9

8.7K 244 16
                                    

I looked at her in surprise and she was just smiling.

"Luh bakit?" sabi ko sa kanya.

"Bakit? Di ba sabi ko sa'yo fan ako ng novels mo? Siguro naman okay lang magpapicture sa favorite kong author?" sabi niya sabay ngumiti siya.

"Sure. Yun lang pala eh." sabi ni Jho tapos lumapit siya sa 'min habang hawak niya yung camera niya. "O game. Ate Aiah, umayos ka na dali. Para makaresume na tayo sa shoot." sabi ni Jho tapos sumenyas siya sa 'min na magdikit kami.

She was smiling and yung mga ngiti na yun ni Jho alam kong puro kalokohan na naman naiisip niya. Pero I just stood there sa tabi ni Mikha and looked at Jho. Harmless naman ang picture.

"Q, ayusin mo naman. You look so stiff. Loosen up a bit." sabi ni Jho.

Tumingin sa 'kin si Mikha and hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naconscious.

"Q, move closer naman." sabi ni Jho. "At ngumiti ka ng konti."

"Nakangiti na nga ako, ano pa bang ngiti gusto mo?" reklamo ko sa kanya and I widened my smile.

"Ayan." sabi ni Jho. "Okay, game. 1, 2, 3. Smile." dagdag niya tapos narinig ko yung shutter na tumunog.

"O isa pa. Mikha lapit ka pa ng konti. Or better yet, akbay ka ng konti kay Ate Aiah para magkasya kayo." sabi ni Jho. I glared at her and ngumiti lang siya. "Hindi nga kasi kasya sa frame." dagdag niya.

"Wide lens talaga yan." sabi ko sa kanya.

"Hindi ah." sabi ni Jho.

"Okay lang ba?" tanong ni Mikha kaya napalingon ako tuloy sa kanya. Nakita ko na nakangiti siya and for some unknown reason, feeling ko naconscious ako bigla. Parang biglang uminit dito sa kwarto.

"Ang ano?" tanong ko.

"Okay lang bang umakbay ako for the picture?" tanong niya. Tumango ako.

Naramdaman ko na dahan-dahang umakbay sa kin si Mikha. At dahil nakasleeveless ako, she consciously placed her hand dun sa covered area ng shoulder ko para hindi niya mahawakan yung balat ko. She was very keen on not to touch me and I totally approve of that. And nung nilagay niya yung kamay niya, I realized how nice her hands are. She had thin, long-fingered hands and she had well-kept nails na narealize ko was painted with colorless manicure.

I guess I was looking at her hands long enough cause I heard Jho clear her throat.

"Okay na tayo, Q?" tanong ni Jho at naramdaman kong namula ako.

"Oo. Dalian mo na." sabi ko sa kanya.

Pero hindi ako makafocus sa pagpicture ni Jho kasi naco-conscious ako sa pagkaka-akbay sa 'kin ni Mikha. That, and the fact na yung buong grupo nila eh tumigil na sa mga ginagawa nila at pinanuod na lang kaming dalawa.

Matagal pa ba 'to?

Hello StrangerWhere stories live. Discover now