"go number 21!"
"we love you, Eunji! go, go, go!"
"galingan mo babyloves!"
humalo sa dagundong ng mga makinang umiinit ang hiyawan ng mga manunuod. nakakabingi ang ingay ng paligid sa rebolusyon ng mga naglalakihan at nagtatayugang mga motorsiklo. maliban sa maingay, nabalot din sa alikabok at putik ang lugar.
nangunguna sa karera ang rider sakay ang isang kawasaki big bike. nakaka-kaba at nakaka-tindig balahibo ang bawat paglipad, stunts at pag-landing ng malaking motor sa putikang lupa.
"ayan na mga kaibigan, nangunguna na naman si number 21!" paglalarawan ng commentator sa takbo ng karera. mas lalong lumakas ang hiyawan. "wala talagang makakadaig sa husay nya! panis ang mga kalaban!"
ilang laps na lang, abot na ni number 21 ang tagumpay. mas itinodo pa nito ang performance hanggang sa narating nito ang lap.
then the crowd roared. nagwagi ito.
pinahinto nito ang sinasakyang motor na naligo sa putik at alikabok, pati na ang boots nito. sinipa ni number 21 ang stand saka inabot ang helmet at inangat. a mass of rose-colored shoulder length tresses cascaded down as the helmet is remove.
"and still--the undefeated grandslam Motocross champion of this competition, the one and only Eunji Romualdez! shout it out loud fellas! mag-ingay para sa kampyon!"
applauses, cheers and whistlings filled the muddy arena. nagsilapitan palapit sa kampyon ang mga crew members ng kanilang team.
"dang! you slayed it again Eun! lodi ka talaga, dude!"
bulalas na papuri ng kanyang matalik na kaibigan, sabay fist bump at tapik sa likod. bumati rin ang mga kasamahan nila.
"salamat sa inyo." aniya sa mga ito, saka bumaba ng kanyang motor. "all of this won't be possible without you in the team. this victory is for us."
nagpalakpakan ang mga kasamahan nya.
"Eunji, punta ka na sa podium. susunod na ang awarding ceremony."
wika ng isa sa mga organizer ng race. tumango sya dito.
"susunod po ako mamaya, Sir." tugon nya. "magpapalit lang ako ng boots sandali."
"okay, walang problema. congrats nga pala."
pagbati nito sabay lahad ng kamay sa kanya. they shook hands saka ito umalis.
"balik ka muna tayo sa tent para mapalitan yang boots mo." wika ni Del, bestfriend at kababata nya. "ipapalinis ko na rin natin itong motor. sige na, mauna ka na sa tent."
"okay. i'll go ahead, guys."
paalam nya sa mga kasama. pumunta na sya sa kanilang tent ngunit natigil sya ng dumogin sya ng mga tagahanga--na surprisingly, ang karamiha'y mga babae.
"Eunji, selfie naman tayo. please?" ungot pa ng mga ito sa kanya.
"mamaya na. pagod ako, eh. sorry."
tugon nya na hinawi ang mga ito para makadaan sya. dinig pa nya ang kanilang mga pagmamaktol at pagdadabog, na kesyo raw ang snob nya at mailap. ipinagkibit-balikat lang nya ito at tinungo ang tent. matagal nang ganito ang ugali nya kaya nagtataka sya kung bakit hindi pa nasanay ang mga ito.
naupo sya sa monobloc chair at hinubad ang boots nyang suot at pinalitan ng bago. maputik kasi talaga ang race track kaya hindi pwede ang sneakers nya.
binuksan nya ang takip ng cooler at kumuha ng ice-cold lemon and lime energy drink. inisang lagok nya ang laman ng plastic bottle dala na rin ng init. naging maputik lang naman ang race track dahil umulan kagabi. after her thirst was quenched, pinisa nya ang bote at initsa sa basurahan.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite
RomanceEunji has learned life's lesson the hard way. so she made a vow to herself: to stay away from people as much as possible and graduate unnoticed in the university where she's currently enrolled. gusto na nyang makalayo mula sa ciudad na ito at sa mg...