18

8.6K 226 44
                                    

Pareho ata kaming nagulat sa ginawa ko kasi for the first time, I saw Mikha blush.

"Ano... kasi... you... ano... you missed a spot." sabi ko sa kanya tapos inabot ko sa kanya yung face towel ko.

She wasn't speaking and I think she was still in shock.

"Ah... ano... ah... I think we should go back. Pagod na si Ulap eh." sabi ko sa kanya tapos nagmamadali akong tumayo at naglakad na ako agad.

Binilisan ko pa lalo yung paglalakad para hindi kami magkasabay ni Mikha. I looked back and nakita ko naman na kasunod ko na sila.

Pagdating namin sa bahay, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakahiya talaga yung ginawa ko kanina.

"Do you want water?" tanong ko sa kanya.

"Yes please." sabi niya tapos pinaupo ko na lang muna siya dun sa sala.

Nagmadali akong pumasok sa kusina para ikuha siya ng tubig. Susko nakakahiya talaga yung ginawa ko. Ano ba kasing naisipan mo Mariah?

Nilagyan ko lang din ng tubig yung bowl ni Ulap tapos dinala ko na kay Mikha yung tubig niya. When I got to the living room, nakita ko na tinitingnan niya yung family picture namin.

"Kapatid mo?" tanong niya. "Thank you." dagdag niya after niya kunin yung baso.

"Yup."

"Kuya mo?" sabi niya.

"Yeah. Ikaw? Do you have siblings?"

"I do." sabi niya.

"Pang-ilan ka?"

"Guess. Tatlo kami."

"Hmm... you look like you're the middle child." sabi ko sa kanya. She chuckled. Tinuloy lang niya yung pag-inom niya. I waited for her to finish drinking.

"Do you still want more?"

Umiling siya kaya kinuha ko na ulit yung baso and nilagay ko na sa lababo. Pagbalik ko, I saw her still looking at some of the pictures na nakadisplay dun sa sala.

"Ikaw to?" tanong niya habang nakangiti siya. She pointed at one of the photos. It was a photo of me when I was younger wearing a white shirt and red jumper habang nakangiti ako with only two visible teeth.

"Yeah. I think 2 or 3 years old ako dyan."

"Cute mo." sabi niya then she smiled.

"Thanks, I know."

She chuckled and she continued looking at the last frame. It was a photo of my mom and dad, si kuya and his wife, tapos ako hugging myself.

"Wala kang partner?" tanong niya.

"I'm a strong independent woman. Hindi ko kailangan ng partner." sagot ko sa kanya. She chuckled.

"Stranger."

"Hm?"

"I was thinking, what if..."

"What if ano?"

"What if sabay na lang tayo pumunta sa bahay ni Ate Colet? I mean, since I'm here already and para hindi na rin sayang yung gas mo."

Wala namang problema sa 'kin na sumabay ako sa kanya kasi mas convenient naman talaga yun. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jho na hindi na ako makakapagdala ng sasakyan kasi kasama ko siya.

"Sorry, I didn't mean to put you on the spot."

"No, okay lang. Pero okay lang ba sa'yo na mag-antay ka?"

"Yeah, no problem." sabi niya. "But you still look worried. Is something wrong?"

"No, wala naman. Uhm, alam ko na. Let me make you coffee so that you'll have something to drink while waiting for me." sabi ko sa kanya. Pumayag naman siya and nag-insist siya na gusto niya raw akong mapanuod kung paano gumawa ng coffee.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now