I woke up today feeling a bit better. Masakit pa rin ulo ko, and meron pa rin akong fever, pero medyo nawala na yung hoarseness ng boses ko.
Since kumakalat na sa condo, I took out my trash and half hoping na wala akong makasalubong or makasabay na kahit sino. I even sprayed alcohol sa lahat ng nahawakan ko.
Pagpasok ko sa condo, I saw Maloi's message and may link siyang sinend para sa video call nila. I dialled in and all of the girls are there except kay Mikha.
'ATE AIAH! OMG KUMUSTA KA NA?' bungad ni Staku.
"I'm feeling better. Still with fever, but I'm fine." sabi ko sa kanya.
'Nasaan si Mikha? ' tanong ni Colet.
'Hindi sumasagot sa tawag ko eh.' sabi ni Maloi.
"Baka tulog pa si Mikha." I just chimed in.
To be honest, it made me a bit sad since I would have wanted to see her. Pero maaga pa kasi, and knowing Mikha, she's probably still asleep.
Bigla akong nagpanic kasi biglang may tumunog sa likod ko. Paglingon ko, Mikha was there habang karga-karga niya si Lingling. I didn't know how to react kaya napangiti na lang ako sa kanya. For a moment, nakalimutan ko na hindi siya dapat andito.
'Huy sino yang andyan? ' tanong ni Jho kasi nakita nila na bigla akong napalingon.
"Si Mikha." sabi ko tapos lumingon ako sa kanya. "Hi."
'Aba at bakit ka andyan Mikhaela Janna? '
"Binibisita ko mag-ina ko." sabi ni Mikha kaya nahampas ko siya. Binitawan naman ni Mikha si Ling at hinayaan na muna siyang umikot.
'Yieee.' sabi naman nila Jho.
"Parang tanga to si Mikha. Wait lang girls ha." sabi ko tapos nag-mute muna ako sandali.
'Wala na. Bebe time na raw.' sabi ni Maloi.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"You left your door open, so I came in. And I just wanted to drop by and check on you." sabi niya.
"Check on me? Eh di sana nagjoin ka na lang dito sa call." sabi ko sa kanya. "You shouldn't be here, Mikha Lim!"
Nakasuot naman siya ng mask, pero I'm still worried na baka mahawa siya. I moved away from her.
"Eh I don't want to just see you over video. I need to know you're okay."
"Okay naman ako, pero you shouldn't actually be here. Pinag-isolate nga ako tapos papasok ka lang din dito. Eh di dalawa na tayong magkakasakit."
"Strong naman ako."
"Mikha Lim."
"So what kung magkasakit ako, at least I can take care of you."
"Eh paano nga kung magkasakit ka rin? Sino mag-aalaga sa 'kin? Or sa atin? Si Lingling?"
"I told you I'll take care of you di ba? So I'll do that, no matter what." sabi ni Miks. I frowned. Ayaw ko naman na mahawa rin siya at magkasakit ng dahil sa 'kin.
"Miks, I appreciate all of these pero you need to take care of yourself too."
"I am taking care of myself. And I already have all my stuff packed. I'm staying here with you whether you like it or not. I also told your parents already na I will take care of you."
"Eh paano shows niyo?"
Lumapit si Mikha dun sa laptop tapos in-unmute niya ako.
"Te Colet o, paano raw shows natin kung andito ako para alagaan siya?"