Game day na finally ni Mikha at magkakasama kaming girls sa sinabi sa 'ming holding area.
"BAKIT BA AYAW NIYO PA KAMING PALABASIN DUN?!" reklamo ni Colet. "PUMUNTA KAMI DITO PARA KAY MIKS!"
"Oo nga. Hinahanap na kami ni babi!" sabi ni Staku.
Kanina pa kami andito sa holding area dahil ayaw kaming palabasin para sana mapanuod si Mikha. Kanina pa umiinit ang ulo ni Colet dahil nakailang pakiusap na siya na palabasin kami.
"Hindi naman kami part ng Lakanbini, bakit pati kami ayaw niyong palabasin?" reklamo ko.
"Hindi man kayo officially launched as Lakanbini, but you've been in some of their videos and performances. May mga fanbases din kayo being linked to the members, kaya hindi rin pwedeng pabayaan kayo. I'm pretty sure Mikha would also care about your safety."
"Yes pero --"
"Girls, unsafe kung lalabas kayo dun. Masyadong open, wala pa yung security niyo -- and yes, all of you are celebrities too. Baka nakakalimutan niyo lang din. Mikha won't be happy if something happens."
"Piskit! Mas kailangan kami ni Mikha! Hindi naman kami kukuyugin dyan!"
"Ate Jovy, tulungan mo kami please!" sabi ni Gwen habang tumitingin siya sa assistant manager nila.
"Baka naman pwedeng lumabas na sila? Malamang hinahanap na rin sila." sabi ni Ate Jovy pero ayaw pa rin kaming palabasin ng management.
Nakikita ko na umiinit na rin ulo ni Maloi. Kahit nga si Shee at si Jho, kanina pa gustong makipag-away.
I sat down in frustration. Nakakainis. We should be outside supporting Mikha. Sobrang excited niya pa naman for this game tapos hindi man lang namin siya mapanuod.
"Girls." sabi ulit ng isa sa handlers nila. "You can watch Mikha sa livestream. That is safer."
I turned on yung live stream para mapanuod si Mikha and yung unang nakita namin is lamang yung kalaban nila. Mikha looked like a lost puppy na kanina pa tingin ng tingin sa crowd. She must be looking for us.
"Kawawa naman si babi. Kanina pa tayo hinahanap." sabi ni Staku.
Parang uusok na si Colet any time kaya kinakapitan siya ni Maloi.
We cheered nung nag-dig si Mikha. Grabe ang galing din niya. I feel like I am becoming more frustrated dahil hindi man lang namin siya macheer ng malakas. We heard the crowd cheer again. They were now chanting her name.
Nung hindi pa tumitira yung kalaban nila Mikha, nakuhanan ulit siya ng camera.
"Yung girls? Yung girls?" she mouthed. We all saw her pout.
Hindi ko alam kung sinong kausap niya, but I felt my heart break when I saw the sadness on her face.
"Wala?" she mouthed again. Then she turned around para magready na sa game. Halata sa mukha ni Miks yung disappointment.
I think someone called her name and lumingon siya ulit.
"Saan sila?" she mouthed again. This time she was met again with a disappointing reply.
Antayin mo kami Miks. Andito kami.
As we watched her, mas tumataas din yung frustration namin. Feeling ko sasabog na yung dibdib ko sa inis ko.
I stood up and mukhang nagets din ng girls yung gusto kong mangyari.
"Let Direk Dan know na lalabas kami." sabi ko sa kanila.
"Hindi nga --"
"EITHER LALABAS KAMING TAHIMIK OR LALABAS KAMI DITO NA NAGKAKAGULO TAYONG LAHAT!" sabi ni Maloi.