28

8.6K 236 65
                                    

It's been weeks since the last time na nakita ko si Mikha or actually anyone from the girls. Yung Lakanbini girls kasi busy sa tour nila and I just see clips of them sa socmed. Si Jho naman busy sa rehearsal niya, si Maloi nainvite ulit na maging bida sa isang MV, while si Shee naman busy sa masteral niya.

Kaya nga pag nasa office ako, feeling ko napapraning ako kasi minsan parang naririnig ko boses ni Mikha, yun pala, may nanunuod lang ng clip nila. Kaya ngayon na may social event, parang di na ako sanay.

Birthday ni Lola at dahil medyo big time siya, ininvite niya kami and yung mga family friends sa Manila Hotel for dinner. Ayoko sanang pumunta pero ayaw din naman pumayag ni Mama na maiwan ako lalo na cause they flew in from Cebu para dito.

It’s not that I don’t like my relatives, it’s just that I don’t like spending time on parties like that. My lola and her eldest loves to hold grand celebrations which I am never a fan of.

Pero dahil she's the last living grandmother that I have, ayaw ni Mama na nakakamiss kami ng celebrations. Close din naman ako kay Lola kasi despite us being a big family, she always takes care of us.

Preferably, I would have just stayed at home and write. Pero here I am, standing in line sa buffet area. If not for my cousins, I would be dreading the party even more.

"Alam mo Ate Aiah, may nakita akong cutie dito sa resto." sabi ni Kara sa 'kin.

"Ha? Saan?" sabi ko tapos lumingon ako.

"Basta nakapila dyan kanina eh. Di ko na makita ulit. Sayang naman. Pero may tanong ako ate."

"Ano?"

"Wala pa bang nanliligaw sa'yo?"

"Grabe alam niyo, lumayo kayo sa mga nanay niyo at nahahawa kayo sa mga tanong."

“Nagtatanong lang ako."

"Wala."

"Boyfriend?"

"Wala."

"Girlfriend?"

"Wala."

"May nagugustuhan?"

"Kara."

"Grabe Ate Aiah, hindi ka pa rin ba nakakamove on?"

"Shh. Don't say bad words. At for your information, nakamove on na ako, I am fully healed, and I am enjoying my independence."

"Alam mo ate, wala namang masama sa pagiging independent, pero, pwede rin namang lumandi min-- isa po nyan." sabi ni Kara habang tinuturo niya sa chef kung anong gusto niya.

"Alam mo, baka gutom ka na. Kainin mo na yang dala mo." sagot ko sa kanya.

"Ikaw? Di ka pa ba babalik?"

"Iikot pa muna ako. Di ko pa alam gusto ko." sabi ko sa kanya. Tumango lang siya tapos iniwan niya na ako.

I walked all the way to the dessert station and tiningnan ko kung anong flavor ng ice cream yung meron sila. Parang lahat gusto ko kaya hindi ako makapili. I took some photos of the other desserts na malapit sa 'kin.

Siguro kukuha na lang ako ng tig-isang scoop ng --

"Stranger?"

Sa sobrang gulat ko nagmamadali agad akong napalingon. Pero paglingon ko, hindi ko naman nakita si Mikha. Nag-iimagine lang ba ako? May nanunuod na naman ba ng clip ni Mikha?

"It's you nga."

Tumingin ako sa harap ko and andun nga sa tapat ko si Mikha. She's wearing long sleeves and pants this time.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now