21

8.7K 210 6
                                    

Natawa ako kasi pinadilatan lang siya ni Colet.

I think I did a double-take. Ang tagal na naming magkausap ni Mikha sa bahay, pero hindi niya man lang naisip sabihin sa 'kin na birthday pala ni Colet.

"Hala wala kaming regalo sa'yo!" sabi ni Maloi. "Kiss ka na lang namin."

"Wag na kayo mag-abala. Okay lang naman. Gusto ko lang mag-enjoy lang kayo." sabi ni Colet. "O kaya kantahan niyo na lang ako ng happy birthday. Pakinggan niyo." tapos kinuha niya yung phone niya at pinarinig niya yung Happy Birthday song na gusto niya.

"Huy pero seryoso ako sa kiss. Tradition naman namin yun." sabi ni Maloi. "Kiss ka na lang naming lahat."

"AYAW KO!" protesta ni Mikha.

"Ah, dahil dyan, ikaw una Mikhaela Janna. Halika dito." sabi ni Maloi sabay hinila niya si Mikha. I chuckled.

"Di pa naman niya birthday! Bukas pa!" sabi ni Mikha.

"Hindi naman siya eh. Ikaw muna ikikiss ko." sabi ni Maloi kay Mikha. Pilit na pilit na namang iniiwas ni Mikha yung mukha niya.

"Ate Maloi, no! Ayaw!" sabi ni Mikha. Tawang-tawa naman si Maloi at pinakawalan niya na rin si Mikha.

Naging tradition na kasi naming magkakaibigan na kiss lang ang minimum na regalo namin sa isa't isa. Uupo yung may birthday sa gitna tapos ikikiss namin ng sabay-sabay.

Si Maloi talaga yung may pasimuno nun since siya talaga yung may love language sa 'min na physical touch. But I think it's also the simplest way to show how much we care for each other, kaya para di na rin kami mastress mag-isip kung anong ireregalo, kiss na lang talaga.

We then just spent the whole night singing. Grabe yung energy nung mga 'to kasi wala na talaga silang ginawa kundi kumain, kumanta, at sumayaw. Natuwa ako kasi slowly nagiging comfortable na rin kami sa isa't isa. Kahit nga si Mikha, nasasabayan na rin niya yung trip ni Jho at ni Shee. Siguro dahil magkakalapit lang din kasi mga edad nila. Napailing na lang ako. Sometimes these girls remind me how old I am.

Nung nag-12 na, tinawag na ni Maloi si Colet na umupo sa gitna. Hinawakan namin yung cake niya habang kinakantahan namin siya ng happy birthday.

"Guys, mag-live lang ako saglit ah." sabi ni Colet. "Trabaho muna bago birthday."

"Ganyan ba talaga pag artista?" sabi ko sa kanya.

"Boang. Gusto kasi ng management na may exposure kami kahit konti. Kaya kailangan may pa-random kami na ganito. Pati nagsesend sila dyan ng stars ganyan, so nacoconvert papuntang cash. Okay din naman. Pang gastos din sa damit." sabi ni Colet.

"Ang hirap naman pala ng ganyang buhay." sabi ko sa kanya.

"Ginusto namin 'to eh. Though syempre, alam naman namin na may limits din talaga. And di pa naman kami umaabot sa di na kami makalabas." sabi ni Colet. "Anyway guys, go lang. Tuloy lang kung anong ginagawa natin."

Inayos lang ni Colet yung phone niya. And since di naman ako sanay na humarap sa mga ganon, I sat down sa spot na hindi ako basta makikita. Maya maya naglabas ulit ng pagkain si Colet at ilan pang drinks kaya napakain tuloy ulit kami.

Habang kumakain kami, inaasar ako ni Colet na kamayin ko na raw yung crispy pata.

"Kamayin mo na!" sabi nila Maloi.

"Kamayin mo na! Di ba taga McKinley ka --" sabi ni Staku sabay napatigil siya kasi narealize niyang naka-online pa nga pala si Colet.

Not that it matters, pero alam ni Staku na nagkaron kasi ako ng mga stalker dati nung magkasama pa kami kaya biglang nanlaki rin yung mata niya sa sinabi niya.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now