"EYYYY!!" sigaw ni Gwen kasabay ng handsign nila.
"May nanalo na!" sigaw ni Maloi. I chuckled.
"Umamin din si accla." sabi ni Shee.
"Teka. Teka. Gusto lang ah. Gusto lang." sabi ko sa kanila.
"O sige, magbigay ng top ten na mga gusto mo." sabi ni Maloi kaya tawang-tawa kami ni Shee. "Apakadefensive."
Pakiramdam ko unti-unti nang umiikot yung paligid ko. Muntik na akong matumba, pero hinawakan ako ni Colet.
"Okay girls, I think we should call it a night. Mukhang may tama na 'tong si Aiah." sabi ni Colet.
"May tama na nga si Ate Aiah." sabi ni Gwenny. "Kay Mikha. Eyy!"
I laughed. Kumunot naman yung noo ni Colet.
"Piskit, oi Gwen, nag-drive ka ba papunta dito?"
"Hindi Ate Colet. Nag-taxi lang kami ni Shee. Marked safe." sabi ni Gwen. "Tipsy lang ako. Pero hindi pa ako lasing."
"Sumabay na kayo sa 'kin." sabi ni Colet. "Loi, iwan mo na kotse mo dito. I'll take you home."
"Hoy, bawal akong i-take home uyab." sabi ni Maloi.
"Uyab?" tanong ko. Napakunot yung noo ko. "Magjowa na ba kayo?"
"Hindi. Matagal na lang naming tawagan yan ni Maloi." sabi ni Colet.
Pinisil ni Maloi yung pisngi ni Colet. I chuckled kasi hindi man lang nagrereact si Colet.
"Hindi ko jowa 'to. Kasi ang type nito, yung andun sa teatro!" sabi ni Maloi.
"Ay akala ko ang type niya yung andito?" sabi ni Shee tapos tumingin siya sa 'kin. Natawa naman sila ni Maloi.
"Boang!" sabi ko.
"Alam niyo, tara na. Gwenny, okay ka pa ba?" tanong ni Colet. Tumango naman si Gwen.
"Ako na kay Ate Aiah." sabi ni Gwen.
"Huy okay pa ako." sagot ko sa kanya. Pero pag tayo ko, naramdaman kong nahilo ako. Oh no. Agad naman akong sinalo ni Gwen.
"Kaya mo nga. Tara na." sabi ni Gwen.
Naglakad na kami papuntang parking at isinakay muna ni Colet si Maloi sa sasakyan. At para hindi naman mag-isa si Shee sa sasakyan, iniwanan niya si Maloi kasama niya.
"Gwenny, bantayan mo na lang yung dalawa." sabi ni Colet.
Naglakad na kami papunta sa kotse ko, pero nararamdaman ko pa rin yung hilo.
"Q, what if, ihatid na lang kita?" sabi ni Colet. "Lasing ka na eh."
"Col, di ako lasing. I'm okay. Kaya ko pa naman. Nahihilo lang ako, but I'm fiiiiine."
"Q, I don't think safe ka mag-drive kaya ihahatid na lang kita."
"Ano ka ba, okay lang ako. Mapagpatol ka masyado. Okay lang ako."
"Aiah, ihahatid na kita."
"Uminom ka rin naman di ba? Lasing ka rin so wala naman tayong difference." sabi ko kay Colet.
She stopped walking kaya huminto rin ako. Colet was just staring at me. Parang nalalasing lalo ako sa tingin niya.
"Alam mo Col, cute ka." sabi ko sa kanya.
"Alam mo Aiah lasing ka na."
"No, no. Cute ka naman talaga eh. Parang ang sarap-sarap mong pisilin. Parang ganito oh." sabi ko sa kanya and I pinched her cheeks.