31

8.5K 197 18
                                    

The girls are still staring at me until finally, nagsalita na si Maloi.

"Jusko Maraiah Queen, apakaganda mo." sabi ni Maloi.

"Thanks! Ginalingan kasi ni Gwenny eh. Inayusan niya ako." sabi ko sa kanya.

"Hala beh, ang galing mo pala sa ganyan." sabi ni Maloi kay Gwen habang umuupo kami sa naiwang vacant chairs.

"Ay oo, Ate Maloi, talent talaga ni bebe yan." sabi ni Shee.

"Thank you, thank you." sabi ni Gwen tapos nag-bow siya. Cute. "Pero maganda naman kasi talaga 'tong si Ate Aiah. Kahit di na nga ayusan."

"I think, sobrang galing mo Gwen kasi tingnan mo itsura ng mga katabi ko, parang di pa rin nakakarecover." pang-aasar ni Maloi sabay tinuro niya si Colet, Mikha, at Jho.

"Ang ganda nga ni Ate Aiah. Nastarstruck ako." sabi ni Jho.

"Alam mo yan si Jho, nagfifish lang yan. Maganda ka rin naman Jho." sagot ko sa kanya.

We both sat down at nasa tapat ko si Mikha. Mikha was still intently staring at me, kaya tiningnan ko rin siya. Gusto mo makipagtitigan ah, sige. Mikha raised her eyebrows.

"Stranger, don't look at me like that." sabi ni Miks.

"What do you mean like this?"

"That. That." sabi niya sa 'kin. I raised my eyebrows.

"I don't get you."

"Just... ugh. Ate Colet! Can you tell Ate Aiah to please stop giving me that look?"

"Dinamay mo pa ako dyan." sabi ni Colet. "Aiah, wag ka raw masyadong maganda."

Namula si Miks kaya natawa ako.

"Masyado ka raw kasing maganda, di kinakaya nitong si Mikha."

"Is that what you wanted to say?" I teased.

"It's not... no... I... no." sabi ni Mikha.

"There it is again. Stranger, stop." sabi niya. "You're making me want you." she said under her breath.

"What?"

"Stop looking at me, please." sabi niya. I chuckled. Para siyang bata tapos tumungo na siya at nag-focus na lang sa pagkain niya.

Kumain lang kaming girls and then we decided to change into our swimming attires. Nag-try lang din kami ng iba-ibang water activities. We tried yung Banana Boat, yung UFO, tapos ang fun kasi meron silang water hoverboard.

Agad namang nagvolunteer si Mikha at si Maloi na magtry sila. Habang nag-aantay sila, nakahiga naman si Jho sa tubig at pinatong niya yung legs niya sa balikat ko. Hawak-hawak ko lang din siya kasi baka bigla siyang mahulog.

"Grabe tingin sa'yo kanina nung dalawa ah." sabi ni Jho.

"Ikaw din naman, grabe ka rin naman makatingin sa 'kin."

"Naa-amaze pa rin kasi ako sa ganda mo. Parang di ka totoong tao."

"Oo na Jho, maganda ka rin naman." sabi ko sa kanya kaya natawa siya.

"Huy, hindi ako fishing lang. Alam mo naman na dati pa kita kino-compliment." sabi ni Jho.

Maya maya tinawag ni Maloi si Jho na magtry dun sa hoverboard kaya bumitaw na ako sa kanya. And since ayoko na rin namang mag-swimming pa, I just sat by the shore at pinanuod ko na lang yung girls.

Dumating naman si Staku na may dalang chips pati juice. She also sat down beside me and pinanuod din namin sila Maloi.

"Ate Aiah, for you." sabi niya tapos inabot niya sa 'kin yung isang juice na dala niya.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now