.

"Sige. I can send it. I-note ko na lang para masama sa isesend sa inyo ni Jho."

"Pwede rin bang..." sabi niya.

"Ano?"

"Jho!" sabi ni Mikha bigla kaya napatingin din ako kay Jho. Bigla naman ding lumingon si Jho sa 'min. We were both waiting on her to speak again. Ano na namang pinag-iisipan nito?

Bigla siyang tumabi sa 'kin tapos ngumiti lang siya.

"Pwede mo ba kaming picturan?"

Hello StrangerWhere stories live. Discover now