30

9.3K 217 13
                                    

Bukas na yung outing namin kasama yung Lakanbini girls. Hindi sana ako sasama pero dahil si Direk Dan na mismo yung nangungulit sa 'kin, hindi na ako nakatanggi.

At dahil ayaw niya na mapagod pa kami sa pagdadrive, he rented a van that will pick us up tomorrow. At para hindi na kami makaabala kela Direk at sa Lakanbini girls, dito na lang din sa condo nakitulog sila Maloi.

"Grabe alam mo namiss ko 'to." sabi ni Maloi. "Ang tagal na nung last overnight nating apat."

"Sobrang busy niyo kasi eh." I teased habang humihiga ako sa lap ni Jho na nakaupo sa sofa.

"Huy grabe siya oh. Akala mo nung dati, hindi siya ganito." sabi ni Jho sabay sinuklay niya yung buhok ko.

"Pero I'm happy na free kayo tonight. Ang tagal na nga nung last time na magkakasama tayo." sagot ko.

It's been months since we've been like this. May seasons din talaga yung pagiging busy naming girls. On lean days, they would stay in dito sa condo and we'd just watch a movie or have dinner or paint. Alam kasi nila na mahilig kami ni Loi magpaint, kaya we'd spend time doing that.

"Kumusta pala yung MV shoot mo, Loi?" tanong ko habang abala si Maloi na magluto ng dinner namin.

"Okay naman. It was fun actually. Sayang nga eh, sana pala sumama ka. Maganda yung venue. You might be able to use that spot someday. Okay siya for picnic scenes ganyan." sagot niya.

"Or what if, mag-picnic tayo dun minsan?" sabi ni Shee.

"Oo nga, punta tayo dun bago kami magstart ng run namin!" sabi ni Jho.

"Eh ikaw? Kumusta ka naman, Marquee?" tanong ni Loi.

"Grabe pasabog talaga 'tong si Ate Aiah eh. Nababaliw na yung mga MikhAiah shippers." sabi ni Shee. "Pero ako kasi, team ColAiah ako eh."

"Ayan na naman kayo eh." sabi ko sa kanila.

"So, anong kwento sa payakap picture niyo sa Manila Bay?" tanong ni Jho.

"Ano na bang status niyong dalawa?" tanong ni Maloi.

"Huy, wala. Friends." sagot ko sa kanila.

"Eh si Ate Colet?" tanong ni Shee.

"Anong si Colet? Eh di friends din."

"Hindi ba siya nagpaparamdam sa'yo?" tanong ni Shee.

"Hindi. Also, hindi naman kailangan." sagot ko sa kanya.

"Apakashowbiz." sabi ni Shee.

"Pero seryoso nga Marquee, hindi mo ba gusto si Mikha? I mean, kahit konti?" tanong ni Maloi habang nilalapag niya yung pagkain dun sa mesa sa tabi ko. I sat down.

Tiningnan din ako ni Jho at ni Shee habang inaantay nila akong sumagot. Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam.

"Hindi ko alam."

"Ano ba yan Q!" sabi ni Jho.

"Well, I mean, hindi ko naman idedeny na mabait naman si Mikha, masungit paminsan, makulit paminsan, pero mabait. And of course she's attractive and she's --" I sighed.

"Parang nasagot mo naman na." sabi ni Jho tapos natawa siya.

"Pero, teka, teka, pero, do I like her? Hindi ko alam. Attracted, probably." sabi ko sa kanila.

"Hindi mo ba talaga siya gusto or may nagho-holdback lang sa'yo?" tanong ni Maloi.

I sighed.

"Meron yan." sabi ni Shee. "Colet ang pangalan."

Hello StrangerWhere stories live. Discover now