65

9.9K 276 70
                                    

From two months ng hindi namin pagkikita ni Mikha, inabot na ngayon ng tatlong buwan. They've been very busy with rehearsals and their regional tour kaya hindi na talaga kami nagkikita. Sa totoo lang, minsan sa social media ko na lang nalalaman kung anong schedule nila. Kahit nga si Shee, kinakamusta ko rin pero hindi niya rin ako nasasagot.

Bumaba ako saglit sa lobby kasi may iniwan daw sa 'kin dun. When I went downstairs, nagulat pa ako na bouquet pala yung iniwan. I heard my phone ring and it was my daily missed call from Mikha. I then checked the card and I saw na may iniwan palang letter dun si Mikha.

Bubby,

I'm sorry I haven't been able to find time to message you. Kulang nalang i-confiscate yung phones namin. Anyway, I hope these flowers make you happy. I miss you everyday. I may not send you messages everyday but you're the first thing on my mind always, you're also the last thing on my mind before I sleep and you fill up my thoughts in every second that my mind allows. I hope you know that. I love you Bubby. I want to hug you so bad. See you soon.

-M.

Seeing Mikha's handwriting made me emotional that I actually cried. Grabe I'm so down bad for her. I just took the flowers and I went back to my unit.

Halos kakapasok ko lang when I heard my doorbell ring. A part of me hoped na Mikha was outside my door, pero I also was surprised to find Kuya outside.

"O Ya, bakit ka andito?"

"You sound so disappointed naman na andito ako, Kins."

"Hindi, hindi. Surprised lang ba." sabi ko sa kanya.

"Hindi ba kita pwedeng dalawin?" tanong niya.

"Tampo ka naman agad Kuya. Nagulat lang nga."

I asked him to enter my condo. May dala siyang pagkain kaya tinulungan ko lang din siyang ayusin. We were eating breakfast nung biglang nagsalita si Kuya.

"Kumusta kayo ni Mikha, Kins?"

"Saan naman galing yung tanong na yan?" I asked.

"Nagtatanong lang ako. Hindi kita nakikitang nagpopost na kasama siya eh."

"Kuya, hindi naman talaga ako nagpopost na talaga."

He laughed. Ever since the whole media blackout, I never really went back to social media except when I need to post about my books.

"Sa kanya galing yan?" tanong niya tapos tinuro niya yung bouquet na naiwan ko pa sa mesa.

"Oo. Tagal na naming hindi nagkikita. Busy siya sa rehearsals and shows nila."

"Nakita ko nga yung schedule nila. Parang sobrang puno. Nakakapahinga pa ba siya?"

I sighed. Ang hirap din na masyadong malayo at busy si Mikha. Hindi ko na nga siya maalagaan, hindi ko pa siya makita. Ni hindi ko alam ano na nangyayari sa kanya. Parang mag-aantay na lang ako ng balita para sa update tungkol sa kanya.

"Pinapasundo ka pala ni Papa." sabi niya.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala, dun ka lang daw muna sa 'kin sa Laguna para may kasama ka."

I just nodded.

"May surprise din ako sa'yo sa bahay." sabi ni Kuya then he smiled.

"Uy ano yan? Magiging tita na ba ako?" I asked.

"Hala hindi yun oy." sabi niya. I chuckled. "Basta pag nasa bahay na, paalala mo lang sa 'kin."

Tinuloy lang namin ni Kuya yung pagkain bago kami umuwi papunta sa bahay niya sa Laguna. Pagdating namin, nagulat pa ako kasi ang unang sumalubong sa 'kin ay si Maddie.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now