33

8.9K 205 89
                                    

"Alam mo, you're breadcrumbing me." sabi ko sa kanya and she laughed.

"Why? Are you falling for me?" tanong niya tapos ngiting-ngiti siya.

"Honest answer?"

"Of course."

"No."

She pouted.

"Uy, umasa siya." I teased.

"Hindi ah." sabi niya.

"Akala ko ba I'm making you want me?" sabi ko sa kanya. Mikha turned red.

"Cause you're such a tease." sabi niya.

"I'm such a tease?" I scoffed. "Excuse moi, Mikha Lim, baka if I tease you, hindi mo kayanin. Wala pa nga akong ginagawa. Ikaw nga 'tong pa-fall."

"Excuse me, I'm just being myself." sabi niya. "Di ko na fault if you're falling for me."

"O bakit? I'm also just being myself. Pero sino ba dyan unang nagreact?" sagot ko sa kanya.

"Whatever." sabi ni Mikha tapos lumakad na siya pabalik.

"Ah ganon!" sabi ko sa kanya then I playfully hopped on her back.

Tawang-tawa ako kasi muntik na rin siyang matumba. Ano ba naman tong papi line na to, puro lampa. We both kept laughing pero inulit ko pa rin. This time, mas maayos na akong nasalo ni Mikha.

"Tama nga si Ate Colet. Ang bigat mo!" she complained.

"Ang lalampa niyo lang kaya!" sabi ko sa kanya. "Si Jho nga kaya akong buhatin effortlessly."

"Eh si Jho yun! Kita mo naman biceps nun! Plus gusto mo talaga yan ah." sabi ni Mikha sabay tumakbo siya habang buhat-buhat niya ako.

Sa sobrang panic ko, napayakap din ako sa kanya. She just kept on laughing. I realized how nice it was to hear Mikha laugh like that.

"Hoy Mikha Lim, ibaba mo na ako." sabi ko sa kanya.

"O sige." sabi niya tapos tumakbo siya papunta sa dagat.

"HOY MIKHA!"

I tried getting off her back and in my attempt to jump off, nahulog ako mula sa likod niya derecho sa dagat. Buti na nga lang din, hindi naman maalon and mababaw lang yung tubig, but napahiga ako kaya basang-basa ako. Mikha kept laughing and I just sat there.

"Funny yon? Happy ka?" sabi ko sa kanya and she continued to laugh.

Nung natapos na siyang tumawa, she then held out her hand para tulungan akong tumayo. Pero para makaganti ako sa kanya I pulled her into the water. And since she wasn't expecting it, nahulog siya papunta sa 'kin.

We then looked like idiots na hindi makatayo kasi umaalon na nang konti and we were scrambling to get up. At sa kakagalaw naming dalawa, we were already entangled kaya nauwi na lang kami sa pagtawa.

I've never laughed this hard over the past days and it was such a relief to just be this carefree. Mikha was finally able to sort herself out and nakatayo na rin siya. She then laid out her hand again to help me up. Pero this time, binaon niya yung paa niya sa buhangin para hindi ko na siya mahila.

We were still laughing as we made our way back dun sa resort. We just stopped to buy taho then we both just sat down by the shore and we watched yung mga nagwa-water activities.

"I wish we could just stay here." sabi ni Mikha habang nakatingin siya sa malayo.

"Why? What reality are you trying to escape?" I asked.

"Nothing. Wala namang reality. I mean, I like this version of reality. It's just... andami kong pangarap dati eh. Pero yung talagang gusto ko, maging lawyer sana. Pero I guess, the universe has a different plan."

Hello StrangerWhere stories live. Discover now