After ng birthday ni Mikha, ilang linggo na rin kami ulit na hindi nagkita. Kahit sa mga social media niya, wala siyang kahit anong update. Though minsan nakikita ko na she watches yung livestreams nila Loi.
Everyday, she would message me naman. Just a good morning message pero wala na siyang reply after I would reply back to her. Siguro sobrang busy niya lang din talaga. Nakakatawa lang kasi walang ibang laman yung message namin kundi, Good morning Ate Stranger 🤟🏻 tapos ang reply ko lang din ay Good morning Mikha Lim.
For several days puro yun lang yung message namin sa isa't isa. Hindi ko na rin naman siya namemessage kasi sobrang busy ko rin. Andami rin kasing bagong clients na pumasok kaya sobrang busy ko with different shoots.
"Q!" sigaw ni Maloi dun sa office.
"Huy apakaingay." sabi ko sa kanya habang papalapit ako.
Bumeso lang ako sa kanya sabay hinila ko siya papasok sa isa sa mga meeting room.
"Parang dapat papalitan ko na security namin. Grabe kung makapasok kayo dito sa office eh."
"Grabe siya o. Busy ka tonight?"
"Bakit? Anong meron?"
"Labas naman tayo. May pupuntahan kaming bar ni Col. Sama ka na!" sabi niya.
"Ang hilig niyong gawin akong third wheel ah." sabi ko sa kanya. She laughed.
"Sira, hindi lang kaming dalawa. Hahabol daw sila Gwenny."
"Anong meron?"
"Wala, girls night out lang." sabi ni Loi. "Namiss ka lang namin. Pwede na ba yun?"
"Okay sige. Let me know kung saan, magdrive na lang ako papunta dun."
"O sige. Dadaanan ko pa rin si Nicolette eh. Bye bye. See you later." sabi naman agad ni Maloi sabay bumeso lang siya at umalis na.
Tinapos ko lang lahat nung kailangan kong isubmit kinabukasan dahil siguradong hindi ko na yun mahaharap. I was about to leave the office nung tumunog yung phone ko.
• I hope you had your dinner already Ate Stranger.
Bago pa ako makareply, tumawag naman si Maloi at hinahanap na ako kaya nagmamadali na rin akong umalis ng office. When I got to the bar, hinanap ko agad sila Maloi at mabilis ko naman silang nakita ni Colet.
"Uy eto na pala si Ate Aiah eh. Go na Col, order ka pang drinks."
"Huy grabe, andami na nga nito." sabi ko sa kanya habang tinuturo ko yung nasa mesa.
"Okay lang yan." sabi ni Colet.
Bago pa ako makasagot ulit kay Colet, narinig ko na tumunog ulit yung phone ko. When I checked, nakita ko na may message ulit si Mikha.
• How was your day today?
Nagulat pa ako kasi inagaw ni Maloi yung phone ko.
"No phones. Sa 'kin lang muna ang attention." sabi niya. I chuckled. Mukhang kanina pa sila umiinom.
"Lasing ka ba?" I asked.
"No ah. I'm okay pa. O, cheers. It's just that, tonight's our night, wala munang distraction." sabi ni Maloi tapos inabot niya sa 'min ni Colet yung baso.
"Cheers!" sabi namin then we clinked our glasses.
Pag-inom ko, halos gumuhit agad sa lalamunan ko at parang nahilo na agad ako. Grabe naman 'tong iniinom nila na 'to. Parang ang lakas ng tama.
"Kumusta na nimukha?" tanong ni Colet.
"Ha?" tanong ko. Lumapit si Colet at halos dumikit na yung bibig niya sa tenga ko. Sobrang ingay naman din kasi dito sa bar.
"Kumusta na kayo ni Mikha?"
"Okay ako, okay siguro siya." sagot ko. Natawa si Colet.
"Grabe bai, dati ka bang artista? Sobrang pang-artista yung sagot mo eh." sagot niya.
"Wag na natin pag-usapan yung wala dito. Magagalit si Lucky." sabi ko. Natawa si Colet.
"Uy! Ayan na pala sila Gwenny eh!" sabi ni Maloi.
Napatingin kaming tatlo at dumating na nga si Gwenny at Shee. Kinawayan lang namin sila at lumapit na sila papunta sa 'min.
"O, asan pala si Jho at si Staku?" tanong ni Shee.
"May run si Jho ngayon." sabi ni Colet. "Ngayon ata nanuod si Staku sa kanya."
"Susunod ba sila?"
"Hindi ko alam. Pero sinabihan namin sila na sumunod."
Umorder pa ng drinks si Maloi tapos umorder naman ng pagkain sila Gwen. Hindi pa nga pala ako kumakain ng kahit ano. We were several shots in, at mas nararamdaman ko na lalo yung hilo. Umiinit na rin yung pakiramdam ko.
Maya maya, hinawakan ako ni Sheena at hinila para sumayaw sa gitna. And maybe it's the shots, pero sumama ako sa kanya at nakisayaw. It wasn't long until sinamahan na rin kami nila Maloi. Kahit nga si Gwen, nakisayaw na rin.
Nung natapos kaming sumayaw, sobrang pawis na pawis na ako. At ang mas masama pa nun, mas nahilo lang ako dahil sa kalikutan ko.
"Uy Ate Aiah, sabi pala ni Mikha wag ka raw mawawala dun sa volleyball match niya ah. Baka sobrang busy mo na naman sa work." sabi ni Shee.
"Ay hindi. Pupunta talaga ako dun." sabi ko sa kanya.
Naramdaman ko naman na yumakap sa bewang ko si Maloi. She placed her chin on my shoulder.
"Hindi pwedeng wala si Ate Aiah, baka umiyak ang babi." sabi ni Lucky.
"O ayan na naman kayo. Nakay Mikha Lim na naman tayo."
"Syempre, Mekaya ako." sabi ni Loi.
"Eyy." sabi ni Gwen.
"Pero ito, honest question, Ate Aiah, kung liligawan ka ni Miks, sasagutin mo siya?" tanong ni Shee.
"Siguro?"
"Hindi mo ba talaga siya gusto?" tanong ni Gwen.
Napatigil naman silang lahat sa pag-inom at tumingin silang apat sa 'kin. Parang mas lalong uminit, at mas lalo akong nahilo. I took the last bottle on our table tapos dinerecho ko ng inom. Okay. Wrong move. I placed it down on the table again then I wiped my mouth with the back of my hand.
"Bakit? Sino ba may sabing hindi ko siya gusto?"