Hindi ko alam kung anong klaseng vitamins o guardian angel ang meron si Mikha, pero fortunately hindi ko naman siya nahawa. When I was finally cleared by the doctors, bumalik na rin si Mikha sa bahay nila since she wanted to spend time with her family before her taping and training.
Ako naman, since sobrang busy ko, araw-araw din yung overtime ko sa work sabay ng mall shows kasama yung Lakanbini girls. Of course everyone is always looking for Mikha, pero naging transparent naman yung management na meron siyang mga ibang engagements and the fans seem to understand.
May poster na rin yung volleyball game nila and I don't know why Mikha in a volleyball uniform hits different. What's also impressive is the fact that she seems to be a crowd favorite. Andami na agad comments on how she would take home medals again.
Tonight, overtime na naman ako, pero bago pa ako makaalis ng office, nagulat ako kasi sabi nung receptionist may delivery daw para sa 'kin. When I checked, meron ngang delivery rider na may dalang bouquet.
"Ms. Arceta po?" he asked.
"Opo, ako nga po."
"May nagpapabigay po sa inyo."
"Huh? Sino raw?"
"Mikha Lim daw po."
Kinuha ko lang kay Kuya yung bulaklak and I checked if meron bang card or anything, pero wala namang nakalagay. I decided to message Mikha to ask if sa kanya ba talaga galing.
Mikha Lim 😤😤 •
• ??
Someone sent me flowers and the driver said it's from you. •
• Uh... yes.
Wait, it's true? •
• Of course? Why would you assume he is lying?
Why tho? •
• 🤷🏻♂️The flowers from Ate Colet is probably dead right now. It needs replacement.
Sayang lang pera bai. And it's not yet dead. I took care of those. •
• All the more reason to believe that it's dead. 🤔
Ang kapal ng mukha. 😡 •
But thank you though. They're pretty. 🥺 •• Just like you.
*BLOCKED* •
😂😂 •• I almost thought you blocked me.
• Anyway Ate Stranger. Take care. See you soon.
• 🤙🏻🤟🏻
• Oh. I miss you.I smiled to myself. Nakakamiss din naman talaga si Mikha. Nakayuko ako nung biglang may nagsalita.
"Ngiting-ngiti."
Napalingon ako tapos nakita ko si Gwen na andun sa may lobby.
"Huy Gwenny! Andito ka!" sabi ko sa kanya.
"Nasa area kasi ako, kaya naisip kong dumaan dito. Nagdinner ka na ba? Kain tayo!" sabi niya.
"Sure. Sige."
"Teka."
"Ano?"
"Kanino galing yan?" sabi ni Gwen sabay tinuro niya yung bulaklak.
"Wala."
"Anong wala? Binili mo for yourself?" sabi niya. I laughed.
"Sira. Galing kay Mikha."
"Iba na yan ah." sabi ni Gwen.
"Huy, kasi nakita niya yung flowers na binigay ni Colet last time. Sabi niya para mapalitan daw."
"Flower girls naman pala ang mga ate ko." sabi ni Gwen kaya natawa ako. "Sorry, wala akong pa-flowers."
"Boang!" sabi ko sa kanya. "Saan mo gusto kumain?"
"Kahit saan, di ako familiar dito eh." sabi niya.
Inaya ko lang si Gwenny maglakad-lakad. Of course there are occasional stops kasi may mga nagpapapicture sa 'ming dalawa.
We just went inside the resto and pinili namin yung wala masyadong tao at yung medyo corner area para hindi kami maistorbo. When our order finally arrived, kumain na rin kaming dalawa. Maya-maya nagulat ako kasi tumatawa si Gwen.
"O bakit?"
"I just realized na we're walking together tapos may dala ka pang flowers. Baka mamaya may GwenAiah stans na." sabi niya. "Lagot ako."
"Kay Shee?"
"Sira. Alam naman ni bebe na sa kanya lang ako. Char. Kay Mikha syempre. Ang kay Mikha ay kay Mikha."
"Alam niyo kayo, ang lakas ng trip niyo. Malapit na akong maniwala." sabi ko sa kanya. She chuckled. "At hindi pa ako kay Mikha kaya tigilan niyo yan."
"HUY." sabi niya tapos ngiting-ngiti siya.
"Ano na naman?" sabi ko sa kanya.
"You just said na hindi pa."
"Hindi naman nga."
"Hindi, hindi. Hindi, PA." sabi niya.
"Mali ka lang ng dinig." sabi ko sa kanya. She chuckled.
"Sige nga, roll VTR."
Natawa naman tuloy ako.
"Alam mo, ang lakas kasi talaga ng chemistry niyong dalawa. Tipong magtabi lang kayo, magkakagulo talaga buong Pilipinas eh."
"Ang OA." sabi ko sa kanya. She chuckled.
"Walang joke ate Aiah. Bagay kayo." sabi niya.
"Onga pala, ate Aiah, sama ka ba bukas?"
"Huh? Anong meron bukas?"
"Seryoso ka ba?" sabi ni Gwenny tapos natigilan siya. I nodded. Inalala ko tuloy kung may napagusapan ba kaming lakad, or kung may nakaschedule ba kaming anything.
Sobrang dami ko kasing meeting bukas na hindi ko na masundan kung ano pang ibang engagements ko outside of work. Inalala ko tuloy kung may photoshoot ba kami ni Jho, or kung may mall show ba kami.
"Hala. Birthday bukas ni Mikha."
Napa-facepalm ako. Bakit ba lagi na lang akong nasusurprise sa birthday nitong mga 'to.
"Hala, eh wala pa akong gift sa kanya."
"Okay lang yan. We're planning to surprise her sa taping niya bukas. Sama ka na!"
"Naku Gwenny, gusto ko talaga. I swear. Kaya lang, andami kong client meeting tomorrow."
"Baka kaya pang i-resched?"
"I will try. I'll update you girls tomorrow."
"O sige. Magdrive daw si Ate Colet eh. Siya lang nakakaalam saan si Miks eh."
"Sige."
"Let us know ah." sabi niya. I nodded.
Paano ba 'to?