CHAPTER TWENTY-FOUR: HINDI TAYO PWEDE

642 20 1
                                    


"inaasahan kong wala ka na dito pagbalik ko." aniya sa babaeng hubo't-hubad at umiiyak. "leave, please."

"you can't fool me!" muli nitong singhal sa kanya. she looked away, not wanting to see Nievez's naked form. naiilang sya ng sobra. "sinasabi mo lang yan para tumigil ako at umalis dito! sinungaling!"

Eunji look at Nievez with pity. she doesn't want to hurt this lady---ngunit sadyang hindi sila pwede. hindi nararapat, dahil mali.

she let go of a tired sigh.

"hindi ako nagsisinungaling. ano sa tingin mo ang mapapala ko kapag sinabi ko ang mga bagay'ng yun? wala. wala, Nievez." ang napapagod nyang paliwanag dito. "kung gusto mong maliwanagan, umuwi ka. tanungin mo ang iyong ina kung bakit hindi nila sinabi sa inyo ang totoo. kung may sinungaling man dito, hindi ako yun."

niyakap sya nito ng mahigpit, na hindi na nya pinalagan. Snow held into her and sobbed hardly.

"please, don't do this to me. gusto talaga kita, Eunji." hagulgol nito na mahigpit na kumapit sa kanya. "please, ako na lang. ako na na lang..."

nagugulohan na sya sa dapat gawin. kahit anong piga nya sa sarili, wala talaga syang ni kaunting nararamdaman para dito. kung meron man, marahil---awa. tanging awa lang ang kaya nyang ilaan para dito.

"I'm sorry. ngunit iyun ang totoo. patawarin mo 'ko, Nievez. ngunit--hindi tayo pwede."

umiyak lang ito ng umiyak sa kanya. marahan nyang tinanggal ang jacket at pinasuot dito.

"go home, Nievez." ang malumanay nyang turan dito. "kalimutan mo na ako. wala tayong mararating, hindi ko matutumbasan ang nararamdaman mo. pasensya na talaga."
*******************0o0*************

"mabuti na lang at hindi ka nadarang sa kanya." wika ni Del habang hinahango ang niluluto nitong empanada. "kung nagkataong naging marupok ka at may nangyari sa inyo, nakow. yari na."

nilapag nito ang bandehado at naghila ng upuan katapat nya. nasa probinsya sila ngayon matapos ng naging engkwentro nila ni Nievez. nagpaalam sya kay Sophia na uuwi muna sandali.

"kung hindi ko nalaman ang totoo nung una pa lang, ewan ko rin kung ano ang mangyayari." aniya.

"at ano namang ibig mong sabihin dyan? na maaari mo syang magustohan?"

nakatungo lang sya at hindi agad sumagot sa tanong ng kaibigan.

"well, maganda sya at matalino. at galing sa maalwang pamilya." anito. "hindi malayong magustohan mo nga sya. kung nagkataon marahil na hindi kayo mag-pinsan, baka nga."

"o kung hindi ko nakilala si Sophia." aniya. Del smiled slyly.

"ayun. ngayon ko lang napatunayan na masarap nga ang bawal." panunukso pa nito. "ikaw ang buhay na patunay ng kasabihang, 'love your enemy'."

humagalpak ito ng tawa nang batuhin nya ito ng raisin. gumaan somehow ang pakiramdam nya.

"teka. sabi mo maganda si Nievez." aniya. "gusto mo sya?"

umiling ang kaibigan.

"hindi. nung una, oo. kunting paghanga lang." sabi nito. "pero katagalan, nawala din naman. ano kasi--naaalala kita sa kanya. cold, indifferent. aloof. ganun. i find her frigid and stiff. sabi ko nga dati, magkadugo talaga kayo. pareho kayo ng personality, pati na sa ugali."

nalaman nya ang lahat mula kay Inang, nung isang beses na napanuod nya sa balita ang pamilyang Zhang. napatitig sya ng husto sa asawa ni Avril Zhang--dahil nakita na nya ito noon...
*****************0o0***************

"pamilyar sa 'kin yung katabi ng Zhang na yan, Inang."

aniya sa kinikilalang ina, na hindi nilalayo ang mga mata sa screen ng TV. dose anyos sya nung mga panahong iyun.

"oo anak, pamilyar nga sya. nakita ko syang lihim na nagpunta sa pagsaboy sa abo ng lolo mo noon." anito. nagtatakang napatingin sya dito.

"talaga po, Inang?" tanong nya. "sino po sya?"

her foster mother sighed and gently ruffle her hair.

"sya si Era Romualdez-Zhang." wika nito sa kanya. "kapatid sa ama ng Mama Katerina mo. at ang mga batang yan na kasama nila---mga anak nya sila. tandaan mo ang kanilang mga wangis, Eunji. dahil kahit ayaw kang kilalanin ni Era bilang pamangkin nya, hindi mo dapat magustohan ang kanyang mga anak kapag lumaki na kayo. immoral ang incest, anak. nakakarimarim ang mga taong pumapatol, nakikipag-relasyon at gumagawa ng kahit anong malalaswa sa kanilang kadugo."

*****************0o0***************

itinatak nya sa kanyang isipan ang payo ng Inang. ngunit sa kasamaang-palad nga, hindi nya na natandaan ang mukha ng mga anak ni Era. nagbabago ang hitsura ng tao habang lumalaki, dahilan para hindi nya namukhaan si Nievez. at dahil hindi sya nito kilala, nagkagusto ito sa kanya. ang laki tuloy ng problema nya.

"it's a good thing that you're abstained bago may nangyari sa inyo ni Sophia." ani Del. "kung nagkataong sexually active ka dati pa, baka 'di ka nakapag-pigil at nagalaw mo si Nievez. nakow, gulo yun. at nakakadiri din. hindi ko kayang intindihin yung mga taong mahilig sa mga kwentong may tema ng incest. i mean, kadiri kaya yung magkapatid, magpinsan, mag-nanay o mag-tatay na nagjujug-jugan. kahit nga half-siblings pa yan, ganun pa rin."

"I agree. taboo ang incest. scientifically, napatunayan nang may genetic deformity ang mga sanggol na ipinanganak na magka-dugo ang magulang. kawawa tuloy yung bata."

"kaya nga. you did the right thing na apulahin ang apoy bago ka tupokin nito." wika ng kaibigan. "mas malala ang mangyayari kapag nabuntis mo sya, or worst---silang dalawa."

natahimik silang dalawa pagkatapos. nahulog sya sa malalim na pag-iisip.

"nga pala, ano ba talagang estado nyo ni Sophia?" napatingin sya ng diretso sa tanong ng kaibigan. "may label na ba kayo? o FWB lang?"

"FWB? ano naman yan?"

"FWB. as in--friends with benefits. sila yung mga taong trip mag-momol at magjugjugan ng walang matinong relasyon. yung fling-fling lang, ganun."

wala syang maapuhap na isagot. may punto ito. medyo matagal-tagal na rin silang nagtatal*k ni Sophia at alam nyang mahal nila ang isa't-isa. yun nga lang, hindi pa lantad silang dalawa.

"ingat sa ganyang love affair, Eun. tandaan mong mainit ang dugo ng isa sa mga ina ni Sophia sa 'yo. kapag nalaman nung JShawn na syinota mo ang anak nya, tyak na papalag yun. that old hag ruined your family before. she might do the same to you."

she balled her hands into a fist. hindi nya hahayaan ang matandang yun na sirain sila ni Sophia.

isinusumpa nya iyun.
*****************0o0****************

Love you, Inang. You taught Eunji the right thing. You're a great mother, indeed 👍👏👏

well---kapagod mag-update ng walang nagbabasa 😭😂😁 pero okay lang. may unrequited love kami at ang pagsusulat, eh. 😂😂😂 mahal ko ang pagsusulat, ang pagsusulat---hindi. langya. 🥺😂😁😊😂😂

METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite Where stories live. Discover now