Nagising ako sa alarm ni Mikha. I checked my clock and it's only 6:25. I normally wake up at around 6:30. I heard Mikha fumble for her phone. She still has her eyes closed habang kinakapa niya kung nasaan yung phone niya. I teased her by hugging her tighter.
She rubbed her eyes and then she turned to look at me and she chuckled.
"Good morning, Bubby." sabi niya. I smiled back at her.
"Good morning. Bakit ang alanganin ng alarm mo?" I asked.
Mikha was then just staring at me and she's now smiling. Parang bigla naman akong naconscious after seeing how pretty she looked kahit na kakagising niya lang.
"I just want 5 minutes to look at you and hug you without rushing."
I felt myself blush.
"Oo na, Mikha Lim, sayong-sayo na ako. You don't need to do things like this anymore." sabi ko sa kanya. She chuckled.
I moved over and just hugged her. Mikha also hugged me. She planted a kiss on my forehead in the process and it sent a weird signal down my spine. Paano pa ako babalik sa tulog kung kinilig na ako?
We both just stayed in that position, just listening to each other's breathing. I thought Mikha had fallen asleep again, but when I looked up at her, she looked at me too and just smiled.
I guess waking up 5 minutes earlier than my normal time to get up isn't so bad. Mikha hugged me tighter. Biglang tumunog ulit yung phone ni Mikha kaya bumitaw na siya.
"Get up na Bubby, you need to start preparing for work." sabi niya.
"Parang dapat mas maaga pa yung alarm mo." sabi ko sa kanya and I pouted.
"We can stay in bed the whole day, wala akong work today." sabi niya. "Pero ikaw meron."
I whined.
"Fine. Ito na nga. You're gonna regret it though." sabi ko sa kanya.
"You'll regret it if you're late." sabi niya. I whined again as I left the bed. But before I did, I brushed my nose against hers.
"Good morning Mikha Lim." I whispered then I moved away. I heard Mikha hold her breath. I chuckled.
"Don't." sabi niya tapos napailing na lang siya.
"Don't what?" I asked and I smiled at her playfully.
"Don't do that again. You're making me want you." sabi niya. Mikha is now blushing and I couldn't help but smile.
"Well, sorry ka. I like torturing you. Good morning, Bubby." sabi ko sa kanya tapos lumabas na ako ng kwarto.
After kong mag-ayos, Mikha and I decided to visit the coffee shop where we used to stay. We looked for a vacant table and we had our breakfast there.
"I'll walk you to your car." sabi ni Mikha nung tumunog na yung alarm niya.
"I realized na this is harder than I thought." sabi ko sa kanya.
"What is?"
"This. Having to wake up beside you and having breakfast with you, then having to leave you after." sagot ko.
"Akala ko ba ako yung clingy?" sabi niya tapos natatawa siya.
"Akala ko rin eh." sabi ko sa kanya.
Mikha opened the door for me and she waited for me to get in bago niya sinara yung pinto.
"I'll see you soon, Bubby. Ingat ka okay?"
Pagdating ko sa office, sinalubong agad ako ng sunod-sunod na meeting. I had been very busy the whole day na halos hindi na ako nakakain. Naalala ko lang na lunch na nung kinatok ako nung editor namin.
"Maam Aiah, binilan ka na namin ng lunch, hindi ka pa kasi tumatayo dyan."
"Ay hala. Salamat po." sabi ko sa kanya tapos nilapag niya lang din sa table ko yung pagkain. I took it out and tried it.
Palabas na siya ng pinto nung napansin ko na parang may gusto siyang sabihin sa 'kin.
"Ate Tin, ano yun? May kailangan ka pa ba sa 'kin?" tanong ko habang kumakain ako.
"Ay wala naman po ma'am. Pero ma'am, may tanong lang po ako."
"Ano po yun?"
"Hindi ba natin kukunin yung Lakanbini girls para sa ads natin?"
"May project na tayo sa kanila. May isang MV tayo na nirelease kasama sila pati may pending edit pa tayo na billboard nila di ba? Bakit?"
"Hindi po ba sila dadaan dito sa office?"
"Si Direk Dan naman usually yung nakikipagtransact on their behalf. Pero last time andito si Colet. Bakit? May kailangan bang ipa-sign sa kanila? I can bring it to them."
"Ay wala po ma'am. Ano kasi... actually ma'am, andami kasing may crush sa kanila dito sa office ma'am. Gusto lang sana namin makapagpa-picture."
I chuckled.
"Akala ko naman kung ano na yang kailangan niyo. Titingnan ko kung magagawan ko ng paraan. Sino ba bias niyo sa mga yun para mapapunta natin dito?"
"Ay ma'am lahat naman sila gusto sana naming makita. Pero ako kasi talaga ma'am ang crush ko talaga si Mikha."
I think I choked on my food at naubo talaga ako. Buti na lang din talaga may tubig naman ako.
"Bakit naman si Mikha?"
"Ang poganda kasi ni Mikha ma'am! Parang ang linis-linis niya tingnan, parang ang bango-bango, tapos parang ang bait pa niya, tapos sobrang cute kaya niya pag nakangiti siya. Tapos -- ay sorry madam. Carried away lang."
I chuckled. I can't believe I'm listening to other people simping over my girlfriend.
"Sige Ate Tin, don't worry, pag nagkaro'n ng chance, papuntahin ko yung girls dito. Busy lang sila eh. Andami nilang ganap."
"Oo nga ma'am eh. Sobrang in-demand kasi sila ngayon. Pero promise ma'am sobrang daming nagkakacrush dito kay Mikha pati kay Gwen! Kasi grabe din si Gwen! Tapos alam niyo ba ma'am, may out of town concert sila di ba? Alam niyo, bumili talaga ako ng ticket kasi sobrang gusto ko talaga silang mapanuod."
"Sige Ate Tin, pag naging maganda performance mo this year, bigyan kita backstage access sa isa sa shows nila." sabi ko. Siguro makakakuha naman ako nun kay Mikha or kay Direk Dan.
"Talaga ma'am? Anong performance ba kailangan mo? Magaling ako kumanta at sumayaw." sabi niya kaya natawa ako.
Tumawa lang din si Ate Tin tapos lumabas na rin siya. Nung natapos ako mag-lunch, bumalik na ako sa pagtapos ng paper works ko. Ilang projects na kasi yung hindi ko naharap. Hindi ko naman talaga maintindihan kung bakit parang lahat ng mga commercials at mga nagpapagawa ng billboard eh sa amin pinapagawa.
Halos uwian na nung biglang kumatok si Ate Tin sa office ko. Sa sobrang gulat ko sa kanya, napatalon talaga ako at nakita rin niya.
"Hala madam sorry!"
"Nakakagulat ka naman kasi Ate Tin. Ano ba yun?"
"MADAM! HINDI KASI AKO READY! Sobrang bilis mo naman gumawa ng paraan." sabi niya tapos kinikilig pa siya.
"Ha? Teka. Saan?"
"Madam naman eh."
"Teka, ano nga yun?"
"Ayun madam oh."
Paglingon ko sa pinto, standing with a bouquet in hand...
Yung crush ng bayan.