Nagbreakfast kami ng girls dun sa restaurant sa resort and the girls also wanted to surf kaya bumalik na muna kami sa mga rooms namin para makapagbihis. Si Jho naman, nagready para sa magiging photoshoot ng Lakanbini girls.
Nag-aayos kami nung nakarinig kami ng katok sa pinto namin. Bubuksan ko pa lang nung bumukas na at pumasok si Maloi at si Colet.
"Patambay." sabi nilang dalawa.
"Go lang."
Pumasok na silang dalawa at tinulungan naman agad ni Colet si Jho dun sa mga sineset up niya. Tumabi naman sa 'kin si Maloi at yumakap lang din siya habang nagbbrowse ng phone niya.
"Huy ang ganda naman nyang necklace mo. Saan galing?" tanong niya.
Napahawak ako agad. Nakalimutan ko na sinuot ko pala yung binigay na kwintas ni Mikha.
"Niregalo ni Miks."
"Ay ang taray talaga ni Mikhaela. So mag-ano na kayo?" tanong ni Maloi.
Nakita ko na tumigil si Colet at si Jho sa ginagawa nila.
"Mga marites." sabi ko tapos natawa silang dalawa. "Pero to answer the question, friends."
"Nakakainis." sabi ni Jho. "Grabeng friendly niyo naman sa isa't isa. May pa-necklace pa nga si accla."
"Kasalanan ba ni Mikha yun na hindi niyo ako niregaluhan?" sabi ko. Natawa sila.
Tumayo na rin kami ni Maloi at tinulungan na rin namin si Jho at si Colet. At dahil ang dami naming inaayos, unti-unti na ring umiinit dun sa kwarto namin, kaya binuksan muna namin yung pinto.
Kukuha sana ako ng tubig pero dumulas yung baso at nabasag. Nung pupulutin ko na, I accidentally cut myself.
"Ow!" I shouted.
Mabilis namang hinawakan ni Colet yung kamay ko tapos tinapat niya sa gripo dahil sakto namang nasa tabi ko siya at naghuhugas ng kamay.
"Saglit, linisan mo muna."
I flinched tapos nagulat ako kasi inangat ni Colet yung kamay ko sabay hinipan niya.
"Ikuha kita ng first aid." sabi ni Colet tapos nagmamadali siya pero hinawakan ko lang din siya.
"Wag na Col, okay lang ako." sabi ko sa kanya.
Pero habang hawak ko si Colet, sakto naman na dumaan si Mikha at natigilan siya nung nakita niyang nakahawak ako sa kamay ni Colet. I immediately removed my hand.
"What happened?" tanong niya.
"Nasugatan si Aiah." sabi ni Colet.
"Ha? Where?" sabi ni Mikha tapos nagmamadali siyang lumapit sa 'min ni Colet.
"Okay na, Miks." sabi ni Colet. "Kunin mo na lang din yung first aid dun para malagyan ng betadine."
Hindi naman nagdalawang isip si Miks at umalis din siya agad. She insisted na siya na lang maglalagay.
"Hep." sabi ko sa kanilang dalawa dahil pinag-aagawan nila yung betadine. "It's just a cut. I can manage. Akin na yan. Go get lost."
Napakamot naman sa ulo yung dalawa and they went back to what they were initially doing. Nung natapos si Jho, pumunta na kami sa dagat para makapag-surfing na yung girls. At dahil may sugat ako, hindi na lang ako nag-surf.
I watched as they all take turns surfing hanggang sa umayaw na si Staku. Umupo na lang siya sa tabi ko tapos kasunod din niya si Jho. Pinapanuod na lang namin na magsurfing si Mikha, Colet, at si Maloi. Sobrang natutuwa ako kasi kanina lang sila tinuruan pero natuto agad sila. Plus nakakatuwa kasi halata mong nag-eenjoy sila. I took some shots habang nakatayo sila.