19

7.9K 224 20
                                    

"We're here." sabi ni Mikha tapos inangat niya na yung handbrake tapos nagpatay na siya nung aircon at nung sasakyan. She unbuckled her seatbelt tapos bumaba na siya. Sa sobrang bilis ng ginawa ni Mikha hindi agad ako nakakilos pero umikot siya sa harap papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Nahiya naman akong mag-antay siya ng matagal para sa pagbaba ko kaya nagmamadali akong bumaba ng sasakyan niya. Inayos ko na yung damit ko and I heard Mikha close the door behind me. Maglalakad na sana ako papunta sa gate nung naalala kong hindi ko pala naibaba yung bag ko.

Nagmamadali akong umikot para balikan yung bag ko pero nagulat ako nung bumangga ako head on kay Mikha at sa sobrang bilis ng pagkakaikot ko, hindi na rin nakailag si Mikha pero dumikit yung lips niya sa noo ko. I immediately stepped back at nanlaki yung mata ko sa nangyari.

Naramdaman kong uminit yung mga pisngi ko and Mikha's eyes were also wide with shock.

I didn't know how to break off the tension, pero napansin ko na may dugo sa lips ni Mikha. Sobrang lakas kasi talaga nung pagtama ko sa kanya.

"Oh shit! I'm sorry!" sabi ko sa kanya. At sa sobrang taranta ko, I cupped her face and I pressed my thumb on her lips para pigilan yung pagdudugo.

I saw Mikha blush and nung narealize ko kung anong ginawa ko, inalis ko agad yung kamay ko.

We both stood there awkwardly. I cleared my throat

"Siguro pumasok na tayo 'no?" sabi ko sa kanya. She just nodded tapos nauna na siyang naglakad papunta sa gate nila Colet.

Akala ko magdodoorbell pa siya pero nagulat ako kasi binuksan lang niya yung gate tapos pinapasok niya na ako.

"Hindi ka man lang nagpaalam." sabi ko sa kanya.

"Kanino? Kay Ate Colet?"

"Oo. Or like to anyone."

"Ate Stranger, this is practically my house already." sabi niya tapos dumerecho na siya sa loob ng bahay nila Colet.

Pagpasok namin, I was half hoping na wala sila Maloi doon. Kaya nga dahan-dahan ko ring sinilip yung sala and I took a sigh of relief nung napansin kong wala sila.

I looked around the room and I found the interior to be very pleasing. The walls were painted white tapos may konting touch of brown and it was complimented by the frames hung there.

Dumerecho lang si Mikha papunta sa hagdan kaya sumunod lang ako sa kanya.

Pag-akyat namin sa 2nd floor, napansin ko na it was less spacious than the first floor gawa nung high ceiling nila. Nasaan sila Maloi?

Nasa tamang bahay ba kami? Baka bahay nga 'to ni Mikha ah. Bigla akong kinabahan

Ano ka ba Aiah. Nasa baba nga kotse ni Maloi di ba?

Dumerecho pa sa pag-akyat si Mikha and when we got to the third floor, meron pa ring isa pang kwarto which basically looked like their attic. Habang papalapit kami, lumalakas na rin yung mga boses galing dun sa kwarto. I easily recognized Sheena's laugh.

"After you, stranger."

Binuksan ni Mikha yung pinto pero pinauna niya akong pumasok.

The moment the door opened, there was a few seconds of silence and everyone turned to look at me. Bakit nga ba ako pumayag na maunang pumasok? When they finally recognized me, they all smiled.

"O ayan na pala si Ate Aiah eh!" sabi ni Shee.

"Pasok ka, Aiah." sabi ni Colet.

Napansin ko na nakashorts lang si Colet and nakasleeveless lang siya na black at cap. Hindi siya tank top, pero parang tshirt lang na ginupit yung mga manggas. Andaya naman nitong taong 'to. Ang simple-simple ng damit pero kayang-kaya nyang dalhin.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now